Chapter 10

49 2 0
                                    

Chapter 10

(Jackie's Pov)

"I can be. Jackie, ako naman."

"I can be. Jackie, ako naman."

"I can be. Jackie, ako naman."

Bwisit! Ilang beses na ba yang nagre-replay sa utak ko? Nasusura na ako ha!

"I can be. Jackie, ako naman."

"I can be. Jackie, ako naman."

Aish! Bat ba napaka-unli masyado ng utak ko?!

Nakakaani eh, di tuloy ako makatulog! Aish... Di muna kaya ako papasok bukas noh? Ayokong makita pagmumukha ng unggoy na yun.

Bumangon ako at kinuha laptop ko, saka binuhay ito...

Mabilis naman nabuhay at bumungad sa akin ang calendar sa aking screen.

Calendar kasi ang gusto kong ilagay dito para alam ko date. Hehe... :)

January 15 na agad. Ang bilis ba?!

Inexit ko ito at bumungad naman ang pinakawallpaper ng aking laptop.

Di ko pa pala napapaltan to. >_

*Flashback*

"Picture tayo, bili!!" sabi ni Hiro at kinukuha laptop ko.

Ang kulit talaga ng lalaking ito kahit kailan, minsan eh napakachildish, pero napakagwapo, kaya nga naging heartrob eh. Haha!

Niready na niya camera at ayun hinila ako sa tabi niya.

"Smile tayo ha." sabi niya at kinilick na niya yung capture. 5 ang timer.

Hindi ko sinunod ang utos niya, ang ginawa ko ay nag-pout, siya naman nakasmile.

Nang malapit ng mag 5, bigla na lang niya ako hinalikan sa pisngi.

"Jackpot." sabi niya at tiningnan ang picture.

Dumadamoves ang boyfriend ko. :">

*End of Flashback*

Napangiti ako sa naalala ko. Ang kulit niya talaga noon. Di ako makapaniwala na ngayon, cold na siya sa akin. Wala na... Wala na ang kumukulit sa akin, naggu-good morning pag-gising ko, wala ng nagyayaya sa akin mag-date kahit hindi namin monthsary. Wala na.... Nasayang lamang lahat! Nawala lamang sa iisang dahilan, sa iisang rason, sa iisang iglap. Kaya, naiinis ako.

Bakit ba nangyari yun? Bakit ko pa siya naging boyfriend kung break up din naman pala ang huli. Bakit ko pa siya nakilala?

Sabi raw nila, kaya may dumadating na tao sayo, ay para may matutunan ka.

Ay letche pala yan eh! Matutunan? Na ano?! Eh wala nga akong natutunan.. Natutunan kong magmahal! Ayan!

Tama nga sila, walang forever.. Walang forever!!!!

Naramdaman kong basa na naman ang pisngi ko.

Naiyak na naman ako?! Kailan ba titigil ang mga ito?! Lagi na lamang kapag siya ang topic, naiiyak ako..

Wala na lahat. Sira na ang aming relasyon, wala na ang promise namin. Sabi pa niya....

Ako ang papakasalan niya, alam kong masyado pang matagal at marami pang taon ang dadating. Pero wala eh, excited siya. Tapos siya naman pala ang sisira ng lahat!

Akala ko, ang magiging pangalan ko soon ay Jackie Casio Velasquez. Pero hindi pala.

May nagmamahal pa kaya sa akin? Bukod sa tatlo?

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito. (O.O)

B-bakit siya natawag?

Hiro's calling...

Sasagutin ko ba?! Ayoko! Baka si Kristine yan. :(

Yeah, ang tanga ko. Di ko pa naidi-delete number niya. Pero ano pang silbi ng delete? Kung memorize mo naman? Che-change ko na lang ang name, tapos lahat ng bagay na ibinigay niya sa akin, susunugin ko, pati yung mga picture..

Sasagutin ko na sana kaso, nag-missed call na.

Napailing na lang ako, akala ko. Ayun na ang chance..

Hanggang ngayon, di ko pa rin alam kung ano ang dahilan.

Biglang tumunog na naman ang cellphone ko at natawag na naman siya.

Huminga ako ng malalim at nag-exhale saka sinagot na ito.

"H-hello?" nauutal ako takte!

(Ackie....)

*DubDubDub*

Yung boses niya, namiss ko.... Pati yun pagtawag niya sa pangalan ko... Maibabalik pa kaya namin ang nakaraan?

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon