Chapter 31

25 1 0
                                    

Chapter 31

(Jackie's Pov)

Buti naman sabado ngayon.. Hindi ko makikita si Ajay... Kapag kasi nakikita ko siya, nagsisisi ako bigla eh..

Nandito ako sa bahay ng tatlo, wala si Kurt. Ayun, nagba-bonding na naman ang dalawa. Tsk. Sana naman hindi na lokohin ni Hazel si Kurt. Naaawa ako eh.. Ayokong maramdaman ni Kurt yung ginawa sa akin ni Hiro NOON.

"May date ka na ba sa 14?" tanong ni Kathryn.

Tumingin ako kay James at nag-pout.

"Wala pa.. Eh kayo?" malungkot kong tanong.

"Ako meron, you know. Si Vince. Si James, di ko alam dyan. Paalis ngayon si Satrina eh.." sabi niya at pumunta sa kusina.

Paalis? Eh bakit nandito si James? Bat di niya sinasamahan? ~_~

"Saan naman pupunta si Satrina?" tanong ko.

Nag-shrugged lamang siya ng shoulder.

"Oo, Ackie. May kausap ka.." sabi ko at tumingin sa ibang direksyon.

"May pupuntahan siya.. Emergency. Family niya. Okay? TSK." sabi niya at tumayo.

"Suplado." I murmured.

Lumingon siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Oh? Sabi ko, ang gwapo mo." sabi ko at nagface-palm.

"Wala ako sa mood. Ma'am." sabi niya at pumunta rin sa kusina.

Ano bang meron sa kusina, at doon sila pumupunta??

Biglang nagring ang cellphone ko.

Ajay's Calling...

(O.O)

Himala... Malaking himala!!

Sinagot ko ito.

"Hello?"

(Nasaan ka?)

Galit pa rin. T.T

"Lagi na lang galit.. Bakit mo tinatanong?"

(Sagutin mo na lang. Dami pang satsat.)

"Nasa bahay ng tatlo."

(Punta ka rito.)

"Saa--"

*TootTootToot*

Ang ganda ng bye ah... Saan ako pupunta? Di man lang sinabi kung saang lugar. Di naman ako manghuhula.

Tengene be.... Ano bang nakain ng lalaking iyon? Tatawag sa akin, tapos papapuntahin niya ako. Di naman niya sinabi kung saang lugar. Ang tanga ba? O sadyang, galit pa rin siya sa akin, at pinapahirapan niya ako?

Ganda ko naman para pahirapan.

Mga kabataan nga naman, ang laki ng problema.

Bahala siya, di ko siya pupuntahan. Di ko naman alam kung saang lugar eh.. Kaya kapag nagalit siya sa akin, ayon ang idadahilanan ko.

Biglang nag-vibrate cellphone ko. At nakita kong nagmessage siya sa akin.

Ajay:

FP ko. Maghihintay ako, kahit anong mangyari. Please, pumunta ka.

FP ko? Ano yun? Tawag niya sa akin? Ay enebe... Ano ba?! Ang gulo ba ng lalaking ito.

"Kathryn!!! James!! Parito nga kayo!" tawag ko sa dalawa.

Pumunta naman si James pero si Kathrn nandoon pa rin.

Kaya ata tumataba bigla si Kathryn gawa laging nasa kusina. ~_~

"Hmm?" tanong ni James.

Nasa mood na ulit itong lalaking ito. Hindi nakakunot ang noo eh. XD

"Anong meaning ng FP?" tanong ko at pinakita ko yung screen na tinext ni Ajay.

"Tanong mo kaya sa kanya noh?" sabi niya at nagface-palm.

"Wala akong load." sabi ko at tumayo.

"Ano pang silbi ng phone mo." sabi niya at patalikod na sana.

"Hiya ko ah.. Parang may load siya." sabi ko.

"Oo. May nagpasa sa akin ng P500.00 load.. Nagkamali nga ng send." sabi niya at ngumisi.

Biglang nanlaki ang mata ko.

"Seryoso ka?" tanong ko habang shock pa rin.

"Oo nga. Halata ba akong nagbibiro?" tanong niya at umiling-iling.

"Papasa! Dali!" sabi ko at binigay ko sa kanya phone ko.

"Di ako marunong." sabi niya na ikinaface-palm ko.

"Nag-sim ka pa! Kung hindi ka pala marunong mag-pasa." sabi ko at nag-pout.

"Oh. Ikaw na lang." sabi niya at binigay sa akin phone niya, bigla naman siyang ngumisi. Umalis na siya at pumunta sa kwarto niya.

Agad kong dinial ang *143#, at tiningnan kung may load nga.

Leche!!!

"Jamesss!!! Wag kang magpapakita sa akin!" sigaw ko at binato cellphone niya sa sofa at lumabas na doon.

Wow! P500.00 pala... P0.00 lang naman. Aish... Kakabadtrip.

Di ko na nga nalaman yung FP, dumadagdag pa si James. Shet!

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon