Chapter 5
(James Pov)
Bat ba nangingialam sila kung ganito ako o hindi? Bakit ba nila ako pinapakialaman? Hindi naman sila ang aking pinaglalaruan ah!
Pero.... Oo nga ba? Naka-move on na nga ba ako?
Ang alam ko, oo. Dahil hindi na naman siya ang hinahanap ko ngayon eh.
Siguro hobby ko na lang ang manloko ng mga babae.
Ang tanga ko ano? Halos saktan ko na ang lahat ng babaeng minamahal ako. Tapos iisa lang naman ang nanakit sa damdamin ko.
At... Hindi naman lahat ng babae manloloko, bakit nga si Jackie, si Hiro ang nanloko. Oh lalaki yan!
Sana wag niyang isipin na lahat ng lalaki ay manloloko, dahil hindi naman ako manloloko.
Siguro, ganito ang iniisip ng iba.. Katulad ko na rin...
Bakit ko nga ba dinadamay ang lahat ng babae? Iba-iba naman ugali nila..
Aish! Nakakainis!
Naglakad-lakad lang ako, hanggang sa makapunta ako sa park.
Pupunta sana ako doon sa place o tambayan ko dito, doon sa puno..
Kaso may isang babaeng nakaupo doon at nakatingala sa langit.
Tumigil ako at pinagmasdan siya.
She's crying, but she's still smiling.
Lapitan ko kaya? Gwapo naman ako eh. >:)
Nilapitan ko yung babae at tiningnana ko siya, nang makita niya ako, agad niyang pinunasan ang luha niya at tumayo.
"Ito diba tambayan mo? Sorry ha. Sige, mauna na ako." sabi niya at aalis na sana siya kaso nagsalit agad ako.
"Wait." pagpigil ko sa kanya, humarap siya at ngumiti. But I can see her eyes that there's a pain.
"You're crying. Here." sabi ko at inabot ko yung panyo ko sa kanya.
Kinuha niya ito at ngumiti.
"Thanks. Pero... Di ko na ito kailangan, tapos na eh." sabi niya at tumingin sa akin.
Ngumiti ako dahil nakakahawa mga ngiti niya.
"Why are you crying?" tanong ko sa kanya at umupo sa damuhan na nasa ilalim ng puno.
Umiling siya at umupo rin sa tabi ko.
"Wala na boyfriend ko." sabi niya at halos mawalan na siya ng boses.
Napatingin ako sa kanya ata nakatingin na naman siya sa langit.
Gets ko na. ~_~
Kaya pala sa langit siya nakatingin, tapos naiyak, tapos nakangiti. Abnormal ata ito eh. XD
"Sorry to hear that." sabi ko at umiwas ng tingin.
"Nah... Ok lang..." sabi niya at tumawa ng mahinhin.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa relo niya.
"Alis na ako. By the way, I'm Satrina." pakilala niya at nilahad niya kamay niya para makipagshake-hands.
"James." sabi ko at nakipagshake-hands na.
Ngumiti naman siya at tumayo na.
"Nice to meet you." sabi niya at kumaway saka umalis na.
She's cute. :)
***
A/N: Vote and comment. Thanks :)
BINABASA MO ANG
You Melt My Heart
RomanceSa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mas pinili mo na lang na wag nang magmahal. At akala mo, mapipigilan mo.. May makakatunaw pa rin pala sa puso mo. ***