Chapter 43
(Ajay's Pov)
Inihiga ko na si Jackie sa kama ko. Amg himbing ng tulog niya.
Inalis ko yung buhok niya na sumasangga sa kanyang magandang mukha at tinitigan siya.
"I love you..." bulong ko at hinalikan siya sa noo.
Wag kang mag-alala, Jackie. Magiging akin ka na rin, at... Wala ng makakapigil sa atin.
***
~Kinaumagahan~Nagising ako ng may tumutulak sa akin, at nakita kong tinutulak na ako ni Jackie kaya napangiti ako.
Niyakap ko siyang sobrang higpit at mabuti naman tumigil na siya.
"Bakit ba ako nandito?!" Galit niyang tanong.
"Nilasing ka kaya ng tarantadong kasama mong lalaki kagabi at hinalikan ka. Tapos ayun, nabugbog naming apat. Tapos pinadala ka ng kuya mo dito." Kwento ko at inalis na ang pag-yakap ko sa kanya.
Bumangon naman siya kaya bumangon rin ako.
"Eh ikaw? Bat ka nandito? Nasaan yung GIRLFRIEND mo na 1 year and half months na pala kayo." Sarkastiko niyang sabi at diniin talaga niya yug caos lock.
"It's my home. At hindi ko yun girlfriend. Niloko ka lang ng babaeng yon para magalit at magselos ka. At para layuan mo na ako." Explain ko at nag-pout.
Umirap naman siya at tumayo.
"Whatever. Uuwi na ako." Sabi niya at bubuksan na sana yung pintuan kaso pinigilan ko siya.
"Paano?" Tanong ko at ngumisi.
"Taxi." Sabi niya at umirap.
"Money?" Tanong ko na naman at ngumisi.
"Nasa bag ko." Sagot niya at umirap ulit.
Pinitik ko naman yung kanyang noo.
"Ano ba?! Ang sakit kaya ng ulo ko. Tapos pipitikin mo pa?! Para saan ba yun?!" Inis na niyang sabi.
"Masakit talaga yang ulo mo, dahil uminom ka kagabi at lasing ka. Yung pitik? Para magising ka dahil wala kang dalang bag at wala kang pera." Sabi ko at tiningnan siya ng seryoso.
Tumingin siya ng seryoso sa akin.
"Cellphone?" Tanong naman niya at nakaabang na kamay niya.
"Diba nadukutan ka." Sagot ko at napabuntong-hininga.
Nagbuntong-hininga din naman siya at pinitik rin ako sa noo.
Yeah, abot pala niya ako kahit papaano.
"Ibig sabihin ko, pahiram ng cellphone mo at tatawagan ko sina Kathryn at sa kanila ako magpapasundo." Sabi niya at ngumisi.
"Pagod yung mga yun dahil sayo kahapon. At saka, bakit ko pa sila tatawagan? Kita mo naman nandito na ako." Sabi ko at ngumiti.
Inapakan niya ako bigla sa paa at lumabas na siya kaya sinundan ko siya.
Palabas na rin siya ng bahay ko kaya lang pinigilan ko ulit siya.
"Where you going?" Tanong ko at humarang doon sa pintuan.
"Uuwi nga......" sabi niya na inis na.
"Maghintay ka kaya. Kumain ka muna at mag-ayos ng sarili, at mag-palit ka ng damit mo bago ka umuwi." Sabi ko at tinulak siya papuntang kusina.
"Wala akong damit." Sabi niya.
"Meron ako dyan." Sabi ko at tinulak ulit siya.
"Are you gay?!" Gulat niyang tanong at tinuro ako.
"HINDI." Diniin ko talaga ang caps lock na yun.
Ano? Ako? Gay? Mamahalin ko ba siya kung bakla ako? Wala pa ata ito sa sarili niya eh.
Hindi na siya umimik at dumiretso na sa banyo.
Pumunta naman ako sa kwarto ni Ate at kumuha ng masusuot niya.
***
(Jackie's Pov)Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako sa banyo at hinanap si Ajay, at nakita ko siya sa kwarto ng babae at ayun, tinititigan ang damit ng babae.
"Di ko akalain may kwarto pala rito ng babae. Siguro marami ka ng nadala rito ano?" Sabi ko at pumasok sa kwarto at inikot ang paningin. Pero di siya umimik.
"Tamo.. Totoo." Sabi ko at humarap sa kanya pero nakangiti lamang siya.
Bat siya nakangiti? Nasisiraan na ata ito ng ulo eh. Aha! Baka naman, iniisip niya yung mga babae niya noon?
"Nagseselos ka ba?" Tanong niya na ikina-facepalm ko.
"Bat ako magseselos?" Tanong ko at tinaasan siya ng iaang kilay ko.
Di naman ako nag-seselos diba? Diba guys? Oh....
Ayaw pa kasi maniwala na hindi eh..
Tumawa lamang siya at inakbayan ako.
"Oh come on, sa Ate ko itong kwartong ito." Sabi niya at pi-nat ako sa balikat.
Okayyy.....
"Wag ka ng mag-deny, halata sayo. Oh. Suotin mo yan. Pumunta ka na sa banyo at mag-palit ka na doon. Ang baho mo, amoy alak ka." Sabi niya at ibinato sa akin yung damit ng ate niya at inilabas na ako.
Ako? Mabaho? Eh kagabi din nama-- aw.... Ang sakit ng ulo ko...
Ano ba kasi talaga nangyari kagabi? Tanda ko lang, kasama ko yung mahal ni Gean sa disco? Disco nga ba?
Taps nag-inuman kami.. Pinilit kasi ako nung kasama ko eh. :3
Dumiretso na ako sa banyo at mabuti naman may towel dito. Maliligo na ako, nakakahiya naman kasi dyan sa isa eh...
Naligo na ako at sinuot ang binigay sa akin ni Ajay at lumabas na doon, hinanap ko si Ajay at nakita kong nasa kusinasiya at nagluluto.
"Di ko alam na may ate ka pala." Sabi ko at umupo doon.
Hindi siya tumingin sa akin kundi nagpatuloy lamang sa pagluluto.
"Ayaw ko lang kasing banggitin siya sayo." Sabi niya na boses seryoso.
"Why?" Tanong ko.
Sorry guys, naco-confuse lang kasi ako.
Humarap siya sa akin at umupo sa tapat ko at inihayin na yung niluto niya.
"Aish.. Wag ka ngang tanong ng tanong!" Kunot-noo niyang sabi sa akin.
"..."
Para kasing ngayon lamang siya nagalit eh. Parang ngayon lamang ko siya nakitang ayaw ng topic namin.
"Eh ang parents mo?" Tanong ko ulit.
Binagsak nuya yung kutsara't tinidor niya kaya napapikit ako sa gulat.
"Kumain ka na dyan, ihahatid na kita sa inyo." Sabi niya at iniwan ako rito.
Meron ba akong nasabing mali? Nagtatanong lang naman ako ah...
Masyado ba yun mahirap para sagutin? At saka... Diba goodmood yun kanina?
Tumayo na ako at iniwan ang niluto niya doon, nag-hanap ako ng papel at ballpen. Nang makakita na ako ay nag-sulat ako at iniwan doon sa kusina.
Maka-uwi na. Masyado ko ata siyang na-badtrip.
Lumabas na ako doon sa bahay niya at nag-simula ng maglakad.
Bahala na... Gusto ko ng maka-uwi. Kakayanin ko kahit masakit ang ulo ko.
***
A/N: Vote and comment. Thanks! :)

BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomanceSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***