Chapter 7

30 2 0
                                    

Chapter 7

(Kurt's Pov)

"Nawawala si Jackie!!!!" sabi ko nang makalabas sa kwarto ni Jackie.

Ako kasi ang gigising ngayon kay Jackie. May schedule kasi kaming tatlo eh, dahil si Jackie laging tanghali na kung gumising.

"Nandyan lang yan!" sabi ni Kathryn.

"Ikaw Kurt ha! Wag ka ngang OA! Nakakarindi!!" inis na sabi sa akin ni James at kumagat sa kanyang tinapay.

"Naman!!!! Di ako OA ha! Concern lang ako! Shit naman! Wala nga si Jackie!!!" sabi ko at bumaba ng taranta.

"Kapag yun nandoon, tamo ha!" sabi ni Kathryn at pinandilitan talaga ako.

Bakit ba super super super super kulit nila?!

Sisigaw ba ako dito kung nandyan yan ha?! Adi kung sumigaw ma ako, sana'y binatukan na ako at binato ng unan ni Jackie.

"Adi tingnan mo pa! Wag kang sisigaw ha, kapag wala dyan ha! Lintek!" sabi ko at kinuha bag ko.

Lumabas si Kathryn saka lumaki mata niya.

"Oh?!" sabay namin sabi ni James na galit.

"Wala nga siya....." sabi ni Kathryn at ngumanga pa!

So ano? Tatayo na lang kami dito?! Shet lang ha?! Nag-promise pa naman ako kay baby Hazel na ihahatid ko siya ngayon. T.T

Kinuha ko cellphone ko at tinext si Hazel.
Hazel :

Mhie, sorry di kita maihahatid. Nawala kasi bigla si Jackie. Susunduin na lang kita mamayang uwian. Ingat, ILoveYou. :*

Tinago ko na ulit sa bulsa ko ang aking cellphone at tinitigan ng mabuti si Kathryn.

"Oh ano? Tatayo na lang diyan?" pilosopo ko at sinamaan siya ng tingin.

"James! Ayusin mo na kotse mo!" sabi ni Kathryn at bumaba na saka inayos gamit niya.

"Tanga! Grounded nga diba ako?!" galit na sabi ni James habang kumakain.

"Shet naman eh... Ayokong mag-kotse." sabi ni Kathryn.

"Oh?! Ako, wala niyan! Mahirap ako. Bwisit na yan!" sabi ko naman at umupo.

"Nagkakotse ka pa, kung hindi mo naman pala gagamitin." sabi ni James at kinuha susi ng kotse ni Kathryn saka kinuha bag niya at uminom ng tubig saka lumabas.

"Tsk. Akin na lang sa susunod kotse mo, black naman yan eh." sabi ko at lumabas na rin.

Bwisit na araw iyan! Nawala na nga si Jackie, hindi ko pa naihatid si Hazel. Kamusta naman yun? Sira na agad?!

Sumakay na ako sa kotse, at si Kathryn rin. Tapos si James nagsimula nang mag-drive.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon