Chapter 25

25 2 0
                                    

Chapter 25

(Ismigo's Pov)

Kanina pang tahimik ang mokong or in short si Ajay.

At parang kanina pang madilim ang aura niya.

Ano ba kasing nangyari? Bat di niya kasama si Jackie? Eh pumasok na naman kanina.

Lumabas muna ako sa room dahil nakita kong lumabas sa room si Jackie kaya sinundan ko.

"Jackie!" tawag ko sa kanya, buti lumingon agad.

"O-oh? Ismigo? May problema ba?" tanong niya na para bang lungkot na lungkot siya.

"Tanga. Ako dapat magtatanong niyan sayo. May problema ka ba? Kayo ni Ajay?" tanong ko.

"Natanga pa nga ng tino. Ahh... Ehhh..." sabi niya at umiwas ng tingin.

Sabi na! May problema nga sila ni Ajay.

Hindi ko na siya hinintay at umalis na doon.

***
(Jackie's Pov)

"Baka inlove ka, Ackie."

"Baka inlove ka, Ackie."

"Baka inlove ka, Ackie."

Kanina pa yan nagrereplay sa akin. Sinabi yan ni Kuya sa akin, kanina umaga.

Ako? Inlove? Kay Ajay? Kaya ako nasasaktan? Wow! Himala yun. :3

Hay...

Nakakabadtrip, kanina....

Dumaan sa harapan ko si Ajay pero bakit parang wala ako doon? Parang hindi niya ako nakita? Nakakalungkot....

Wala na nga eh, wala na si Hiro sa akin. Ito na yung bagong day namin. Pinutol na nga kung ano man ang relasyon namin, tapos pati ba naman si Ajay? Nakisali sa pagputol ng relasyon namin.

Paano na ako? Kawawa naman ata ako.

February pa naman... :(

March na para sa akin... Nagiging bitter na naman ako.

Wala na! Wala na akong kadate. :(

Kahit naman yayain ako ni Ajay, di ako papayag kaya wala pa rin akong kadate. Tsk.

Ehhh.... Wala na!!! Huhuhu...

Di ako sanay na wala akong inaasar, walang nang-aasar sa akin, na walang nagpapatawa. Tapos absent pa ata ang tatlo, di ko pa macontact siguro eh, lumuwas. :3

Tapos si Kristine, di pa ako nakakapag-ayos sa kanya.

Ano ng plano ko?

Nandito lang ako sa may pond sa school namin at nakaupo rito.

Bigla naman may tumabi sa akin.

"Kamusta, Ackie? Long time, no see at long time, no bully. Peace ata ang araw mo ngayon, kailangan mo ng gulo?" dumagdag pa ang isa sa list ng mga haters ko. Na ngayon ay nanggugulo na naman.

Tumingin ako sa kanya at nginitian siya ng KILLER SMILE.

"Kamusta, Hayley? Long time no see nga. At ngayon, parang mas lalong naging pangit ang araw ko sa nakita kong pagmumukha." walang gana kong sabi at nag-act na inaantok kunwari.

Nainis ata siya sa sinabi ko sa kanya.

"Ackie... How sad of you... Matagal na akong nawala, maraming nagbago. Pero, you still hate me?" tanong niya pero mahinahon.

Nagulat ako sa boses niyang mahina na ngayon, na hindi na palaban.

Oo nga noh? It's been a year bago siya mawala. Palaban boses niya, at ngayon nagpakita ulit siya. Mahinhin na. What's new?

"Ackie. I'm here to apologize. Ayoko na, sawa na ako. Napakaboring noon ng day ko. Laging napapagalitan ng mga walanghiyang teacher na yun. Pero syempre, mas walanghiya ako. I'm the new Hayley, Ackie. Hindi na ako katulad noong dati. Kaya.... Sorry." apologize niya at ngumiti.

Ilang beses ko na nga ba narinig na nagsorry ito sa akin, pero lahat ng ayun ay peke.

Pero ngayon, magtitiwala pa ba ako?

"I know na... Marami ka ng chances na ibinigay sa akin pero lahat ng yun sinira ko. Pero please, give me another chance." sabi niya at inilahad niya kamay niya.

Hindi naman sigurong masamang magbigay ulit ng chances diba? Halata naman sa isang tao kung nagbago na ba talaga o hindi.

Nakipag-shake hands na ako sa kanya at nginitian siya.

"Anyway. Nabalitaan ko, niloko ka raw ni Kristine. Your ex bestfriend." pagbabago niya ng topic at umupo sa tabi ko.

"No she's not. Akala ko nga niloko niya ako, pero hindi pala. May reason." sabi ko at tumawa ng mahinhin.

"Lahat ng bagay, may dahilan. Tandaan mo yun, Ackie." sabi niya at tinap ako sa balikat.

Napatango na lang ako sa sinabi niya at ngumiti. I can't believe, this is happening.

"Hindi niya ako niloko. Hindi niya ako sinaktan. Ako pa nga ata ang nakapanakit eh." sabi ko at tumawa na naman.

"Hmm... I know... Ackie, gusto mo siyang bumalik?" tanong niya at tiningnan ako.

Yeah, lalo na at bago na ngayon.

"Yeah. I miss her." sabi ko at napatungo.

"Bakit di mo subukang kausapin siya? Malay mo naghihintay siya? Hindi siya nalapit sayo diba? Dahil takot siya. Takot siya na baka kapag nilapitan ka niya, sigawan mo lamang at sabihan ng masasakit na salita. Siya ang natatakot, Ackie. Kaya dapat, ikaw ang nage-effort. Ikaw ang nakasakit, kaya ikaw magsosorry. Hindi naman siya talaga ang nakasira sa relasyon niyo diba? Ikaw rin? Give her a chance. She's still your bestfriend." sabi niya at tinap ulit ang balikat ko.

"Hayley...." sabi ko dahil.... I'm shock! Di ko akalain na, she's one of my enemy pero siya pa ang kadamayan ko ngayon.

"No... No need, Ackie. Pambawi lang yun." sabi niya at ngumiti saka tumayo na.

"Maraming nawala sayo? At dahil ayun ay mali ang desisyon mo. Pero kahit mali. Lahat ng yan, pwedeng itama pa. Kahit hindi na bumalik pa ang dating pinagsamahan. Start a new one. Everything's change, Ackie." sabi niya saka umalis na palayo.

She's right. Lahat ng bagay, nagbabago. At kahit sa maling desisyon mo. Pwede pang itama, hindi pa huli ang lahat. Huli man, pwede mo pa rin itama at mag-simula ng panibago.

Life is life. Magulo ang buhay, pero madaling ayusin. :)

Lahat ng problema may solusyon. Di naman kasi tayo bibigyan ni God ng problema kung walang solusyon. Bakit nga ang math, lahat may tamang sagot. Problema pa kaya?

Thanks, Hayley.

Una pa lang, laki na ng pinagbago mo.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon