Chapter 9

61 3 2
                                    

Chapter 9

(Ajay's Pov)

Pagpasok ko sa room, bigla kong nadanggi si Jackie na nagmamadaling lumabas.

Oh? Saan naman pupunta ang babaeng iyon? Time na ah! Aalis pa siya?

Tumingin ako sa room and...

Damn! Si Hiro Velasquez na naman and Kristine Draima.

"Psh." ayun na lang ang nasabi ko at di na pumasok, sinundan ko si Jackie.

***
(Jackie's Pov)

Umalis ako sa school, kahit nakita ako ng guard nakapagpaalam naman ako ng maayos.

Hayss... Bakit ba... Nasasaktan na naman ako?
Malamang, Jackie. Mahal mo silang dalawa, at hindi mo matanggap na tinraydor ka nila.

Pati sariling isip ko, tinatanga ako. :(

Napansin kong dinala ako ng mga paa ko sa park kung saan madalas kaming magkita ni Hiro.

Ayoko dito, baka.... Tuluyan nang umagos ang luha ko. Ayoko dito.

Pero dinala pa rin ako ng mga paa ko, at lahat ay bumalik na naman ang alaala.

*Flashback*

"Hoy! Grabe mo naman akong husgahan." sabi ko kay Hiro at nag-pout.

"I'm being real to you, Jackie. Hindi husga tawag doon! Haha. At saka.... Tigil-tigilan mo nga yang pag-pout mo. Mahalikan kita ng wala sa oras eh.." sabi niya at umiwas ng tingin.

"Aray ko! Tara na nga lamang kumain!" anyaya ko sa kanya at tumayo.

"Tataba ka niyan." panloloko niya.

"Ayaw mo nun, wala kang kaagaw sa akin." sabi ko at kinindatan siya.

"Hay naku... Pasalamat ka, mahal kita." sabi niya at tumayo saka kinurot ako sa pisngi.

*End of Flashback*

Namiss ko yun.... Nagpapasalamat pa rin ba ako ngayon na minahal niya ako? Minahal nga ba talaga?

Hindi, hindi na ako nagpapasalamat. Nakakaani pala.

Tumalikod ako at bigla akong nabunggo sa wall.

Wall nga ba? Nasa park ako, at nasa may puno ako, walang wall dito.

Pagtingin ko ay nakita ko si Ajay.

Ajay na naman?!

Napaikot ang mga mata ko ng wala sa oras.

"Bat ka nandito?!" tanong ko at pinipigilan ko ang luha ko.

"Cry." utos niya kaya napataas ang isa kong kilay.

"Anong cry? Bat mo ako inuutusang umiyak? Di naman ako naiiyak." sabi ko at nagface-palm at muntikan na akong mapiyok.

"Alam mo. Ikaw na ata pinakatanga na nakilala ko. Magdi-deny ka na nga lamang, halata pa. Sa susunod wag magpahalata. Kilala kita kahit hindi tayo close. Kaya go." sabi niya at niyakap ako.

Bigla na lamang tumulo ang luha ko at nagpatuloy na.

NP: If I Cry A Thousand Tears

Habang ako'y umiiyak, tinatapik ako ni Ajay sa likod at nagii-'shhh' siya at humihigpit ang yakap niya sa akin.

Maya-maya ay kumalas din siya at pinunasan niya luha ko gamit ang thumbs niya.

"Shh... Tamana. Stop crying. Tapos na.. Walang mababago, Jackie. Move-on." sabi niya at halata sa kanyang mga mata ang pagka-concern.

Move-on? Ayan yung word na madaling sabihin, pero napakahirap gawin.

"Salamat." ayun na lang nasabi ko dahil, basang-basa na kanyang polo dahil sa mga luha ko. Tapos dinamayan pa niya ako, nagcutting din siya dahil lang sa akin.

"Jackie. Ganyan talaga ang pag-ibig. Kapag kasi nasira ang relasyon, may makakamove-on at may magsisisi.. Jackie, wake up. Gumising ka na, nakamove-on na siya. May Kristine na siya, hindi na ikaw yung nasa pwesto niya. You need to forget him, and love the right guy who deserve to be your man." sabi niya at ngumiti.

Yung totoong ngiti! As in! Ang gwapo niya.

Wait, what?! Anong sabi ko? Gwapo?! Pwe! Ano bang nakain ko? At nasabi ko yun?

"Move-on? Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo? Kaya ko ha?!" inis kong sabi.

Nakakainis ako ano? Ako na nga yung tinulungan ng tao, ako pa ang galit. >_

"Tutulungan kita. Ako muna sa ngayon ang intindihin mo." sabi niya at niyakap ako.

Intindihin?! Shete naman... ~_~

Ayoko sa kanya, di siya yung deserve. Una pa nga lamang, inis na ako sa kanya eh. Paano pa kaya kapag nagsama kami? Baka masira lamang relasyon namin. :3

"I can be... Jackie.... Ako naman." sabi pa niya at hinalikan ako sa NOO.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon