Chapter 33

22 2 0
                                    

Chapter 33

(Jackie's Pov)

Kinamamalas nga naman talaga ang araw ko ngayon. Umulan pa?! Bwisit..

Ano ng gagawin ko?? Aish... Siguro naman, uuwi na yun... Mabuti pang wag na lang muna pumunta..

Mag-gagabi na rin naman eh..

Pauwi na ako sa amin nang may bigla akong nakita na kotse na kulay black.

Sinong nandito??

Tumigil ako at bumaba ako kahit umuulan. Wala akong pakialam..

Kumatok ako doon sa bintana at di rin naman tumagal. Binuksan niya ito at bumungad sa aking ang isang matandang babae na maganda, na ngayon lang muli kaming nagkita.

"Hello. Ackie..." sabi niya at ngumiti.

Napaiwas ako at muntikan pa akong masagasaan ng isang motor.

Phew. U-umuwi na si.... Mama?!?!

At... Bakit wala si Papa???

***

~Bahay Ko

"Nasaan si Dad?" Tanong ko at binigay ko sa kanya yung kape na tinimpla ko.

"Well.... Di siya sumama." Sabi niya at kinuha yung kape.

"Why? Eh.... Sinong kasama niyo?" Tanong ko at tinaasan siya ng isa kong kilay.

"Ako lang... May apartment na naman akong nakuhanan eh... By the way, Ackie. Anong nangyari sa inyo ni Hiro?" Tanong ni Mama na ayaw na ayaw kong marinig iyon at balik-balikan yun.

Pero okay na naman sa akin kahit papaano... Hindi na naman ako nasasaktan.

Kinuwento ko lahat ng nangyari sa amin ni Hiro. Yung break-up namin, kay Kristine, yung pag-kulong ko sa kwarto, pag-iyak ko maghapon, yung nalaman ko ang totoo, at ang kasunduan namin ni Hiro. Lahat ng yun.

"Well... Are you still hurt?" Tanong niya ay nilapag na niya yung tasa sa lamesa.

"Not anymore, Mom. Wala na... Parang nawala na lamang ng isang bula yung sakit na naramdaman ko. I guess, nakamove-on na ako." Sabi ko at isinandal ang ulo sa sofa.

"Hindi ganun kabilis mag-move on anak, lalong lalo na't mahal mo si Hiro. Alam kong sobra mo siyang minahal, at dapat ngayon, nasasaktan ka pa rin. Feeling are feelings. Nakakalito yan kung iisipin. Pero kung sigurado ka man na nakamove-on ka na, iisa lang ang dahilan niyan. Kinalimutan mo siya para lang mahalin ang isang tao. At kung hindi mo yun namalayan, kusang puso mo na ang kumilos at lumimot. Kahit hindi alam ng isip mo, malalaman lang niya yan kapag nasaktan na muli ang puso mo. Love is love. Kahit ilang beses pang masaktan ang puso, magmamahal at magmamahal pa rin yan. Tumitibok lang yan, hindi niya kayang kusang tumigil. Titigil lang yan sa pagtibok kung patay ka na. Kaya di mo maiiwasang hindi magmahal. Tanggapin mo kung sino ang mahalin mo, sa ayaw o sa gusto mo. Hate mo siya o hindi, kung nahulog na ang puso mo sa kanya, wala kang magagawa kundi mahalin na lamang siya. Puso lang yan, umiibig. Kaya wala kang magagawa. Wala yang isip, di yan nauutusan. Kaya dapat ikaw ang sumusunod." Explain ni mama at natulala ako, na-amazed sa mahabang advice ni mama, at the same time. Natamaan ako doon ng sobra.

Kapag siguro talaga love ang pinag-uusapan. Marami kang alam.

Pero bakit ang daming tanga sa pag-ibig?

"Ma, mahal ko pa rin si Hiro. Pero bakit parang kapag nakikita ko sila ng kaibigan ko, hindi na ako nasasaktan, bakit parang wala akong pakialam sa kanila? At wala akong nararamdaman na kirot man lang sa puso ko." Sabi ko at nag-pout.

"Alam kong hindi ka pa sure.. Sure ka pa ba diyan na mahal mo si Hiro? I think hindi na. You're not crying habang kinukwento mo sa akin ang nangyari. Dati-rati, selos pa lamang, iyak ka na. And for sure, nakamove-on ka na. Matanong nga lamang.. Ano yung sinabi sa akin ni Kien na may kasama ka raw bagong lalaki?" Tanog niya at tinaasan akong kilay.

Nakakaani talaga si Kuya. Wala na akong mailihim doon eh. Pasalamat siya mahal ko siya!

"Si Ajay ba kamo? Ahh.... Tinutulungan niya lamang akong maging masaya, kaya lagi ko siyang kasama." Sabi ko at ngumiti ng pilit sa kanya.

"I see.. Gusto ko siyang makilala, bukas. Papuntahin mo siya rito, since Sunday naman bukas. At saka para may ka-date ka na rin sa 14." Sabi niya at ngumiti ng mapang-asar.

Napaface-palm ako sa sinabi niya.

Bukas? Eh galit pa nga sa akin yun. Ay teka....

Shet!!!!

Biglang nag-ring ang phone ko at nakita kong si Kurt lang pala.

"Oh? Napatawag ka?"

(Si Ajay.. Kanina pa atang naghihintay doon sa park. Nakita ko kasi noong pauwi kami ni Hazel eh. Umuulan pa, sabi niya hihintayin ka daw niya.)

What the fudge?!?!

Naalala ko bigla yung sinabi niya...

'"Hihintayin kita kahit anong mangyari."

"Hihintayin kita kahit anong mangyari."

Shit!

Binaba ko na yung tawag at kinuha yung coat sa likod ng pintuan.

"Where you going?" Tanong ni mama.

"Emergency, bye!" Sabi ko at lumabas na saka sumakay sa kotse at pinaharurot na ito.

Park.. Park?!?! Park ba favorite place ng lalaking iyon?

Tumigil agad ako sa tapat ng park at lumabas na, wala akong pakialam kahit malakas ang ulan at mabasa ako. Basta makita ko lang si Ajay.

Nakita kong nakaupo siya doon at basang-basa na. Nakayakap pa siya sa sarili niya.

"Ajay!" Tawag ko at lumingon naman siya, at ngumiti.

Seryoso? Nakakangiti pa siya sa ganyang lagay? Eh ang ginaw na kaya.

Binuksan ko yung payong at tinapat sa kanya. Tumayo naman siya bigla at inalis yung payong.

"Ano pang silbi niyan? Eh basang-basa na ako." Sabi niya at lumapit sa akin ng pagkalapit-lapit!

Bakit feel ko mainit?

"Why took you so long?" Irita niyang tanong.

Magpasalamt nga siya at pinuntahan ko pa siya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Unang-una, di mo sinabi ang place kung saan. Pangalawa, di mo sinabi yung word na FP. Pangatlo, tinanong-tanong ko pa sa iba. Pang-apat, noong nalaman ko ibig sabihin, hindi ko naman alam yung paborito mong place. Panlima, umulan bigla. Pang-anim, dumating si mama. At kung hindi ka pa makita nina Kurt, mas lalong di kita mapupuntahan. Kaya pwede ba? Magpasalamat ka na lamang. Pinahirapan mo pa ako eh. Tara na nga! Magkasakit pa tayo." Sabi ko at hinila na siya papunta sa kotse ko.

Thank God. Nagka-usap na kami ni Ajay. Sunod? Anong sunod naman kaya ang mangyayari?

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon