Chapter 19

30 2 0
                                    

Chapter 19

(Kurt's Pov)

"Tara, uwi na tayo." anyaya ni Hazel.

Kasalukuyang nandito kami sa favorite place namin, nag-date kasi kami. Tagal na kasi namin hindi nagsasama. Nagtatampo tuloy ako. Lagi kasi siyang busy! Di ko alam kung sino kasama niya. Tapos minsan, kapag tinatawagan ko 'Cannote be reach'. Kamusta naman yun? Girlfriend mo di mo macontact. Wala ka pang alam tungkol sa ginagawa niya tuwing di kami magkasama.

Tapos ngayon lang kami ulit nagkasama. Tapos ayaw pa niyang pumayag. At dahil makulit ako, napapayag ko siya.

"Mamaya pa oh! Ang aga pa. Dati-rati, mga 10 pm tayo umuuwi, tapos ngayon, 8 pm lang?" sabi ko at nag-pout.

"Eh... Marami pa kasi akong gagawin, alam mo na. Malapit na tayong gumraduate." sabi niya at ngumiti pero parang pilit lamang.

"Dati naman.... Wala kang pakialam dyan.." sabi ko at tiningnan siya ng seryoso.

"Eh... Bili na! Gusto ko ng umuwi." galit niyang sabi.

Dahil sa naiinis na ako sa kanya, sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayaw mo na ba akong makasama?" tanong ko pero seryoso lamang.

"Nagpapatawa ka ba? Pagod lamang ako at saka, bukas na lang ulit." sabi niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Tsk. Tara na, ihahatid na kita." sabi ko at hahawakan ko na sana siya sa braso kaso umiwas siya at tumanggi.

"Wag na. Ako na lang. Malapit lang naman diba amin dito?" tanggi niya at tumayo saka ngumiti.

Tumahimik lamang ako dahil sa ginawa niya.. Bat ba ganito ang babaeng ito?

"Ako na lang. Sige bye na!" sabi niya at tumakbo na palayo at iniwan akong nakatayo rito.

Great! Just great! Akala ko ba, kada paalam namin sa isa't isa, may kiss sa pisngi. Pero bakit ngayon wala na?

Napaikom na lamang ang mga kamao ko sa ginawa ni Hazel.

Di pa ako uuwi. Susundan ko si Hazel para makasiguradong ligtas siya.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon