Chapter 26

23 2 0
                                    

Chapter 26

(Jackie's Pov)

Agad akong umalis doon sa pond at saktong nag-bell na. Ibig sabihin, uwian na.

Nakita ko si Kristine na palabas na ng room, kaya agad ko itong nilapitan at nginitian, at halata sa kanya na nagulat siya.

"Can we talk?" pagpapaalam ko pero mahinahon kong sabi.

"A-ah... Y-yes..." natatakot niyang sagot.

Tama si Hayley. Takot siya sa akin.

Ganun na ba akong katindi magalit? Nakakatakot na ba talaga akong lapitan?

***

~Rooftop

Umupo kami pareho sa may bench at bumuntong-hinga ako.

"Sorry." panimula ko.

Nagulat na naman siya sa ginawa ko kaya kita ko sa side ng mata ko na nakatingin siya sa akin with a shock face.

"Oo. Nakakagulat, pero wag mo ng ipakita pa. Nahihiya ako, baka bigla akong umalis nito o umurong." sabi ko pero panakot ko lamang.

Sumeryoso naman mukha niya.

"So-sorry.." sabi niya at umiwas ng tingin.

"Ako ang may kasalanan. Wala kang kasalanan. Nasabihan kita ng masasakit na salita tapos ayun palang nangyari, hindi mo ginusto. Masyado akong nabulag at nawalan ng isip. Hindi ako nakapag-isip. Pero salamat kay Hayley at binuksan niya ang isip ko." sabi ko at tumawa pero mahina lamang.

Tahimik lamang siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa kanya.

"I'm sorry. Please give me another chance. You're still my bestfriend." pagmamakaawa ko.

Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"Tanga ako kung hindi kita bibigyan ng chance. Every person deserves another chance." sabi niya at tumawa.

Tumawa kaming dalawa at nagyakapan.

Nag-hiwalay lamang kami ng makarinig kami ng boses sa likod namin.

"It's good to see when you two are together." bungad ni Hiro na nakangiti.

Tumawa kaming tatlo.

Siguro mas masaya kung tanggapin mo nga ang mga pagbabago.

Biglang nag-ring phone ko kaya tiningnan ko ito.
Kathryn's calling...

"Napatawag ka? Miss mo ako? Haha."

(Sira! Emergency!)

"Huh?!"

(Si Kurt.... Na.... Na-hospital.)

What the fudge?!?!

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon