Chapter 6

38 2 0
                                    

Chapter 6

(Jackie's Pov)

Another day, or Tuesday na..

Umuna ako sa tatlo, hindi ako nagpaalam. Bahala sila maghanap sa akin, iniwan nila ako kahapon eh! :P

Andito na ako sa school, pero wala pa sa room, nakatambay muna ako sa rooftop, ang place na break up namin ni Hiro.

*Flashback*

"Hiro, ayoko na. Pagod na akong umintindi. Lagi ka na lang busy, wala ka ng time sa akin. Tapos may magsasabi sa akin na, nag-gagala ka lang naman." sabi ko kay Hiro at pinipigilan ko pumatak ang mga luha ko.

"Maniniwala ka pa ba sa kanila? Hindi sa akin? Wala ka na bang tiwala sa akin? Come on! 2 years na tayong magkasama, at kahit kailan, di ako nagsinungaling sayo. Bakit mo ako ginaganyan ngayon??" tanong niya at halata sa mga mata niya ang sakit,lunkot at takot.

Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makita na ang kanyang mga mata ay nasasaktan.

"Ayun na nga eh... Di ko alam kung maniniwala pa ba ako sa iyo. Alam kong 2 years na tayo, at di ko alam kung totoo pa ba yun o hindi. Dahil sa tingin ko, parang hindi pa kita masyadong kilala." sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Ackie..... Bakit??? Bakit ka maniniwala sa kanila?" tanong niya at hinawakan niya kamay ko.

"Marami na kasing nakakapagsabi sa akin, marami na rin nakakakita sa iyo." sabi ko at inalis ang kamay ko sa kamay niya.

"Nakita mo na ba ako ha?" tanong niya para makasigurado.

Natahimik ako sa sinabi niya.

Nakita ko na ba siyang naggagala na hindi ako kasama?

"See! Hindi mo pa ako nakikita. Ibig sabihin, hindi totoo." sabi niya at tumayo.

"Paano kita makikita, kung lagi lang naman ako nasa bahay at nagpapromise sayo na hindi ako sasama sa iba, kahit kanino man o kaya ako lang mag-isa? Paano kita makikita ha?!" hamon ko sa kanya at tumayo na rin.

Nagulat ata siya sa pagsigaw ko.

"Bakit kasi di mo na lang aminin ha? Halata naman eh, tinatanong mo pa ako kung nakita kitang naggagala. Tapos may nakapagsabi pa sa akin, kaya raw minsan absent si Kristine, pati na rin ikaw. Dahil magkasama kayo. Di pa ba sapat yun?! Ayoko na! Ang sakit na! Pagod na akong umintindi. Let's end up this relationship." sabi ko at tumalikod na at saktong tumulo ang luha ko na kanina ko pang pinipigilan saka umalis na.

*End of Flashback*

Naramadaman kong basa na ang pisngi ko. Shit naman, umiiyak pa rin ako?!

Hayss... Alam kong kasalanan ko rin kung bakit naghiwalay kami, masisisi niyo ba ako? Pagod na kasi akong umintindi eh.. Lagi na lang siya wala, pagkatanda ko 1 month na niya akong di nakakasama. Tapos mababalitaan ko, magkasama pala sila ni Kristine. Tapos yung nagbreak-up kami, ayun na nga! Sila na agad, so ibig sabihin, totoo nga ang mga pinagsasabi ng iba.

Maybe this is the last.. Ayoko na... Pagod na akong magmahal, nakakasawa na. Di na muna ako magmamahal ngayon. Iba muna pagtutuunan ko ng pansin. Bahala na... Sana maging manhid muna ako.

Ayoko na.

Pinunasan ko ang aking mga luha at saka tumingin sa wristwatch.

Masyado talaga akong napaagang pumasok. 30 minutes pa tuloy akong maghihintay. Tsk tsk.

Pipikit na sana ako kaso nakita kong may nakasandal sa pader at nakatingin sa akin kaya tiningnan ko ito.

Okay! Sira na agad araw ko. Nakita ko na naman si unggoy. :3

***

A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon