Chapter 15

25 2 0
                                    

Chapter 15

(Jackie's Pov)

"Siguro naman, okay ka na rito."sabi ni Kuyang malibot ko na ang new house ko.

Malayo-layo na ito sa school ko ngayon. Kaya panigurado, ako'y mag-kokotse na lagi.

Cute yung kulay, sky blue and light pink. :)

"Ang galing talaga ni Mama. The best siya, siya na ang artistic." sabi ko at nag-thumbs up kay Kuya.

"Oh siya, una na ako. Mag-gagabi na rin. Walang kasama si Sora." sabi ni Kuya at hinalikan ako sa pisngi at kumaway na.

Lumabas na siya, at hindi ko na siya inihatid palabas.

Malaki na naman yan eh. Haha!

Napabuntong-hinga ako dahil may naimagine ako.

Paano kaya kung kami pa ni Hiro? Magkasama na kami rito. Para siguro kaming mag-asawa na. Hihi! :'>

Pero imposible na... Wala na eh.. Hanggag imagine lang ako. :(

***
(Kien's Pov)

Kilala niyo na naman siguro ako? Ako lang naman ang gwapong kuya ni Ackie. :)

Tinawagan ko si Hiro kanina at sinabi kong mag-uusap kami.

Nagsinungaling ako kay Ackie kanina, ang totoo kasi. Di ako didiretso uwi, kakausapin ko muna si Hiro.

Para kasing may mali eh. Ramdam ko at alam kong mahal na mahal ni Hiro si Ackie at hinding-hindi niya yun gagawin kay Ackie.

Alam kong may dahilan yun. Alam ko... Tanga lang masyado si Ackie at ayaw kausapin si Hiro.

Dumiretso ako kung saan kammi magkikita ni Hiro at nakita kon nandoon na siya.

Agad akon bumaba at lumapit aa kanya, pero cool lang ako.

Hindia ako yung tipong lalaki na kapag sinaktan ang mahal ko sa buhay, ay agad na susuntukin siya. May dahilan, kaya dapat malaman ko muna.

"Wala na kayo?" mahinahon kong tanong at umupo.

Tumingin siya sa akin na halata sa kanyang mga mata ang sakit at pagkalungkot.

"Wala na, Kuya. Nakipag-break na siya." sabi niya at parang batang nawalan ng laruan.

"Tell me... Sinong may kasalanan?" tanong ko at hinanda na ang sarili..

Huminga siya ng malalim at tumingin aa akin ng seryoso.

"Sa tingin ko.. Ako, ako ang may kasalanan. Pero, mas mabuti na yung ako ang may kasalanan. Pero ang totoo, walang may kasalanan." explain niya.

Napataas ang isa kong kilay sa kanyang sinabi.

Huminga ulit siya ng malalim bago nagsalita ulit.

"Walang may kasalanan sa amin tatlo. Hindi yung bestfriend niya, hindi siya, hindi ako.. Kundi, ang pamilya ko." sabi niya at binilang talaga niya sa daliri niya.

Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang word na pamilya niya. May kutob ako....

"Yung kompanya kasi namin, unti-unti ng bumabagsak. At humahanap kami ng makakatulong sa kompanya. At nagkataon na ang nahanap ng mga magulang ko ay yung magulang ni Kristine, which yung bestfriend ni Ackie." dugtong pa niya.

Arrange marriage, now I get it..

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon