Epilogue
(Jackie's Pov)
"Guys... Babalik kayo ha..." sabi ni Kathryn na maiiyak-iyak na.
Nandito na kasi kami sa airport. At tapos na ang graduation kahapon. Ang bilis ng araw noh? Excited siguro si Author. Tsk. Sa bagay, kung ikekwento pa yung nangyari kahapon eh masyadong matatagalan. Graduation lang naman yun.
"Oo!" Sabi ni James na irita na sa tanong ni Kathryn. Kasi kanina pa yang umaga na pinapaalala.
Tumingin ako kay Mom and dad pati kina Ate Sam at Kuya Kien.
"Skype na lang." Sabi ko at niyakap sila at nag-yakapan na rito.
"James. Ingatan mo si Jackie." Sabi ni Mom kay James at tumango naman si James.
"Kaya ko naman sarili ko." Sabi ko at nag-pout.
"Oh siya, baka iwan pa kayo ng eroplano niyo. Wahahaha." Sabi ni Kurt at tumawa.
"Teka lang. Wag niyo kalimutan." Pagpigil ni Vince.
"Alin?" Tanong ko at tiningnan siya.
"Pasalubong." Sagot niya at ngumisi.
"Eh kung batukan kaya kita dyan. Kita mong hindi pa nakakaalis, pasalubong agad?" Sabi ni James kaya tumawa ang iba.
Bigla naman narinig kong sinabi na yung flight number namin kaya agad na nagpaalam na kami sa isa't isa at umais na doon.
Habang nakapila kami ay agad na nagtanong si James.
"Nakita mo ba siya?" Tanong ni James.
"No sign of him." Sabi ko at may pag-iling pa.
***9 years ago...
Biglang may kumatok sa pintuan ko habang ako'y nagta-type. Sumilip naman siya at nginitian ako, ngumiti rin naman ako at tuluyan na siyang pumasok.
"Busy??" Tanong niya at ibinaba niya si Jaime.
"Nah... Hindi ako busy kapag dating sa inyo." Sabi ko at isinarado na ang laptop at humarap sa kanila.
"Hmm... Kung hindi ka busy, tara?" Anyaya niya.
"Saan?" Tanong ko at binuhat ko si Jaime.
"Mom... I wanna go outside." Sabi ni Jaime at tumigin ako sa lalaking di ko inaasahan na magiging asawa ko pala sa huli.
Binigyan niya ako ng napakalapad na ngiti.
"Let's go." Anyaya ko at lumapit kay James, inakbayan niya naman ako at kinuha sa akin si Jaime.
Lumabas na kami sa aking office at tuluyan ng umalis sa loob ng kompanyang ito. At pumunta kami kung saan naka-park amin kotse at sumakay na rito at pumunta sa park.
Park na muna ngayon. ;)
"Ang gwapo mo talaga." Sabi ko kay Jaime at hinalikan siya sa ulo.
"Mana sa akin eh." Sabi naman ni James kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Asa." Sabi ko at dinilaan siya.
"Haha. Gwapo kasi ako tapos napangasawa ko eh maganda. Syempre ang kalalabasan eh gwapo." Sabi niya at ibinaba na si Jaime.
Si Jaime naman agadna tumakbo at nag-laro, ako naman umupo pati na rin si James.
Nakauwi na nga pala kami rito sa Pilipinas, mga 4 na taon na ang nakakalipas. Hehe... Yeah, si James Denver Young ang nakatuluyan ko, biruin niyo yun? Young pala ang mapapasa-akin na apelyido. Jackie Casio Young. And that's our son, Jaime Young. Grabe, dumaan pa ang maraming panahon para lang malaman ko na nasa tabi ko lang rin pala ang makakatuluyan ko. Hay nako...
Kamusta na yung mga kaibigan ko? Ayun si Kathryn at Vince ang nagkatuluyan. Tapos si Kurt at Hazel din, sila rin ang nagkatuluyan. Buti pa nga sila eh, hindi masyadong nasaktan. Ako, dalawang beses. :3
Oo nga naman, bakit ganun ang pag-ibig? Kita mo ng nasa tabi mo lang pala ang the one mo, pero naghahanap ka pa ng iba. O si tadhana lang talaga? Bakit si tadhana magulo! Kailangan pa may makilalang ibang tao para mapa-ibig doon, tapos nasa mo lang pala makakatuluyan mo! Bakit ganon?
Pero ngayon, di ko na yan iniisip. Masaya na ako sa kung anong meron na ako ngayon. Family, happiness at love. Kuntento na ako rito.
"Mom! Dad!" Tawag ni Jaime kaya agad kaming lumapit sa kanya, at may kasama siya batang babae.
"Hi po! Ako po si Kaila." sabi nung batang babae.
Ngumiti naman ako at kumaway rin sa kanya.
"Nasaan parents mo?" Tanong ko at si James naman ay kinausap si Jaime.
"Si Mama, wala na... Si papa na lamang nasa tabi ko." Sabi niya at ngumiti.
"Nasaan siya?" Tanong ko at tiningnan siyang mabuti.
"Kaila!!!" Biglang may tumawag sa bata kaya napalingon kami doon.
"Pa." Sabi ni Kaila at yumakap doon sa ...
"Ajay??" Sabay namin sabi ni James at inakbayan ako bigla ni James.
Tinignan niya lang ako at agad na nilayo si Kaila sa amin.
Ngumiti ako sa kanya at tiningna siya.
"Mag-kikita pa pala tayo." Sabi ko at inilahad ko ang kamay ko para makipag-shake hands.
Nakipag-shake hands naman siya at ngumiti rin.
"Uwi na kami." Sabi ni James at inihiwalay niya yung kamay ko sa kamay ni Ajay at ngumiti kay Ajay.
"Nice to meet you, Kaila." Sabi ko kay Kaila at nginitian siya.
"Nice to meet you din, pre." Sabi ni James at ti-nap niya sa balikat si Ajay at inakbayan na ako saka na tuluyang umalis doon.
Love... Tadhana, hanggang ngayon pa rin ba!? Wag ka ng magulo. Masaya na ako sa meron ako ngayon.
Anyway, ang Love? Dito ko na-realize na. Kahit anong gawin mong pag-pipigil sa puso mo. Kahit pigilan mo, di mo pa rin maiiwasan magmahal ulit. Dahil nga, ang puso, hindi nauutusan. Ang kaya lang gawin ay ang buhayin tayo at magmahal.
Pero kahit ganun, kung hindi ka sumusuko. Naghi-heal yan. Kahit anong sakit yan o kung gaano man kasakit. Maghi-heal pa rin yan at magmamahal na naman. Puso nga lang diba? Kung first time mo, mahirap.. Pero siguro kapag nasanay ka na, alam mo na ang gagawin mo. Alam mo na kung ano ang tama at mali.
At ayun ang natutunan ko. Ang tama at mali.*The End*
***
A/N: Vote and comment. Thanks!

BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomanceSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***