Chapter 14
(James Pov)
Yung totoo? Ang saya ko. :)
Oh sige. Medyo gay ito. Pero promise! Ang saya ko. :)
Agad akong umalis sa bahay ng binalik na sa akin ang susi at lisensiya ko.
Grounded kasi ako, bakit? Nahuli kasi ako ni Mom and Dad na nambababae, at sinabihann pa ako na 'Hindi ka namin pinalaki ng ganyan?! Alam mo sa ginagawa mo? Parang sinasaktan mo na rin ang Mama mo.' sabi ni Dad sa akin.
Nasaktan ako noong sinabi niya yun sa akin. Kaya tumigil ako sa panloloko ng mga babae, pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-inom.
Hanggang sa naging tahimik ako dahil nga sa nawala yung buhay ko. Yung buhay ko? Marami..
Until the day I met Satrina... Parang may bagong nangyari sa mundo ko. Para bang minulat niya ang aking mga mata. Ok, masyadong cheesy pero promise! Geez, nababakla na ako sa mga sinasabi ko. >_
Minsan, wala ako sa bahay dahil nagkikita kami ni Satrina.
Hirap pa ako pumunta sa pagkikitaan namin dahil sa wala nga akong kotse. Tamad pa naman akong maglakad. ^_^
Pinaharurot ko ang kotse ko at nagsimula ng mag-ikot, kung saan man gusto kong pumunta.
Nang bigla na lamang sa kalagitnaan ng paggagala ko. Nakita ko ang babaeng niloko lang ako.
Si Dhaica...
Anong ginagawa niya rito?! Akala ko ba, malayo na siya sa lugar namin. Pero bakit siya naririto?
Nandoon lang naman siya sa bench nakaupo at para bang may hinihintay.
At biglang may tumigil na sasakyan sa tapat niya at may lumabas na lalaki saka siya nginitian, tinulungan siya nung lalaking makapasok sa kotse.
Aaminin ko, mahal ko pa rin siya.
Nakaramdama ako ng kirot sa puso ko, pero hindi na katulad noong dati.
Siguro nabawasan na....
Ayun ata boyfriend niya eh. Gwapo kasi, pero MAS gwapo ako doon. :3
Di ko lang alam kung anong nilason n lalaking iyon sa utak ni Dhaica at napasakanya.
Umalis na yung sasakyan.
Nakaramdam ako ng kirot pero di na masakit. Masaya ako kahit papaano, pero di ko akalaing sa tinagal na panahon. Nasasaktan pa rin ako.
Maybe, this is the time...
Ito na talaga ang huling beses...
Ititigil ko ng umasa sa kanya, masaya na ako kung saan siya masaya. Pero siguro mas sasaya ako kapag siya ay nasa akin. Pero wala eh, imposible na.
Ito na ang huli. Kakalimutan ko na siya, marami pa namang babae diyan na tutulungan akong magmahal ulit.
Ayoko na rin. Ayoko ng maging playboy pa. Kaya ko lang naman ito ginawa para iparamdam kay Dhaica kung gaano niya ako sinaktan. Pero wala pa rin palang silbi.
Magbabago na ako. Ibabalik ko na ang dating ako.
***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomanceSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***