Chapter 20

19 2 0
                                    

Chapter 20

(Jackie's Pov)

"Tulog ka na ha.." sabi ni Ajay sa akin.

Nandito na kasi kami sa aming bahay, at inihatid niya ako rito, at ayun. Inuutusan ako ng mukhang unggoy na ito.

"Sige. Salamat." sabi ko at tatalikod na sana kaso nagsalita siya bigla.

"Wala man lang ba goodnight kiss dyan?" tanong niya at parang nagtampo ang unggoy.

Napaharap ako sa kanya at tiningnan siya ng masama.

"You're not my boyfriend." sabi ko at nagpameywang. Ngumisi naman siya at lumapit sa akin saka inilapit sa aking mukha.

"I am. Matagal na, di mo lang alam." sabi niya habang nakangisi.

*DubdubDub*

What the fudge?! Kanina pa ito, kada lalapit sa akin si Ajay, yung tibok ng puso ko, hindi na ata normal.. >_

"O-okay..." sabi ko at lumayo ng kaunti saka umiwas ng tingin.

"Nasaan na goodnight kiss ko?" tanong niya at nagpamulsa.

Naman!!! Ano ba ito? Boyfriend ko siya pero di ko alam? Eh hindi ko naman siya sinasagot ah! Isa pa, di niya ako nililigawan. At isa pa, ayoko sa kanya! ~_~

Hindi ko alam kung bakit..... Kung bakit kusang gumalaw ang katawan ko't mga paa't kamay.

Dahil lumapit ito kay Ajay at hinalikan sa PISNGI.

May sariling kaluluwa ata ang katawan ko. Bakit pa ako nagkokontrol nito? :3

Ngumiti siya ng normal na para bang 'Good' ang pinakikita niya at ginulo niya buhok ko.

"Good night. I love you." sabi niya at saka tumalikod na.

*DubDubDub*

Shetttttt!!!! Ano ba naman yun?!?! Anong nangyayari?? Huhuhu..

Di ko ito gusto ha. T.T

Makapagpacheck na kaya bukas?? Hmm...

***

~Kinabukasan

4am akong nagising dahil hindi ako makatulog.

Kaya ngayon, naisipan kong pumunta muna kina Kuya Kein at Ate Samora.

Pagkalabas ko sa bahay, nakita ko si Hiro na nakatayo at nakasandal sa gate.

Anong ginagawa niya rito?

Ang aga pa ah...

Magtatago na sana ako kaso bigla siyang humarap kaya nakita niya na ako.

"Nandyan ka na pala." sabi niya at ngumiti.

Teka nga lang. Bat alam niya kung saan na ako nakatira?

"Bat mo alam na dito na ako natigil?" tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay.

"Tayong dalawa ang pumili ng space diba? Pati kung saang lugar.. Paano ko yun hindi malalaman?" tanong niya at napailing.

Oo nga pala. Tsk! Nakakainis!!

"Anyway, bat ka nandito?" tanong ko at lumapit na saka binuksan ang gate.

"Gusto ko ng malaman kung anong sagot mo." sabi niya at humakbang ng isanag beses.

Sagot? Saan?

"Sagot? Saan naman?" tanong ko at napakunot noo ko.

Bat parang naiinis ako na nandito siya? Bat parang, ayokong makita siya?

"Ulyanin ka talaga. Doon sa kung (lumapit sa tenga ko) pwedeng maging tayo ulit?" napaiwas ako sa kanya at natahimik.

Parang kahapon lang. Masyado kon winish na sana maging kami ulit. Pero, bakit parang.. Nagdadalawang isip ako?

"Hiro.... Ayoko na.... Tamana.... Sa ginagawa mo ngayon? Mali eh.. Oo, kahit gusto kong maging tayo ulit. Ayoko pa rin. Wala na, huli na eh. Sa tingin mo, magbabago pa isip ng papa mo? Kilala mo naman ang papa mo.. Iisa lang desisyon at kung ayun na ang pinili, ayun na talaga." sabi ko at napaiwas ng tingin.

Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat.

"Susuko ka na ba?" tanong niya at halatang malungkot ang boses niya.

"Unang-una, Hiro. Ikaw ang unang sumuko, at bago ka pa magkaroon ng mga ideas, huli na. At the same time, sumuko na ako." sabi ko kahit yun word na 'sumuko na ako' ay hindi totoo. Pero sa isip ko, parang sumuko na talaga ako.

"Sabi mo..... Mahal mo pa ako?" binitawan na niya ako at saka yumuko siya na para bang nagpipigil ng galit.

"Mahal pa kita. Pero sa tingin ko, di na dapat maging tayo pa. Alam mo naman dati... Binigyan na kita ng second chance, tapos pati ba naman ngayon? Wala na, Hiro. Kahit mahirap tanggapin. Pareho tayong nahihirapan. Mas maigi pang mag-move on na lang tayo, and start a new one." sabi ko at niyakap siya. Pero inihiwalay niya ako sa kanya.

"You're idiot. Sa tingin mo kaya ko yun?" tanong niya na nagpipigil na ng galit.

Ito na nga ba ang ayoko eh...

"Hiro..... Please, intindihin mo naman." pagmamakaawa ko.

Kumalma siya at tiningnan ako ng seryoso.

"FINE. Pero, pwede ba? Kahit ngayong araw na ito ang huli na at ang pagputol natin sa ating relasyon, pwede bang magsama tayo maghapon? At bukas na bukas... Simulan na natin ng panibago." sabi niya.

Hindi na ako nagdalawang isip pa kaya pumayag na ako.

Niyakap niya ako and at the same time.

He kissed me pero smack.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon