Chapter 42

17 1 0
                                    

Chapter 42

(Jackie's Pov)

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Kurt, tapos tumayo na ako.

Mukha pa ba akong okay ha? Sa ganito kong itsura? Bakit ba ang mga tao kapag kita ng nasaktan, tatanungin pa kung okay lamang yung tao. Yung totoo? Nagbubulag-bulagan?

"Obvious ba?" Sarkastiko kong sabi.

"Tara na!" Anyaya ko at aalis na sana kami kaso nahabol na ata ako.

"Jackie!!" Tawag niya sa akin pero di ako lumingon.

"Oh. Jackie? Si Ajay pala oh." Sabi ni James.
Di ko siya pinansin at tumakbo na ako, iniwan ko sila. Hayss... Ang hirap ba.

Pagabi na nga pala.. Tsk. Ayokong umuwi... Ayoko..

~3 hours later~

Hindi na nila ako sinundan. Buti naman. Nandito lang ako sa likod ng mga sirang building at... Ano pa ba kapag broken hearted? Umiiyak syempre...

8 pm na nga pala... Buti may relo ako, you know, walang cellphone at pera. Bahala na..
Nakatungo lamang ako habang nakaupo na ang ulo ko at kamay ay nakapatong sa ma tuhod ko.

Malamig... Kahit pa-summer na.
Siguro, dahil gabi?

Naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Bakit ka kasi umiiwas?" Tanong ng tumabi sa akin. Di ako tumingala dahil kilala ko na agad siya.

Siya si... Sino nga pala yun? Hindi siya nagpakilala diba? Dinescribe niya lang kanyang sarili.

"Wag kang mangialam." Sabi ko at lumayo ng konti.

Pero dumikit pa rin siya sa akin.

"Hmm... Tara!" Sabi niya at hinila ako patayo at umalis na doon.

Ewan ko, kung saan ako dinala. Masyado na kasing paga mga mata ko. Basta ang kita ko lang, ilaw na paiba-iba ang kulay, pati na rin yung music, tapos madilim.

"Shot na lang tayo, tutal. Parehong BH." Sabi niya at iniupo ako at binigyan ng baso.

"A-ayoko." Sabi ko at tumayo kaso hinila niya ako paupo at inakbayan.

"Oh come on... Ngayon lang uli ako makakainom eh.. May kadamay kasi ako." Sabi niya at uminom na.

Inalis ko ang akbay niya sa akin at kinuha na yung baso na binibigay niya sa akin kanina at ininom.

***

(Ajay's Pov)

"Tsk. May paghabol effect ka pa kasi. Sa tingin mo? Papatawarin ka pa niya? Ha! Hindi na." Sabi ni Geana este Gean at ngumisi.

Bumalik na ako kina Geana este Gean pala. Kinuwento kasi sa akin ni Kuya Kien na si Gean ito. At nagalit ako dito aa babaeng ito. Hindi niya naman pala kayang magpatalsik. Ginagawa niya lamanh panakot ang kapangyarihan ng kanyang kambal! Tss.
At buti umamin ito. Nako.. Kung hindi, sisirain ko magandang mukha nito.

"Oo. Mahal niya ako eh." Sabi ko at nag-crossed arm.

Sina Kathryn? Nasa tabi-tabi lang ni Jackie, binabantayan.

"Haha. Nakakatawa ka talaga kahit kailan Ajay. Kaya mahal na mahal kita eh." Sabi niya at ngumiti.

Uminit ang katawan ko sa inis.

Mahal? Kung mahal niya ako dapat palayain niya ako.

"Mahal mo nga ba talaga ako?" Paghamon ko.

"Of course yes. Kakasabi ko lang diba? Gusto mong ulitin ko? Kinikilig ka lang eh." Sabi niya at ngumiti na naman.

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon