Chapter 29

22 2 0
                                    

Chapter 29

(Kurt's Pov)

Magulo ang pag-ibig kung tutuusin. Hindi mo alam kung totoo na ba o hindi, hindi mo alam kung siya na ba o hindi. Hindi mo alam kung masaya ka na o hindi.

Pero ang pag-ibig, ang mahalaga sa isang tao.

Parang walang kulay ang mundo natin kung wala yan. Wala rin tayo kung wala yan. Hindi dadami ang tao sa mundo, kung wala yan. Hindi rin magiging masaya ang isang katulad mo, kung wala yan. Paano kung meron? Pag-ibig, meron man, nagkakakulay ang mundo natin, nagiging masaya ang araw natin, nadami ang tao sa mundo. Pero once na masaktan ka, babalik ulit sa una yan na parang nawala na naman. Panibagong kukulayan na naman.

Ganyan talaga siguro ang love, pero buti naman hindi nawawala yan.

Minsan nakakapagod ng umintindi. Kagaya ni Jackie, napagod na siyang kakaintindi kay Hiro. Pero wag natin unahin ang emosyon. Mag-isip muna tayo, bago tayo kumilos. Ano pang kinalaman ng utak kung hindi gagamitin?

Nakalabas na ako sa hospital, and isang linggo na ang nakalipas. Hindi pa rin kami ayos ni Hazel. Pinapahinga ko muna ang isip ko, at pagod na kakaisip sa kanya.

Malapit na ang valentine's day. Pero di ko alam kung magkakabati pa ba kami o hindi?

Nandito ako sa park at nakaupo lamang at tinitingnan ang paligid.

Di ko alam kung ano ang reaction ko, nang biglang dumating ang taong mahal ko, may dala-dalang isang gitara, at marami pa siyang kasama.

Magalin ba itong mag-gitara? At.... Anong ginagawa niya?!

***
(Jackie's Pov)

1 week ang nakalipas, still... Di pa rin kami mag-kaayos ni Ajay. Miss ko na siya... :(

At... May activity kami ngayon, by partner.

Sa sobrang gulo ni tadhana, nagka-partner kami ni Ajay ng wala sa oras.

Magkatabi tuloy kami...

I forgot, magkapartner din kami sa js prom. (magaling kasi akong mag-piano) pero.... Wahhh!!! Galit pa rin siya sa akin. T.T

Gaano ba kalaki yun? Di ako sanay. >_

"Ok, class! Ang gagawin niyo lang naman eh... Mag-hanap sa labas ng mga flowers na pwedeng gawing bracelet. At ibigay niyo sa inyong kapartner ang ginawa niyo." sabi ni Ma'am.

Flowers? Eh di naman bakla ang kapartner ko? Paengot-engot din minsan ang teacher na ito eh... Kung anu-anong activity ang pinapagawa sa amin na wala naman kinalaman sa lesson namin.

Oh well, lalabas naman kami eh, adi makakaenjoy. Makakaenjoy nga ba? With this guy? Aish... Makahingi nga ng tulong kina Kathryn, para magkabati kami nitong lalaking ito.

Pinalabas na kami ni ma'am, 15 minutes lang naman maghahanap eh. ~_~

"A-ajay.... Ano ba ang magandan--"

"Di ko alam." sagot niya agad at humiwalay sa akin.

Ang cold niya sa akin, grabe!!! >_

Lord! Tulungan niyo naman ako, oh! Promise! Di na ako lalandi, kahit hindi naman ako lumalandi.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon