Chapter 1

93 3 0
                                    

Chapter 1

(Jackie's Pov)

Masakit! Ang sakit sakit! Bakit sa dinami-daming babae, bakit yung bestfriend ko ba?

Di ko matanggap! Alam niyo yun? Di ko matanggap. After break up namin, malalaman ko, may kapalit na agad sa pwesto ko, at ang masama pa, bestfriend ko pa!

Mabait naman si Kristine, pero bakit niya nagawa yun sa akin?

"Hoy! Jackie! Wag ka ngang mag-emote na naman diyan! Kumain ka na nga! Lahat kami'y nag-aalala na sayo!" rinig kong sabi ni Kathryn mula sa labas ng pintuan ko.

Nasa kwarto ako. At 5 days na ata akong nakakulong dito magmula noong nag-break kami ni Hiro.

"Kurt! Kunin mo kaya susi noh?" rinig kong utos ni Kathryn kay Kurt.

Talagang concern ang mga bestfriends ko, REAL BESTFRIENDS para mas maganda.

Buti pa sila, kahit hindi ko malimit nakakasama, totoo sila sa akin. Eh si Kristine? Lagi ko na ngang nakakasama, nagawa pang manloko. Bullsh*t lang!

Nakita kong nasa unahan ko na pala sina Kathryn, James at Kurt.

"Hoy! Babae! Magpapakamatay ka ba ha?" tanong ni Kathryn at nagpameywang.

Magpapakamatay? Mas mabuti ngang magpakamatay na lamang, kaysa sa maramdaman ko ang sakit ng puso ko.

"Jackie. Nagwo-worry na kaming tatlo, ay apat pala. Kasama si Hazel." sabi ni Kurt kaya binatukan naman siya ni Kathryn.

"Nagawa mo pang mang-joke, kita mong nasasaktan na si Jackie." sabi ni Kathryn at nag-face palm.

"Joke ba yun ha? Concern din naman si Hazel ah!" sabi ni Kurt at nag-pout.

"Lumabas nga muna kayong dalawa! Pang-istorbo kayo lalo eh." saway naman ni James.

"Wow! Sinong boss? Ikaw may-ari ng kwarto?" sunud-sunod na tanong ni Kurt.

"Kurt! Isa pa! Lumabas na nga tayo! Makakausap kasi ng isa diyan si Jackie dahil CLOSE sila!" parinig ni Kathryn kay James.

Si James naman nagface-palm.

Gusto ko sanang tumawa, pero parang wala akong gana at ayaw mag-function sa aking utak.

Lumabas na ang dalawa at sinaraduhan ang pintuan.

Kinuha naman ni James yung upuan sa isang tabi at umupo doon.

"Jack--"

Humiga ako at nagbalungot.

Narinig ko ang pag-buntong hinga niya bago nagsalita na naman.

"Jackie, sa tingin mo.. May mababago kapag umiyak ka? Sa tingin mo, babalik siya sayo? Sa tingin mo, magiging kayo ulit?" panimula niya.

Napapikit na lang ako at hinayaang matamaan sa mga sinasabi niya.

"Hindi diba? Walang mababago, sarili mo lang mababago. Pwede kang magkasakit, pumayat, pumangit, at lalong pinapakita mo sa kanila na mahina ka at ikaw ang nawalan, hindi sila." dugtong pa niya na lalong nagpatama sa akin.

"Jackie, wag kang magkulong, mag-emote o mag-drama. Your wasting your tears." dugtong pa niya.

Di ko akalain na magalin mag-advice si James, playboy yan eh! Bakit nga ba naging playboy si James?

"Come on. Bumangon ka na dyan, kumain, mag-ayos ng sarili. Ipamukha mo sa kanila na hindi ikaw nawalan." dugtong pa niya at narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang pagsarado.

Siguro lumabas na siya.

Sumilip ako ng kaunti doon sa kinauupuan niya kanina kung nandoon pa siya, at buti naman wala na.

Umupo ulit ako at kinuha ang salamin sa tabihan at tiningnan ang sarili.

Oo nga naman, bakit nga ba ako nagsasayang ng luha sa taong wala naman pakialam sa akin! Wala naman mababago eh, hindi naman siya babalik, kaya bakit pa ako iiyak ng pagkatagal? Tamana yung isang beses na lamang, atleast yung bigat ng loob lamang ang nabawasan.

Ngumiti ako ng mapait at binaba ang salamin.

"From now on, I will change everything." sabi ko at tumayo na saka dumiretso sa banyo.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon