Chapter 21

17 2 0
                                        

Chapter 21

(Ajay's Pov)

"Pre, time na. Hihintayin mo pa ba yun? Hindi na yun dadating." sabi ng kaibigan kong si Ismigo na kanina pang nagyayakag dahil nag-bell na, at takot mapagalitan. Dahil sanay na naman ako, okay lang sa akin. Sa kanya? Bakla ata to eh.. :3

"Wag ka ngang atat! Nag-text siya sa akin na dadating siya." sabi ko at pinakita ko pa sa kannyanng yung screen ng conversation namin sa cellphone.

"Tsk. Di ka naman nun mahal." sabi niya kaya tiningnan ko siya masama.

"Easy lang, Ajay. Pero, seryoso. Advice lang, halatang di ka niya mahal." sabi niya at tinap ako sa balikat.

Di nga ba ako mahal ni Jackie? Pero bakit, naramdaman ko... Unti-unti na siyang nahuhulog sa akin?

"Bat ba kasi di mo siya sinundo sa kanila?!" galit na sabi ni Ismigo.

Bakit nga ba? Ayaw niya kasi.

"Eh ayaw niya eh." galit kong sagot at tumingin sa relo ko.

"Hindi pa ba proof yun, pare? Ayaw niyang sunduin mo siya, dahil hindi ka niya mahal. Wag ka ng magpakatanga pa. Mahal niya si Hiro, hindi ikaw." sabi niya kaya nasuntok ko ang pader na katabi ko.

"Psh. Isa pang salita, Ismigo.. Sayo ko ito itatama." sabi ko at naglakad na palayo.

***
(Ismigo's Pov)

Nasira ang pader na sinuntok ni Ajay, dahil sa mga sinabi ko.

At.... Duguan ang kamay ni Ajay ng umalis palayo sa akin.

Natural! Bakit hindi yun dudugo? Pader nga nasira eh, yung kamay niya oa kaya di dumugo?

Tsk. Ayan nga ang ayoko sa pag-ibig eh.. Kaya hindi ako umaasa sa babaeng pinakamamahal ko na mahalin niya rin ako. Kasi imposible!

Ang tanga ko noh? Sa bagay, sino nga bang tao ang hindi naging tanga sa pag-ibig?

Tangina! Ang lupet ng pag-ibig! Sobrang lupet!

***
(Jackie's Pov)

"Ackie. Kain muna tayo." sabi sa akin ni Hiro.

Nandito kami sa E.K., oo mahal ang entrance. Pero magagawa niyo? Gusto ni Hiro eh. Alam niyo na, may pagka-isip bata 'pag dating sa akin. Buti nga mahal ko eh, baka nabatukan ko na kung kaibigan ko lang ito. Haha! Mahal nga ba talaga? Parang kaibigan na lamang turing ko eh.

Oo nga pala, may kasalanan ako kay Ajay. Nagsinungaling ako. >_

"Sige, sa favorie resto ba?" tanong ko at nginitian siya.

"Tsk. Oo." sagot niya at hinila na ako pappunta sa isang restaurant na mamahalin na favorite namin.

Umorder na kami kahit mamahalin. Haha, mayaman naman si Hiro at treat niya raw eh. Pagbigyan!!!!

***

~7:30 pm

Kanina pang ilaw ng ilaw ang cellphone ko, or for short. Tawag ng tawag si Ajay.

"Pagod ka na ba? Upo muna tayo." sabi ni Hiro at umupo muna kami sa isang bench.

"Bili lang akong inumin." paalam ni Hiro ulit at hinalikan ako sa pisngi bago siya umalis.

Tiningnan ko anng cellphone ko.

118 messages and 50 missed calls.

Binasa ko ang mga messages na galing kay Ajay.

Ajay:

Nasaan ka ba?
***
Bat ayaw mong sagutin tawag ko?
***
Nasaan ka?!
***
Busy ka ba?
***
Ang ganda ng view na pinapanood ko.
***
Nasasaktan ako sa pinapanood ko, Jackie. Sayang, wala ka rito. Baka di ako nasasaktan kapag nandito ka.
***
Masaya ka ba diyan?
***
Mag-enjoy ka lang sa kamasa mo.
***
Wag mo akong alalahanin.
***

Bat parang.... Dalawa ang meaning ng mga text niya?

Napatingin ako sa tabi-tabi, at nakakita akong lalaki na nakasandal sa isang pader at nakasuot ng uniform ng school namin at may hawak na cellphone.

Biglang bumuhos ang ulan, pero parang wala akong nararamdaman na pagpatak sa akin, at tanging yung lalaki lamang ang nakikita ko. Para bang nag-dilim ang ibang paligid.

Lapitan ko kaya? Para kasing...... Si Ajay ito.

Tatayo na sana ako kaso palapit na pala siya sa akin.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon