Chapter 30
(Jackie's Pov)
Uwian na, at parang walang gana ang araw ko ngayon.
Ang lungkot ko... Dahil pa rin ba ito kay Ajay? Masaya na dapat ako at wala na siya, pero bakit ang lungkot-lungkot ko?
Miss ko na siya, super...
Napadaan ako doon sa room ng MUSIC. Pumasok ako at umupo doon sa upuan ng piano at humarap sa piano.
Lumingon-lingon ako sa paligid, dahil baka may tao.
Buti naman wala, at miss ko ng mag-play ng piano.
Nag-simula na akong magpiano.
NP: Right Here Waiting
Napatigil ako ng biglang may kumalampag kaya agad akong tumingin doon.
"A-ajay?!"
Bat siya nandito?!
"Ang ingay mo. May natutulog eh. Tsk." sabi niya at magkasalubong ang kilay niya.
Palabas na sana siya kaso pinigilan ko na siya.
"Ajay!" tawag ko.
Tumigil siya sa paglalakad pero di man lang lumingon sa akin.
"Sorry na....." sabi ko at napatungo.
Hindi siya umimik kaya nanatili na lamang rin akong tahimik, pero di ri nagtagal. Binasag niya ang katahimikan.
"For what? Ganyan ka bang mag-sorry sa mga mahahalagang tao? Wala man lang ba effort? Sa bagay, di naman ako mahalagang tao sayo, kaya walang effort. Tsk." sabi niya at tuluyan ng lumabas.
Awch. Parang tinusok ng bilyon-bilyon ang aking puso sa sinabi niya.
Mahalaga ka naman sa akin, Ajay eh. Alam mo ba yun?!
Miss na kita.... Pwede ba? Bumalik ka na sa akin. :(
***
(Kathryn's Pov)Nabangga ko si Ajay dahil sa sobrang pagmamadali ko.
And oh my lagot, galit na galit ata ngayon si Ajay! Kasalanan ko pa ba?
"S-Si Jackie? Nakikita mo ba?" tanong ko na medyo natatakot.
Nag-shrugged lang siya ng balikat saka nilampasan na ako.
Ang ganda ng sagot niya ah... LQ pa rin ba sila ni Jackie? Kawawa naman si Jackie. Balita ko, miss na miss na nun si Ajay eh.
Tinawag ko siya kaya tumigil siya sa paglalakad.
"Miss ka na ni Jackie. Bumalik ka na sa kanya. Please lang. Ayaw kong nakikita na malungkot si Jackie." sabi ko saka umalis na doon.
Nakita ko si Vince na naghihintay na sa gate kaya nagmadali akong pumunta sa kanya.
"Sorry nagtagal ako." sabi ko habang hingal na hingal.
"Nah. Ok lang, kakarating ko lang eh.. Nagkalabanan lamang kanina ng basketball." sabi niya at halata ngang nag-basketball sila dahil pawis na pawis siya.
Pero kahit ganun, ang bango pa rin niya.
"Aish. Mahal mo talaga ang larong yun noh? Di ka umuurong." sabi ko at binigyan siya ng towel.
Ngumiti naman siya pero agad iyon nabawi.
"Mas mahal kita. At saka, kailangan talagang di ako umurong kanina. May pustahan eh.." sabi niya at umiwas ng tingin.
Kaya tiningnan ko siya at tinaasan ng isang kilay.
"Ano naman pustahan?" tanong ko at nag-pout.
"Basta.. Isang mahalagang tao sa akin na ayokong mawala at maagaw ng iba. Kaya di ako umurong. Buti nga nanalo ako." sabi niya at ngiting-ngiti ang loko kaya napaface-palm ako.
"Aish. Bahala ka nga dyan! Di kita sasagutin kung ayaw mong sabihin." sabi ko at tumalikod sa kanya na kunwari ay nagtampo.
"Aish... Ikaw. Ikaw yung pinagpustahan ng karibal ko. Masaya ka na?" sabi niya na para bang hiya na hiya.
Tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya.
***
A/N: Vote and comment. Thanks. :)
BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomansaSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***