Chapter 34

21 2 0
                                        

Chapter 34

(Kathryn's Pov)

It's valentine's day. Kamusta naman kaya ang magiging araw ko ngayon?

Maganda kaya?? Maybe, this is the day... Ito na yung araw na sasagutin ko si Vince.

Base kasi sa nabasa ko. Hindi panliligaw ang pinapatagal, ang relasyon dapat. Yeah, it's true..

Kagigising ko lang at kinuha ko agad ang aking phone at may message na.

Galing kay Vince. :)

From Vince:

Happy Valentine's Day, Kath. Sunduin kita diyan later. Iloveyou. :*

Napangiti ako sa nabasa ko, kay umagang-umaga napangiti na agad ako ng taong mahal ko.

Bumangon na ako at nag-diretso sa banyo saka naligo't nag-toothbrush, nagbihis ng simpleng damit.

Kilala ko naman yun eh. Ayaw niya kasi akong nagsusuot ng maganda, simple lamang daw dapat. Para raw wala siyang kaagaw, pati na rin, mas maganda raw ako kapag simple.

Lumabas na ako sa kwarto ko, at pumunta sa kusina at kumuha ng tubig sa ref, nang bigla akong may nakita na note.

Kathryn,

May pupuntahan lang ako. Importante lang. Happy Valentine's nga pala. Enjoy kayo ni Vince. :)

-James

Saan naman pupunta yuna lalaking iyon?? Tsk... Wala talaga yun magawa sa buhay kahit kailan.

***
(Hiro's Pov)

Napakahirap talagang intindihin amg love. 4 letters lang, grabe ang hirap intindihin.

Ano nga ba ang love? Ngayon ko lang narealize, wala pala talaga akong kaalam-alam sa love.

First gf?? Bago ka magka-gf wala kang kaalam-alam sa love, pero siguro hindi pwedeng mangyari na first love ay last na rin. Dahil nga first palang, wala kang alam. At may matutunan ka lang rito kapag nasaktan ka na.

Ganun talaga siguro noh?

"Hiro, ano ng plano mo?" Tanong ni Kristine.

"Saan naman?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

Nandito kami sa park, sa may ilalim ng puno at nakasandal rito, at nagtitingin-tingin sa paligid.

It's Valentine's Day you know.

"Sa lovelife mo, you know. Si Ackie..." sabi niya at may halong lungkot ang mukha niya.

Ginulo ko buhok niya at tumawa ako ng mahinhin.

"Ano ka ba. Mismong siya na ang nagsabi na. Kalimutan na namin ang meron kami noon. At saka, wala akong magagawa. First namin pareho. Hindi pwedeng kami na talaga sa huli." Sabi ko habang nakangiti.

"Eh paano ka?" Tanong niya at nag-pout.

"Anong paano ako?" Tanong ko at tinaasan na siya ng isang kilay.

"Paano ka? Paano ka magiging masaya? Wala na siya." Sabi niya at umiwas ng tingin.

"Magiging masaya pa rin ako because I have you. At kahit mahirap sa akin. Pipilitin kong mahalin ka, masakit man marinig yun para sayo. Wag kang mag-alala, dahil mamahalin kita kahit papaano. Dahil tayo ang para sa isa't isa." Sabi ko at kinindatan siya.

"Ang gay mo."sabi niya at sinuntok ako sa braso ko.

"Ganun naman talaga kapag nagmamahal." Sabi ko at nginitian siya.

Tumawa siya at sinandal niya ang kanyng ulo sa balikat ko.

"Sana maging masaya ang day na ito.." bulong niyang sabi at ri ig na rinig ko yun.

Syempre, magiging masaya yun. Dahil kasama mo ang taong mahal mo. Ang valentine's day ay ang araw ng pagsasama niyo. Pero hindi pwedeng sa valentine's day lang kayo magsama. Valentine's day, kahit may mangyaring masama, kung kasama mo ang taong mahal mo, magiging masaya ito kahit papaano. :)

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon