Chapter 16

19 2 0
                                    

Chapter 16

(Hiro's Pov)

Nakatingin lang sa akin si Kien na naghihintay sa susunod kong sasabihin.

Ito na....

Napapikit ako at huminga ng malalim saka nag-simulang mag-kwento.

*Flashback*

"Hiro, may nahanap na tayong makakatulong sa atin sa pag-ahon. Ang pamilya ng Hernandez." sabi ni Dad.

Noong narinig ko ang pangalan na 'Hernandez' nagkaroon agad ako ng kutob.

"That's great." sabi ko pero wala sa mood.

Biglang lumungkot ang mukha ni Dad.

"Pero may kapalit." sabi niya na lalo kong ikinakaba.

"What?!" tanong ko at tinaas ang isang kilay.

"Ikaw." sagot niya at tinuro ako.

Ako? Ano ako? Pera?

"Hindi ako pera, Dad." sabi ko at nagface-palm.

"No.. No.. No... Ikaw.. Ibig sabihin, ikaw ang gusto nilang kapalit. At ang kapalit na yun, ay nagpapakasal ka sa anak ng Hernandez na si Kristine."

Parang nasira ang puso ko ng marinig ko ang pangalan na yun.

Kristine Hernandez? Ang.... Bestfriend ni Ackie?! No!

AT.. Paano kami ni Ackie? Si Ackie ang gusto kong makasalan.

"Dad, may girlfriend na ako. At alam mo namang mahal na mahal ko yun. Tapos... Sisir--"

"Mamili ka, Hiro. Papaalisin ko si Jackie sa Pilipinas? O papakasalan mo ang anak ng Hernandez? Bukas.. Kailangan ko na ng sagot mo. Tandaan mo, hindi ko lang paaalisin si Jackie rito, masisira din ang pamilya niya. Alam mo namang kayang-kaya ko yun gawin." sabi ni Dad at umalis na.

Nasuntok ko na lang yung wall sa tabi ko.

Tangina!! Anong klaseng choices yun ha?!

*End of Flashback*

"That's all?" tanong ni Kien at tumayo.

"Alam mo na naman siguro yung sagot doon." sabi ko at tumayo.

Hinawakan niya ako sa isang balikat at tiningnan ako ng seryoso.

"Hiro... Siguro nalito at natakot ka noon, kaya nagkamali ka ng pinili mo at di ka nakapag-isip ng mabuti. Hiro, kaya nga diba nagawa ang word na 'ipaglaban' dahil kailangan sa relasyon. Bakit di mo yun nagawa? Natakot ka? Sumuko ka kaagad eh... At nilihim mo lang kay Ackie, hindi mo sinabi. Kung sinabi mo, sana'y hindi lang ikaw ang lumalaban, sana kayong dalawa ay nagtutulungan. Pero wala na... Nilihim mo. Panindigan mo na lang ang napili mo. Wala na, huli na ang lahat. Kahit alam natin hindi pa, huli na. Bakit? Ikaw na lang makakasagot niyan." sabi niya at tinap ako sa balikat.

Natamaan ako sa sinabi niya lahat... Hindi pa naan huli diba? Kahit sinabi niyang huli na... Kasi gagawa pa ako ng paraan. May pag-asa pa..

"Sige, alis na ako." paalam niya at umalis na.

Biglang bumuhos ang ulan at saktong pumatak na ang aking mga luha.

Lagi na lang ba ganito? Umiiyak? Gabi-gabi? Pagod na akong umiyak, wala naman nangyayaring pagbabago.

Siguro, ito na. Sisimulan ko na, ibabalik ko si Ackie sa akin.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon