Chapter 28
(Kathryn's Pov)
Biglang tumahimik ang lahat ng pumasok si Hazel.
"Ka-kamusa siya?" naiiyak na tanong ni Hazel.
Ilan sa amin ay nag-shrugged lang ng balikat.
Bigla naman ako nakaramdam ng galaw sa kamay ni Kurt kaya agad ko itong tiningnan.
Gising na siya. :))
Tumingin siya sa paligid niya at para bang may hinahanap.
"K-kurt...." tawag ni Hazel at lumapit kay Kurt.
Tumayo ako at lumabas, sumunod din naman yung iba.
Nang makita ko si Jackie, agad ko itong nilapitan.
"Nasaan si Ajay?" tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at umupo doon sa may upuan.
"Nasaktan ko siya..." malungkot na sagot niya.
Nasaktan niya? Sa paanong paraan?
Akalain mo yun? Abalang-abala si Jackie dahil nasaktan niya ang taong ayaw na ayaw niya. Ayaw niya nga, pero bakit di siya masaya? Ayun lang naman hiling niya eh, ang layuan na siya ni Ajay. Pero bakit, sobrang nasaktan din siya?
"Why?" tanong ko.
"Nagsinungaling kasi ako sa kanya." sagot niya at tumingin sa aking mga mata.
"Madali lang naman mag-sorry, Jackie. Sobrang dali! Pero kailangan with effort. Di ko alam, kung bakit ganyan ka ka-affected sa ginawa niyang pag-iwas sayo, pero alam mo, nakakapanibago. Ayaw mo sa kanya, pero nasasaktan ka sa ginawa niya." explain ko at umiling.
"Ayun na nga eh. Ayaw ko sa kanya, pero bakit ako hindi masaya? I hate him, pero bakit parang miss ko na siya?" tanong niya at nag-pout.
"Miss mo na siya? Kailan ka lang ba niya iniwasan?" tanong ko.
"Kanina lang, kagabi nangyari ang away." sagot niya at tumungo na naman.
Hinawakan ko balikat niya.
"Jackie, di ko alam kung makakasakit ba ito o hindi. Pero masakit man o hindi, ito ay isang friendly advice, hindi kita sinasaktan." sabi ko at nanatili lang siyang tahimik.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Manhid ka ba, Jackie? Alam mo ba ang mga ibig sabihin na pinapakita ni Ajay? Tinutulungan ka niyang makamove-on! At pinapakita niya na, siya naman raw ang mahalin mo. Pero wala pa eh, bulag ka pa ata. Bulag pa sa pagmamahal ni Hiro. Move-on, Jackie. Move-on." paliwanag ko.
***
(Hiro's Pov)Mahirap sa una, pero masasanay din siguro ako.
Kanina, masaya akong nakita na magkabati na ulit sila. Para bang, ang gaan sa pakiramdam. Pero wala na.. Wala na talagang pag-asa. Ibig sabihin, tanggap na niya na hindi na kami para sa isa't isa, na kailangan na namin kalimutan kung ano man ang mayroon sa amin na hindi na pwede ngayon.
Ganun siguro talaga ang love. Magulo, nakakainis. Pero sana, maging magkaibigan pa rin kami kahit papaano.
"Ok na ba kayo ni Ackie?" tanong ni Kristine sa akin at naghulog ng 5 pesos doon sa coffee machine ata tawag dun? Ay.. Ewan, di kasi ako updated diyan eh.
"Hmm.... Yeah. Kinakalimutan na namin ang meron kami na bawal na ngayon." sabi ko na nakangiti.
"Sorry ha? Kung hindi dahil sa akin, sana eh kayo pa rin. Sikat na sikat kayo sa school. At para bang naging madilim ang paligid noong nawala na ang AckieRo." sabi niya at tumawa.
Inakbayan ko siya at nginitian.
"Nah... Hayaan mo na yun, ayun ang nakasalalay na panahon eh. Wala tayong magagawa. Tanggapin na natin ang katotohanan." sabi ko at hinalikan yung ulo niya.
***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomanceSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***