Chapter 35
(Jackie's Pov)
Lumipas na ang Valentine's Day at ang 4 days. Masaya naman kami ni Ajay. Di ko alam pero bigla na lamang akong may naramdaman na kakaiba. Parang ang saya saya ko kahit ang hangin-hangin niya. Kahit nakakainis siya, ang saya ko. Para bang.... Yung naramdaman ko kay Hiro noon ay nararamdaman ko na naman ngayon, pero this time, ibang lalaki, ibang tao, at si Ajay iyon.
Mahirap paniwalaan, but I think, I fall inlove again... Ganun na ba yun kabilis? Sa bagay.... Matagal ko ng gustong magmove-on at ngayon lamang nangyari, tatanggihan ko pa ba? At kahit naman tanggihan ko, wala naman mangyayari. Siya at siya pa rin.
Sabi raw nila, kung nakamove on ka na, hinding-hindi na babalik pa ang nararamdaman mo sa kanya noon. He's only your past.
Kamusta naman kaya ako ngayon?
I think busy siya... Malapit na rin naman kasi kami grumaduate na.. At kailangan na asikasuhin ang lahat-lahat.
"Ma, si Pa? Kailan ba yun uuwi?" Ulit kong tanong.
Araw-araw ko na lamang ito iuulit-ulit na tanong, pero paulit-ulit na lamang rin ang sagot niya.
"Di ko alam." Walang ganang sagot ni Ma.
Shet naman eh. :(
Bakit ba ayaw sabihin ni Mama? Alam ko namang alam niya, ayaw niya lamang sabihin sa akin, pero bakit?
May problema ba? May mangyayari bang masama kapag sinabi niya sa akin?
Kinuha ko yung coat ko na nakasabit sa likod ng pintuan at saka sinuot ito.
"Alis muna ako, Ma." Sabi ko at kinuha ang cellpone ko at wallet pati na rin ang susi ko.
Tumango na lang si Mama, at nagpatuloy sa paglalaptop niya.
Nandito kasi siya sa bahay KO. Ewan ko kung bakit? Gusto niya lang daw akong makasama.
Umalis na ako doon at pumunta sa bahay ng tatlo.
At wala palang tao rito..
Saan naman kaya pumunta ang tatlo? Hmp..
Saan naman kaya ako pwedeng mag-gala? :3
Kina Ajay na lang kaya? Tutal, close ko na naman ang Dad niya eh.
Aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa aaking pangalan kaya napalingon ako kung saang direksyon yon.
"Hayley??" Gulat kong sabi.
After that day na tinulungan niya ako, ngayon lamang uli siya nagparamdam. Kamusta naman yun?
"I need you..." sabi niya at hinawakan ako sa dalawa kong kamay.
Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya.
Bakit naman kaya?
"Look... Alam kong di tayo close, dahil matagal-tagal na rin yung araw na tinulungan kita. Pero please... I really need you, Ackie." pagmamakaawa niya.
"Okay... Easy lang... Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.
"Hindi ito importante sa akin, pero dahil importante ito sa iyo. Gagawin ko.." huminga siya ng malalim na para bang nagre-ready ma sa sasabihin niya.
Naghintay lamang ako.. At buti naman nag-salita rin siya.
"Si Ajay... Si Ajay nagwawala doon sa...." takte... binitin pa talaga ako.
Nataranta ako, kaya napasigaw ako at tinanong siya.
"Ano?!?! Anong nangyari?! Sabihin mo... At saan?!" pilit ko.
"Sa bahay ni Hiro.. Please.. I really need you..." sabi niya..
Di na ako nagsalita at sumakay na agad sa kotse ko, sumakay na rin naman siya kaya agad ko ng pinaharurot ang kotse ko sa bahay ni Hiro.
Bakit naman yun magwawala?! Eh.... Wala na naman ginagawa sa akin si Hiro eh. :3
Nang makarating ako, bumaba agad ako at nakita ko silang dalawa na magkatabi naman at nagtatawanan..
"I guess ok na sila. Haha." Sabi ni Hayley at tumawa.
Bumaba na siya pati rin ako at pumunta na doon.. Umalis naman ang dalawa at iniwan kami ni Ajay.
***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomanceSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***