Chapter 41

20 2 0
                                    

Chapter 41

(Kathryn's Pov)

"Shit! Kamusta na kaya si Ackie?!" Pag-aalala ni James.

"Mali naman kasi ang ginawa natin!" Sabi naman ni Kurt.

Oo, maling-mali. T.T

Paniguradong magagalit yon sa amin. Pero sana payagan niya kaming mag-explain.

Bino-lock mail kami ng bruhang iyon! Biruin mo yun? Patatalsikin daw kami. Edi wow!

"Ano ng gagawin natin?!" Sabi ko.

Look. Wala kaming alam tatlo kung bakit gusto niyang papuntahin si Ackie doon, tapos...

Ay shet. Wala pa naman yun cellphone.

"Paano natin malalaman kung kamusta na siya? Kung nasaan na siya?! Ang malas, bro!" Sabi ni James.

"Ang layo pa naman ng biniyahe natin. Paniguradong hindi siya familiar sa lugar na iyon." Sabi ni Kurt.

"Kung balikan kaya natin?!" Tanong ko sa tatlo.

"Magalit pa si Miss Geana! The powerful woman. Tsk." Sarkastikog sabi ni Kurt.

"Maganda nga, sexy.... Aish, ugali naman? Wala rin." Sabi ni James.

"Tsk. Iikot ako sa lugar na yun, hahanapin ko si Ackie. Bahala na kung mapuyat man o maligaw. Mahanap ko lang siya." Sabi ko at tumayo na.

"Teka. Sasama ako." Sabi ni Kurt.

"Ako rin." Sabi naman ni James at sumunod na sa akin.

Hindi ko man makita si Ackie. Susugurin ko muna si Geana the witch. Bahala na kung anong mangyari sa amin.

Lumabas na kami sa bahay namin at bumungad sa akin ang Kuya ni Ackie or si Kuya Kien.

"Where's Ackie?" Tanong ni Kuya Kien.
Oh no... Sasabihin ba namin?

"Ahh.. Ehh..." ano na bang sasabihin ko? >_

"Actually, Kuya Kien... Pinatawag ni Miss Geana Mendel si Ackie, at nandoon siya sa bahay nila. Pero ngayon, I'm not sure." Sabi ni Kurt.

Ingay talaga ng bunganga nito!!!! Grr..

"Geana Mendel the fake one?!?!" Sabi ni Kuya Kien na ikina-taas ng ksa kong kilay.

Kailangan ko bang tumawa sa ganitong sitwasyon? Pero seriously? The fake one?? Bwahahaha!!

"What do you mean?" Tanong ni James na siya lang pala ang hindi tumatawa sa aming tatlo.

"Shit guys. Naisahan kayong apat. Look, may kambal kasi si Geana Mendel. At ang dalawang iyon, hindi magkasundo. Kaya humiwalay si Gean. Ang isa niyang kambal. At... Namatay si Geana na kinatatakutan ng mga tao rito. Pero hindi iyon ibinalita, dahil tinakot naman ni Gean ang mga tao. At ginamit ni Gean ang kung anong meron si Geana. At simula noon inakalang buhay pa rin si Geana. At bakit ko alam? Nandoon kami ni Sam sa pangyayaring iyon." Explain ni Kuya Kien na ikinanganga namin lahat.

So... Wala siyang kakayahan na patalsikin kami?!

"Oh shock!" Ayun na lamang ang nasabi ko ang kumilos na.

All this time?! Naloko kami. At... Ano bang gusto ng babaeng iyon kay Ackie?!

***

(Jackie's Pov)

"Oh. Panyo." Bigay ng isang lalaki na nakitabi lamang dito sa akin.

Kinuha ko ito at ipinunas ko sa mukha ko.

"Hayss... Naloko ka na naman ni Geana the fake." Sabi ng lalaking ito na ikinatingin ko.
The fake?! Geana...

"Geana??? Surname??" Tanong ko.

"Mendel." Sagot niya na nakatingin sa langit.
Geana Mendel. I knew it! Familiar nga sa akin ang mukhang iyon...

