Chapter 38

23 1 0
                                    

Chapter 38

(Jackie's Pov)

Sino ba kasing tao ang iiwasan ang isang tao na mahal na mahal siya kung mahalaga ito sa kanya?

Si Ajay.... Isang importanteng tao na dumating sa akin magmula noong naghiwalay kami ni Hiro. Isang tao na pumalit sa pwesto ni Hiro na ngayon ay nagpapasaya sa akin. Isang tao na minamahal ako na higit sa kaibigan. Kaya ko kaya siyang mahalin? Masusuklian ko kaya ang pagmamahal na binigay niya sa akin?
Nakita ko siyang pumipili ng kwintas.

Hmm... Pinagtagpo lang kami ni tadhana. Tadhana? Wala ka na bang magawa sa buhay?
Nagka-taon lang kasi na nakita ko siya dito mismo sa Mall. Kasama ko kasi si Ate Samora. Remember niyo pa ba siya? Wife ni Kuya Kien. :)

Haha! Window shopping lang AKO. Wala kasing MONEY! Pero ngayon, nagpapahinga lamang at nakaupo, eh saktong katapat ko yung shop na kung nasaan si Ajay.

"Kamusta na nga pala kayo ni Ajay?" Biglaang tanong ni Ate Sam. Tumingin ako sa kanya at tiningnan ang kanyang tinitingnan na damit.

"Ayos na naman kami." Sagot ko at tiningnan ang isang damit na medyo maganda ang dating.

"Good. Balita ko... Nililigawan ka raw niya? Totoo ba?" Tanong ni Ate Sam.

"Nahh... Hindi ah." Sabi ko at tiningnan uli si Ajay.

"Well... Umamin siya ng nararamdaman niya?" Tanong niya at tumingin din doon kung nasaan si Ajay. At muntik na niyang makita, buti naman may humarang na babae sa kanya at niyakap siya. :)

Wait what?!
Napatayo ako sa nakita ko. Hmm...

"Ate Sam. Pahiram nga ng jacket, at pamuyod." Sabi ko at inilahad ko na kamay ko na nag-aabang sa hiniram ko pero nakatitig pa rin ako kina Ajay and sa babae.

Nang maibigay na niya sa akin ay agad akong humarap sa kanya.

"Pahiram muna, Ate Sam. Ha? Tapos hihiwalay muna ako sa iyo, text ko na lang kayo." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi at agad na kumaripas papunta sa C.R.

Humarap ako sa salamin at sinuot ko yung jacket ni Ate Sam at nagpuyod ng maayos, buti naman may make-up ako rito.

Nag-make up ako at nang matapos tiningnan ko buong mukha ko.

Ako ba ito? >:)

Umalis na ako at bumalik ako sa kung saan nakita ko si Hiro, pero bago yun. Tiningnan ko muna Cp ko..

From Ate Sam:

Ackie, sinundo na ako ni Kien my loves. ^_^ Ikaw? Text mo ako kung papasundo ka or hindi. Kung hindi man, kapag nakauwi ka na. Text mo rin ako, para malaman ko kung ligtas ka. :*

Edi wow! Bait talaga ni Ate Sam.

Dumiretso na ako kung nasaan si Ajay, buti naman nandito pa siya.

"Good evening, Ma'am." Sabi nung saleslady. Ngumiti lamang ako sa kanya.

Tumabi ako kay Ajay pero hindi ako nagpahalata. Nakatingin lamang ako doon sa mga kwintas, bracelet at earings.

"Babe... Ito gusto ko." Sabi nung babae.
Tengene... Babe her face! Ang landiiiiii!!
Wait nga lang... Bakit ko ba ito ginagawa?

"Ayan ba?" Tanong ni Ajay.

Eww... Bakit ganun boses ni Ajay?? Siya ba talaga ito?

Wait nga... -_-

Tiningnan ko yung lalaki.... (-_-)

Okay! Ang tanga mo talaga Ackie... Nag-ayos ka pa para lang may malaman sa kanilang dalawa. Magiis-spy na nga lamang ako, sa maling tao pa. Shet.. Hindi ito si Ajay!!

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon