Chapter 23

19 2 0
                                    

Chapter 23

(Hiro's Pov)

Umuulan, sana sumilong si Jackie... Kamusta na kaya yun?

Habang nakasilong ako, nakakita ako na lalaking nakauniform ng school namin, at parang familiar sa akin ang mukha na dumaan sa harapan ko.

"Panalo ka na." rinig kong sabi niya at di ako nagkamali na si....

Ajay ito.

***
(Jackie's Pov)

Umalis na ako sa E.K at hindi ko na hinintay si Hiro, iniwan ko na siya doon.

Umalis ako na umuulan at dumiretso sa bahay nina Kuya Kien at Ate Samora.

"Ackie?!" sabi ni Ate at halatang gulat ng makita niya akong basang-basa.

"Sino yan, hon-- Ackie?!" sabi ni Kuya at kumaripas palapit sa amin.

Pumasok ako ng basang-basa at si Ate ay kumuha ng twalya at binigay sa akin.

"Bat ka ba nagpaulan?" tanong ni Ate.

"At... Bakit paga mata mo?" tanong naman ni Kuya.

"Saan ka ba galing?" tanong namin ni Ate ulit.

"Bat ka dito umuwi?" tanong namin ni Kuya.

Nanatili lamang akong tahimik dahil di ko alam kung sino ba anh uunahin kong sagutin at ayaw bumuka ng mga bibig ko.

"Hoy! Ackie! Magsalita ka nga." sabi ni Kuya na halatang inis na.

Saan ko ba sisimulan? Bat ba ako nalulungkot? Dapat nga masaya ako. Dahil, wala na akong kasamang makulit. Eh bakit, ganito? Umiiyak ako? At parang nasaktan ako?

"Hoy!" sabay na sabi ng mag-asawa.

"Kasi si Ajay...." panimula ko at napakagat ako ng labi.

"Kasi???" tanong ni Kuya na nag-aabang ba.

"Kasi nasaktan ko si Ajay." sabi ko at napapikit ako.

"Nasaktan ang alin?" tanong ni Kuya.

Tinuro ko naman ang puso ko.

"Puso niya?" tanong ni Kuya kaya tumango ako.

"You hurt him? Bakit? Is he your boyfriend?" tanong ni Ate.

"My fake boyfriend...." sagot ko.

Bakit? Totoo naman na peke lamang lahat yun eh.

"Bakit mo siya nasaktan? Ano bang ginawa mo?" sunud sunod niya tanong.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Tinulungan niya akong magmove-on para makalimutan ko na si Hiro. At kanina, nagsinungaling ako sa kanya. At, kasama ko si Hiro kanina sa E.K. tapos di ko akalain na pupunta siya doon at makikita niya kaming dalawa. At, ayun! Nasaktan ko siya. Tapos pati ako, nasasaktan at nagsisisi sa ginawa ko. Pero di ko alam kung bakit." sabi ko at tumingin sa kanila na napakalungkot.

Naramdaman kong tumahimik ang dalawa, at nagtinginan sa isa't isa.

Okaayyyy....

***
(Kien's Pov)

Okaayyyy....

Nagkatinginan kami ni Samora sa isa't isa at pinandilitan niya ako.

"Ahhh... Teka lang ha.. Sisilipin lang namin si Kira." sabi ko at tumayo na kaming dalawa at saka kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ni Kira (anak namin) at umupo kaming dalawa.

"Inlove ata si Ackie." sabi ni Sam at tumawa ng mahina.

It's a sign of love. Nasaktan siya.. Pero baka nasaktan siya dahil wala ng tutulong sa kanya? Pwede ba yun? Eh nababalitaan ko kina Kathryn, James at Kurt na ayaw na ayaw ni Ackie kay Ajay. Kaya dapat natawa ito eh...

Oo, kilalang kilala ko si Ackie. Yung bata pa siya, kapag ayaw niya sa isang tao. Inaaway niya, tapos kapag lumayo na sa kanya. Magpapa-party yan. Pero bakit... Hindi siya masaya?

"Sa tingin mo?" tanong ni Sam.

"I think.. Inlove nga ata ulit. Nagsisisi siya eh." sabi ko.

"Wow! Ang bilis naman." sabi ni Sam at ngumiti na naman ng pagkalapad.

Congrats, Ackie. Nabubulag ka palang ata dahil akala mo mahal mo pa si Hiro, pero si Ajay na pala ang gusto mo.

How poor of Hiro.. Wala na siyang Ackie...

***
A/N: Vote and comment! Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon