Chapter 44

18 2 0
                                    

Chapter 44

(Ajay's Pov)

Pagbalik ko sa kusina ay wala na si Jackie at tanging papel sa lamesa na lamang ang nakita ko.
Umalis siya... Tsk.. Naiinis ako sa sarili ko.
Future girlfriend ko yun... Syempre dapat may alam siya tungkol sa pamilya ko. Nasigawan ko pa. Tsk. Masyado ko ata siyang nasaktan.
Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad kong kinuha at sinagot kahit hindi ko pa nakikita kung sino yung tumatawag.
"Hello."
(Ajay, this is Gean.)
"What do you want?!"
(Can we talk?)
"Nag-uusap na tayo diba?"
(Personal??)
"Fine.. Where?"
(Dito na lang sa bahay ko. May binabantayan ako eh...)
Di na ako sumagot at pinatay ko na lang yung tawag at bumalik sa kwarto at agad na nag-bihis.
Umalis ako sa bahay at dumiretso sa bahay ni Gean.
Pumasok na ako dahil BUKAS naman yung pintuan.
"What do you want?!" Bungad ko ng makapasok ako sa pintuan, pero nalipat ang tingin ko sa lalaking nakahiga sa sofa.
"What the heck he's doing here?!?!" Galit kong tanong at tinuro yung lalaki.
"Relax.. Ajay! Si Kean yan, EX ko." Sabi n Gean at umiwas ng tingin.
Ex?! Ex niya ito.. Itong tarantadong lalaking ito?! Na hindi kakilala ni Jackie at basta-basta na lang nanghahalik. Tangna! Mabubugbog ko lang ito eh. Kaya ba ako pinapunta dito ni Gean dahil sa lalaking ito?!
Aish. Makauwi na lamang pala.
Tatalikod na sana ako kaso pinigilan ako ni Gean.
"Where you going?" Agad niyang tanong.
"Uuwi na ako. Ayokong makita yang tarantadong lalaking iyan?! Baka mabugbog ko na naman yan ng wala sa oras." Sabi ko ng hindi lumilingon.
"Ikaw ang gumawa niyan sa kanya?" Tanong nuya at tinuro yung si Kean.
"Oo. Ikaw kaya, makita mo ang taong mahal mo na hinahalikan ng hindi man lang kakilala tapos nilasing pa. Hindi ka pa ba doon magagalit?!" Explain ko sa kanya.
"Sinong hinalikan niya??" Tanong niya na mukhang nag-seselos na.
"Sino pa ba. Hindi ko naman yan bubugbugin eh kung hindi ko mahal ang hinalikan niyan. Tsk." Kunot-noo kong sabi.
"Sorry." Sabi niya at tumungo.
"For what?!" Irita kong tanong.
"Sa lahat." Sagot niya.
"Ok." Walang gana kong sabi at tumalikod na.
Makaalis na rito.. Baka mabugbog ko na naman yung lalaking iyon.
***
~Next Day~
~School~
Wooo!!! Ilang araw na nga pala akong absent? Tatlo ba?
Papunta na ako sa room ng makasalubong ko si Jackie na may kasamang lalaki.
Oh shit. Ano ba yan?! Kaaga-aga... Badtrip na agad.
Hahayaan ko na sana sila kung hindi ko lang namukhaan ang mukha ng lalakin nakita kong kasama niya.
Humarang ako doon sa pagitan nila at pinag-hiwalay sila.
"Back off. KE. AN." Sarkastiko kong sabi.
"Ajay!! Ano ba?!" Sabi ni Jackie at tinulak ako.
"Bakit ka ba sumasama sa lalaking ito?!?" Galit kong tanong at tinuro si Kean.
Napatigil lahat ng estudyanteng dumadaan at pinanood kami.
"Wala kang pakialam." Sabi niya at lalapit na sana ulit kay Kean kaso hinarangan ko na siya.
"Oh come on! Di mo ba matandaan. Ayan yung nag-lasing sayo at hinalikan ka." Sabi ko at tiningnan siya ng masama sa mata.
Di rin naman siya nagpatalo at sinamaan din ako ng tingin.
"Pareho kaming lasing noon. Okay?! Wag mo na ngang balikan yun. Nag-sorry na siya. At ano ba kita?! Sino ka ba para pigilan akong makisama kay Kean?! YOU'RE. NOT. MY. BOYFRIEND." Sabi niya harap-harapan at saka umalis. Sumunod naman yung lalaki kay Jackie.
Tumingin ako sa mga estudyanteng nag-bubulugan pero hindi ko sila pinansin at agad na pumunta sa likod ng school.
***
(James Pov)

"Oh god." Rinig kong sabi ni Kathryn.
"Ayun na ata ang pinakamasakit na narinig kong sinabi ni Jackie sa mga lalaki." Sabi ko at napailing.
"Binerain wash ata nung Kean na yun si Jackie eh." Sabi naman ni Kurt.
"Hindi na ba ito matatapos?" Sabi ni Kathryn at napa-iling.
"Love nga naman." Sabi ko at tumalikod.
Naramdaman kong tinitigan ako ng dalawa.
"What?!" Irita kong tanog at humarap sa kanila.
"Bitter." Sabay nilang sabi at dinilaan ako.
Ako bitter? Tsk.
Tumalikod ako at iniwan ang dalawa. Pumunta ako kung saan pumunta si Ajay at nakita kong sinuntok niya yung pader at duguan ang kanyang kamay.
Lumapit ako na nakapamulsa at tiningnan yung pader.
"Kawawa naman yung pader. Dinamay mo pa." Sabi ko na seryoso at sumandal sa pader.
Tumingin siya sa akin na parang papatay na ng tao pero di ako natakot.
Sanay na ako. Ikaw ba naman ang tingnan ng ibang lalaki ng ganyang tingin araw-araw? Dahil sa inaagaw mo yung gf na ng iba? Hindi ka pa masanay? Haha.
"Di ko alam kung bakit yun nasabi ni Jackie." Sabi ko at tumingin sa langit.
Umupo naman siya at sinandal niya yung ulo niya sa pader.
"Shut up." Pagpigil niya kaya tumahimik na lang ako.
Kaya talaga ayokong magmahal eh. :3
Kapag nagmamahal ka talaga, hindi mo maiiwasang masaktan. Sa una, masaya ka. Pero sa huli, masasaktan ka na. Ganyan naman lagi eh.
Walang forever. :P
***
A/N: Vote and comment. Thanks. :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon