Chapter 45
(Hiro's Pov)
"Pwede bang makausap ko muna EX ko?" Pagpapaalam ko dito sa lalaking kasama ni Ackie ngayon.
Nandito kasi kami sa rooftop, at kaming tatlo lamang.
Pinapunta kasi ako ng wife ko dito eh.. Kausapin ko raw bestfriend niya na Ex ko.
Umalis naman yung lalaki at iniwan kaming dalawa rito.
"Bat mo yun ginawa?" Tanong ko agad kay Ackie.
"Di ko yun ginawa. Kusang nag-salita mga bibig ko." Sabi niya at tumingin sa akin ng pagkalungkot.
"Nag-away ba kayo kahapon?" Tanong ko.
"Nagalit siya sa akin dahil tanong ako ng tanong." Sabi niya at umiwas ng tingin.
"Oh? Eh bakit ka nagalit kanina?" Tanong ko ulit.
"Dahil... Naiinis ako sa kanya. Siya yung nagalit sa akin, tapos hinayaan ko na siya. Tapos sisirain niya yung mood ko kanina, dahil lang doon. Kaya nagalit ako, pero hindi ko ginusto yun gawin?! Okay?!" Explain niya at pilit na pinapaintindi sa akin, kahit na kakatanong ko lang.
Emosyon... Emosyon ang kalaban natin. Dapat kasi hindi natin inuuna ang emosyon. Mag-isip muna tayo bago natin ipakita ang emosyon natin. Dahil kapag inuna natin ang emosyon, tingnan niyo ang nangyayari, nagkakagulo.
"Hindi mo kasi siya iniintindi." Sabi ko at pinitik ko yung noo niya.
Hinawakan niya naman yun at tiningnan ako ng masama pero nginitian ko lang siya kaya umirap na lamang siya.
"Alam mo, masakit yung sinabi mo sa kanya eh." Sabi ko at sumandal sa upuan.
Tumayo siya at pumunta doon sa pinaka-unahan kung saan kitang-kita yung view sa baba.
"Di ko nga yun ginusto." Pilit niya sabi sa akin.
"Kahit na. Napahiya siya. Tapos ang sakit pa nung sinabi mo. Nagseselos siya, di mo ba gets yun?" Explain ko at tiningnan siya kahit likod lamang ang kita ko.
"Hindi naman kami! Kaya hindi siya dapat magselos." Sabi niya.
Napailing ako sa sinabi niya.
Bakit ang mga tao, pilit na sinasabi yan? Nakakainis minsan eh.
"Ang pagseselos. Parte yun ng love, at hindi yun maiiwasan. Nagmamahal ka eh, kaya magseselos ka. Pero oo, hindi kayo. Pero minsan intindihin mo naman. Di mo ba naisip minsan? Diba nagseselos ka rin sa kasama niya minsan? Diba pinag-iisipan mo rin siya ng masama? Pero siya? Anong sinasabi niya?" Tanong ko at tumayo saka nagpamulsa.
Lumingon siya sa akin na nakatungo at kita ko ang mga kamay niya na nakaikom na.
"Wag mo siyang sabihan ng ganun. Mahal mo siya diba? Eh bakit mo yun sinabi? Yes, hindi PA kayo. Pero diba mahal niyo isa-t isa? So may karapatan na siya." Sabi ko at lumapit sa kanya.
Tiningala ko yung mukha niya at nakita kong lumuluha na ang kanyang mga mata.
"Ackie... Tandaan mo. Wag mong unahin ang emosyon mo." Sabi ko at pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang aking thumbs.
Niyakap niya ako kaya niyakap ko na lang rin siya.
"A-anong gagawin ko? P-paano ko... P-paano ko maayos yun? S-sa tingin ko... H-hindi na niya ako mapapatawad." Sabi niya habang humahagulgol.
"Mahal ka nun, kaya mapapatawad ka niya. Kung hindi man, hayaan mong lumipas na muna. Mamimiss ka nun." Sabi ko at ngumiti.
Hayss... Kapag talaga nakaranas ka ng umibig at pumasok sa iaang relasyon, ang dami mo ng natututunan.

BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomanceSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***