Siya yung...

*Flashback*

"Kuya, sino yan?" Tanong ko kina Ate Sam at Kuya Kien.

"Siya si Geana Mendel." Sagot ni Kuya.

"Ang kinatatakutan ng mga tao. Sa wakas, nawala na siya." Sabi ni Ate Sam na halatang napakasaya.

*End of Flashback*

"Diba wala na siya? Bakit..." napatigil ako at nanlaki ang mata ko.

Shit... wag niyong sabihin na..

"Minumulto ba ako nun?" Tanong ko dito sa lalaking ito na napakagwapo.

Tumawa siya pero sandali lamang.

"You're funny. Hindi ka niya minumulto. Yes, Geana Mendel is dead. Pero yung naka-usap mo kanina. She's Fake. Siya yung kakambal ni Geana, na kilala dati na Gean." Sabi niya at tumingin sa akin. Nanatili lamang akong tahimik at nag-aabang sa kwento niya.

"Wala siyang kakayahan na magpatalsik ng tao. Hindi siya ganun kasama NOON. Pero noong ginamit niya ang kapangyarihan ni Geana, nagsimula na siyang maging MASAMA." Sabi niya at napatungo.

Hmm.. Isa ata itong ka-relative ni Gean. Kilalang- kilala niya si Gean at ito oh! Halata pa sa face niya ang pagka-lungkot.

"Akala ko maalala niya pa ako..." dugtong pa niya.

"What do you mean?" Tanong ko at tinaasan siya ng isang kilay.

"Hindi na pala... Totoong makalimutin siya. Pero... Diba... Imposibleng makalimutan ng isang tao ang taong minahal niya noon?" Tanong niya.

At tama ako ng hinala, isa siyang ka-relative ng bith na yun. Hindi lang basta ka-relative. Tsk.
Biruin mo yun? Meron na pala siyang mahal at kinalimutan niya yun.

Hindi! Imposible. Imposibleng makalimutan ng isang tao ang kaniyang mahal.

"Imposiblneg makalimutan ng isang tao ang kanilang minahal. Naging parte ka ng buhay niya. At... Kung hindi ka niya kilala. She's just pretending na hindi ka niya kilala." Sabi ko.

Dapat ako ang naiyak rito at nag-da-drama. Pero lintek na lalaking ito, nakisali. Aish, ako pa ang nag-advice.

Edi wow!

"Teka nga lang! Sino ka ba?" Tanong ko at tumayo.

Baka kasi isa pa itong mandurukot.

"Ako lang naman ang EX boyfriend ni Gean. Na hinahabol ng mga babae." Sabi niya kaya napairap ako.

Ang hanginnnnnn!!!! Oo gwapo siya, pero ang yabang. Sira ang katauhan niya. :P

"Name ang tinatanong ko. Hindi ko pinapa-describe ang katauhan mo." Sarkastikong sabi ko.

"Ok.. Ako si K--"

Naputol ang sasabihin niya dahil biglang may tumawag sa akin.

"Ackie!!!!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.
Oh shit! Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na nandito ako?!

Hinila ko yung lalaki at tumakbo kami palayo.
Ok, holding hands while running. :)

"Teka nga... Bakit ba tayo tumatakbo?" Tanong niya habang natakbo kami palayo, pero ramdam kong hinabahol kami ni Ajay.
Yah rayt. Si Ajay yun. :3

"Tumakbo ka na lang!!" Sabi ko at bumitaw na sa kanya saka humiwalay na.

Lumiko ako at nagtago na lamang.

"Ackie." Biglang may humawak sa aking balikat na ikinagulat ko.

"Holy shit!" Gulat ko at napaiwas.

"May problema ba? Anyway, buti naman nakita na kita. At ligtas ka. Phew." Sabi niya at ngumiti.

"Kathryn?" Biglang lumabas din ang tatlo na sina James, Kurt at Kuya Kien.

***
A/N: Vote and comment. Thanks! :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon