Chapter 12

34 2 0
                                    

Chapter 12

(Jackie's Pov)

Talaga bang kahit saan ako pumunta? Lagi siyang nandito? Stalker ko ba ito? Ayoko lang mapahiya kaya di ako naga-assuming. Pero sa pinapakita niya ngayon, di ko magawang hindi mag-assume.

"Stalker ba kita?" tanong ko at ngumisi.

Siguro naman kilala niyo na kung sino ang unggoy na kausap ko ngayon?

Tumawa siya pero sandali lamang.

"Ayan na ata ang pinaka-nakakatawang joke na narinig ko sayo. Haha!" sabi niya at tinuro-turo pa ako.

Err.. So hindi pala? Eh anong ginagawa ng mokong na ito dito?

"Ano ba kasing ginagawa mo rito?! Lagi na lang eh! Kung nasaan ako, nandoon ka rin. Ano ba?!" sabi ko at nagpadyak.

"Haha! Ang cute mo." sabi niya at kinurot pa ako sa pisngi, hinampas ko naman kamay niya at sinamaan ko ng tingin.

"Seryoso, Ajay. Bat ka ba nandito?" tanong ko at tumungo para mapigilan ang galit.

"Naglalakad ako, obvious ba? Nakasalubong lang din naman kita eh? Wag ka ngang assuming. Nakakaturn-off." sabi niya at ngumisi.

Okay... Jackie, easy lang. Inhale, exhale. Wooo!!!

Tumingin ako sa kanya at nginitian siya ng pinaka-sweet kong ngiti na kay Hiro ko lang ginagawa.

Inaamin ko! Nadidiri ako. Kay Hiro lang dapat itong ngiting ito eh. ~_~

"Err.. What's that smile?" tanong niya at tinaasan ako ng isang kilay.

"Sweet smile." sagot ko at kinindatan siya.

"Di halata, parang ngiting pampamatay daga lang eh." sabi niya at tumawa na naman.

Naalis ang ngiti ko sa sinabi niya at naging masama na naman aura ko.

"That's it! Sabihin mo nga lahat-lahat! Una! Bakit dinahilanan mo na tayo'y magkasama noong absent ako?! Pangalawa, magkaibigan ba kayo ng mga kaibigan ko? Pangatlo, bakit ba lagi mo na lang sinisira araw ko?!" sunud-sunod kong tanong at binilang ko talaga sa aking mga daliri.

"You really want to know the answer?" tanong niya na seryoso na ngayon.

Naalala ko na nama ang sinabi niya kahapon.

"I can be, Jackie. Ako naman."

Shit! Ayan na naman ang utak ko! Uulit ulitin na naman yan. ~_~

"At saka... Idagdag mo na rin yung, sinabi mo kahapon na 'ikaw naman' thingy." sabi ko at nagface-palm.

Ngumisi siya at ngumiti, yung pang-killer smile.

"Are you sure you want to know?" tanong niya ulit kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo nga!!" sigaw ko na sa kanya.

"Una, dahil, trip ko. Pangalawa, di ko alam. Pangatlo, it's fun. And the last one, dahil par--"

Naputol ang sasabihin niya ng mag-ring ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan.

Mama's Calling...

Tumingin ako sa kanya at binigyan ng wait-lang look.

Tumango naman siya kaya sinagot ko.

"Hello, Ma?"

(Ackie!!!! Good news!)

"Ano pong good news?"

Di naman ako excited, kasi kahit kailan, si mama kapag nagsasabi ng goodnews, hindi ako natutuwa.

(Napagawa na namin ang bahay na para sa inyo ni Hiro!!!)

Aww... Naalala kong may pinapagawa nga palang bahay si mama para sa AMIN ni Hiro.

Oo, kami ng rich. Haha! :P

"Pero, Ma... Ako na lang po titira dyan. Mas mabuti pa po."

(No! Delikado. Kailangan magkasam--)

"Break na kami. Ok? Sige, bye na po."

Sorry ma... Naiinis ako sa nangyari eh... Ayoko kasing maririnig pangalan niya mula sa inyo dahil kapag nalaman mo ang nangyari, hindi ka na magtitiwala kay Hiro. Ayokong mangyari yun. Dahil alam kong may dahilan si Hiro.. Wala siyang gusto kay Kristine. Alam ko yun! At kahit si Kristine alam kong may gusto siya kay Hiro, kahit sinasabi niyang hindi niya aagawin sa akin. Yun pala, kapag wala ako. Nakikipag-flirt na siya. How cool was that?!

"Una na ako." sabi ko kay Ajay at aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako sa braso.

"Uulitin ko, Jackie... Nandito ako, handang tulungan kang kalimutan ang lahat ng masakit na naramdaman mo kay Hiro. Uulitin ko, Jackie. Nandito ako. Kung pwede lang? Hihintayin ko sagot mo bukas." sabi niya at binitawan na niya ako saka umalis na siya.

Ano bang ibig na iparating niya? Tutulungan niya akong kalimutan ko ang sakit ng nararamdaman ko kay Hiro? At paano? Nagpapatawa ba siya? Sira talaga. Wala naman makakatulong sa akin.

Kasi sabi nga raw. Walang makakatulong sayong mag-move-on kundi sarili mo lang.

Oh? Tanga ba siya? Tutulungan niya ako? Tsk.

Sige, papayag ako.. Basta ba kaya niya eh. >:)

Bahala na siya kung anong plano niya, basta hindi ko yung papansinin. Ako na ata ang masamang tao na nakilala ni Ajay. >:)

***

A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon