Chapter 22

19 2 0
                                    

Chapter 22

(Ajay's Pov)

Ang ganda ng pinapanood ko ah! Nakakaiyak eh! Nakakaiyak at nakakasakit tingnan.

Badoy na kung badoy! Wala eh, pag-ibig ang topic.

Nakita kong hinalikan ni Hiro si Jackie sa pisngi saka siya umalis.

Kanina ko pa silang sinsundan at tinitingnan. At kanina pa akong naiinis at nasasaktan, lalo na at nakikita ko ang mga ngiti ni Jackie na kahit kailan, hindi ko napangiti. Pati na rin ang kamay niya na dapat ako ang may hawak, ay hawak ng iba, masama pa. EX niya.

So kaya pala, hindi siya pumasok? Dahil kasama niya si Hiro?

Nagsinungaling pa siya! Dapat sinabi niya na lang sa akin, di naman niya ako boyfriend eh. Isang kaibigan lamang!

F*ck sh!t.

Biglang bumuhos ang ulan kaya lumapit ako sa kanya.

Ngumiti ako kahit masakit na.

"Nandito ka lang pala, Jackie. Kamusta naman ang samahan niyo ni Hiro?" tanong ko at ngumisi.

Konting tiis Ajay. Hindi ka bakla.

"Sayang. Di ko nasimulan kung ano ang ginawa ninyo. Adi baka mas lalong maganda yung pinanood ko." sunod kong sabi.

Tumayo siya at hinawakan kamay ko.

"Ajay...." sabi niya na malungkot ang boses.

Ang ginaw na... Malamig na, sobra.. Para akong nagiging manhid.

***
(Jackie's Pov)

Tama ako. Si Ajay nga ito.

Nang mahawakan ko kamay niya, nakita ko na may dugo ang dalawa niyang kamay.

A-ano ito?

Inalis niya ito at narinig ko ang pagtawa niya pero parang mas nasaktan ako nang marinig ko ang pagtawa niya na pilit lamang.

Nasasaktan ko na siya. :(

"Wag mong intindihin yan. Wala yan. Wala ka naman pakialam sa akin diba? Ni hindi mo nha iniisio kung sino ang nasasaktan mo." sabi niya at ngumiti.

Niyakap ko siya at naramdaman ko ang mabibilis niyang paghinga.

"Sorry, Ajay. Gusto ko lang nama--"

"Syempre, mahal mo. Kaya gusto mo siyang makasama. Di ako tanga." sabi niya at inalis niya ang pagyakap ko sa kanya.

Napatungo ako sa sinabi niya.

Kasalanan ko na naman?

"Ajay.. Mageexplain ako. Please..." sabi ko at nanatili lamang akong nakatungo.

"Magexplain? Bakit? Bakit ka mageexplain sa akin? Di naman tayo. At walang tayo. Kasi kahit kailan, di mo naman ako sinagot. Kahit kailan, di mo ako magugustuhan. Dahil yang puso mo (tinuro niya ang dibdib ko) ay nagmamahal lang kay Hiro." sabi niya at tumalikod na.

"Bago ang lahat. Lilinawin ko muna. Mahal kita, Jackie. Di ko alam kung ramdam mo o hindi. Nasasaktan ako, pero di ko ipinahahalata. Nagseselos ako, pero wala akong karapatan. Umaasa ako, pero pagod na ako. Pinapasaya kita, pero parang wala lang. Ayoko na. Ang tagal na eh... Wala talagang pag-asa." sabi niya saka na siya lumayo palayo.

Napaluhod na lamang ako at naramdaman kong tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng mga ulan.

***
A/N: Vote and Comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon