Chapter 27
(Jackie's Pov)
Umalis kaming tatlo at pumunta kung saang hospital dinala si Kurt.
At nang makapunta kami, agad kaming nagtanong doon sa station at tinanong.
Nang masabi na ang room, agad na kaming kumaripas papunta doon.
Pumasok kami at nakita ko si Kuya Kien, James, Kathryn, Vince, Satrina at....
"Nasaan si Hazel?" tanong ko at tinaasan sila ng isang kilay.
Pumasok kami at halatang gulat nang makita ang dalawa na kasama ko.
"Kasama mo?" tanong ni Kathryn at tinuro ang dalawa.
Napaface-palm ako sa kanya.
"Hindi, Hindi!" sabi ko at umupo sa tabi ni Kuya Kien, ngitian niya naman ako at ginulo ang buhok ko.
"Anong nangyari?" tanong ni Hiro kaya tumahimik ang lahat.
"Ehem." binasag ni Kuya ang katahimikan.
"Welcome ba kami?" tanong ni Kristine.
"O-oo naman." sagot ni Kathryn na parang pilit lamang at tumingin sa akin at binigyan ako ng tell-me-later look.
"Anong nangyari?" tanong ulit ni Hiro.
"Nabugbog ng mga tropa ni Jerome. Yung...... Kasama ata ni Hazel." sabi ni James.
"Eh nasaan si Hazel? Diba dapat nandito siya? Diba dapat na--"
"Asa ka pa, Jackie. Wala ngang pakialam. Di macontact, at isa pa, ayaw namin icontact dahil sa lintek na ringtone yun." pagputol ni Vince sa sasabihin ko.
"Tsk. Kuya, peram nga cellphone." sabi ko kay kuya at inilahad ko kamay ko.
Binigay niya naman sa akin cellphone ko.
Kinuha ko cellphone ko at tiningnan ang number ni Hazel saka ikinontak sa cellphone ni Kuya.
'The number you dialed is may nilaland--'
(Hello?)
Nice ringtone! Shit.
"Hazel. Nasaan ka?"
(Jackie! I'm glad ok ka na. Kamusta ka na?)
Wow. Nice answer.
"Ito magiging OKAY na sana, kung wala lang nangyaring masama kay KURT!"
(May nangyaring masama kay Kurt?!)
Wow! Parang di girlfriend ah. Nakakainis ang ganito.
"Ay... Wala! Wala? Kaya nga OKAY NA OKAY ako eh."
(Where are you?)
Tanong ko yan, ako dapat ang sasagutin niya eh.
"Hazel! Ganda ng ringtone mo. Totoo ba yun? Haha, kamusta naman dyan?"
Tsk. Nakakaani ang babaeng ito. -.-
(-- Sel. Natutunaw na ice cream mo. Kainin mo na--- Shh!! Oo, teka lang!-- Jackie, where are you?)
"Shet, Hazel. Nabugbog ang BOYFRIEND mo. Binugbog ng tropa ng lalaking kasama mo. Girlfriend ka ba talaga niya ha? Wala ka man lang kaalam-alam! Kung pupunta ka man rito, sa *insert* hospital. Room number 24. Kung pupunta ka lang rito kasama yang si Jerome. Ay wag na! Baka mahospital ka rin."
Sabi ko at binaba ko na ang tawag saka binigay kay kuya ang cellphone niya na nakakunot na ang noo ko.
"Easy ka lang, Ackie." pagpapakalma ni Hiro.
"Tsk. Nasaan si Tita?" tanong ko naman.
"Papunta na." sagot ni James.
Arggg... Pwedeng bawiin ko yung sinabi ko kanina na mas masaya kung tanggapin mo ang pagbabago? Hindi naman mas masaya, nakadepende pala talaga sa sitwasyon.
***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomanceSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***