Chapter 13

27 2 0
                                    

Chapter 13

(Jackie's Pov)

Matagal na rin ang araw na nakakalipas, nakakalimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko, pero hindi pa rin yung sakit na ipinakita nila sa akin.

Masaya ako, pero hindi pa rin katulad ng dati.

Kung tutuusin, maraming nagbago since noong nakausap ko si Ajay sa street o kung saan man yun.

Oo, pinayagan ko si Ajay na tulungan ako, kahit alam kong hindi niya ako matutulungan.

Sabi pa niya, magiging boyfriend ko siya pero ako, umayaw. Asa naman siya!

Pero kung ituring niya ako ay parang girlfriend na niya.

Lagi na nga akong nagising na maaga dahil sinusundo na niya ako, tapos minsan sabay pa kami mag-break time. Tapos ihahatid ako pauwi. Parang girlfriend niya ako kung tratuhin, pero para sa kanya lang yun.

Minsan, nakakainis rin dahil napakayabang niya. Pero masarap kasama.

Siguro, sa simula pa lang, ganun na kami ni Ajay mag-usap. Yun bang pasigaw, payabang, painisan. Aaminin ko nag-eenjoy ako. :)

Pero sa oras na nakikita ko si Hiro at si Kristine, nagkakasalubong kaming apat ng tingin. Masama ang tingin ko sa dalawa, at yung dalawa nakatingin sa akin na parang malungkot talaga. Para bang hurt sila. Asa! Sila? Hurt? Magpretend na lang sila. Tsk.

Ang tatlo kong kaibigan? Ayun!

Si Kurt madalas sumasama na sa girlfriend niya dahil napapansin niya, nagkakalayuan na sila. Si Kathryn? Ayun, nakikihalubilo sa mga kaibigan ni Vince. If I know..... >:)

Si James??? Ano nga bang meron kay James this past few weeks?

Hindi na siya malimit uminom, pero malimit sumasama sa mga babae, pero lagi siyang tulala minsan at napunta sa park ng hindi man lang sinasabi sa amin ang dahilan. If I know.... Baka umiibig na naman yan. Hayss... Sasaya ako lalo, kung may makakapagpatino kay James. Ayun lang ang pag-asa eh. Masyado kasi siyang playboy.

Mali yung inasal niya kasi! Iisang babae lang nanakit sa kanya, pero halos lahat tratuhin niyang manloloko. Babae ako, nasasaktan rin ako sa ginagawa niya. Dahil kung ako nga, niloko ni Hiro. Siya pa kaya? Tsk.

"Jackie!!! Kuya mo!!!" bungad sa akin ni Kurt na ikinagulat ko, it's Saturday kung tutuusin. At... Nasa kwarto lang ako nagbabasa ng ebook. Adik ako dito eh, marami akong natutunan about love.

Marami akong ebook, dahil binibili ako ni Hiro. Miss ko na talaga siya. :(

Bumangon agad ako at nag-ayos sa salamin, saka lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Kuya na nasa sala kaya agad akon bumaba at niyakap siya.

"Kuyaaaaa!!!!" sabi ko na gigil na gigil na may kasamang tuwa. :)

Kuya ko siya, at ngayon lamang uli itong nagparamdam. Masyado kasing busy sa damily niya eh. :)

Siya nga pala si Kien (Kin), Kien Casio. :)

And miss ko na si Ate Samora, ang kanyang wife. :'>

"Musta naman?" tanong niya at ginulo buhok ko.

Si kuya talaga! Kung tratuhin ako, parang bata pa rin.

Napa-pout na lang ako sa ginawa niya kaya tumawa siya.

"Hoy! Nabalitaan ko, brea--"

"Shhh.... Oo! Mamaya na natin yan pag-usapan. Bakit ka narito? At napabisita ka?" pagbabago ko ng topic saka tiningnan si Kuya.

"Susunduin na kita. Well, you know. Pumayag na si Mama na doon sa pinagawa nilang bahay, ay doon ka na titira. Ok lang sa kanila na ikaw lang mag-isa. Basta ba raw, wag magdadala ng lalaki. Haha!" sabi niya at tumawa.

Binatukan ko naman siya, sumiit naman ang tatlo.

"Nako, kuya! Kung alam niyo lang, may dinadala yan ditong lalaki." sabi ni Kathryn na ikinasama ko ng tingin.

Pakulo ng mga ito oh!!! Nakakaani!!! Wala naman eh.. T.T

Tumingin sa akin si Kuya at ngumisi.

"Dalaga na talaga si Ackie!" sabi niya at dumila.

"Yung totoo kuya? 24 ka na ba o 10 years old?" tanong ko kay kuya dahil napaka-childish niya.

"Di ka naman mabiro!" sabi niya at sumeryoso na.

"Naku! Kuya, hindi na talaga yan mabiro simula noong nawala na ang AckieRo." siit naman ni Kurt na lalo kong ikinaface-palm.

Mamaya si James naman ang dadagdag diyan. Mga pakulo niyan eh.

Tumingin sa akin si Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ngumiti naman siya.

"Ayusin mo na gamit mo, mamayang hapon, susunduin kita rito. Kailangan ko pang asikasuhin si Kira." sabi niya at tumayo na.

Tumayo kaming apat at niyakap ng tatlo si Kuya.

Wow! Babalik pa naman mamayang hapon, masyadong OA makayakap!

"I forgot... James, susi mo at license mo." sabi ni Kuya at may kinuha sa bulsa niya at ibinato kay James, buti nasambot niya.

Naku!! Naibalik na sa kanya susi ng kotse niya, naku!! Lagi na naman ito wala. ~_~

"Aalis na ako. Ackie, bilisan mo." sabi niya at kumaway saka lumabas na.

"Gwapo ng kuya mo." sabi ni Kathrn at kinindatan ako.

"Magagaganda at magagwapo lang talaga ang mga lahi ng Casio." pagmamayabang ko.

Umubo naman silang tatlo kaya tumawa kaming apat.

"Oh? James? Alam kong miss mo na yang kotse mo, alis na!!" sabay namin sabi ni Kathryn kaya nagkatinginan kaming dalawa sa isa't isa at tumawa.

Ang saya ba ngayon? Pero panigurado, lahat ng ito. Mamaya, may kapalit. :/

***

A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon