Chapter 32

28 2 0
                                        

Chapter 32

(James Pov)

Ang hirap talagang magmahal. Kung kailan ka na nagiging okay ulit ang buhay, syaka na naman mawawala siya. Ganun na ba talaga yun ha?

Ganun ba talaga ang LOVE? Hayss... Wala talagang forever. Lintek na kanta ni JAMES REID na yan!

Bakit nga ba ang February hanggang 28? Bakit di pa ginawang hanggang 13 para mas lalong masaya. Feb-ibig daw ang february, eh ampalaya festival nga.

Yeah yeah... Nandito ako sa kwarto ko at.... Nag-aayos sa sarili.

Manchi-chicks na lang ako. Makikipag-hiwalay na ako kay Satrina. Kapag kasi natuloy ang desisyon nila, magkakaroon kami ng LDR. Ayoko naman nun. Kaya makikipag-hiwalay na lang ako.

Siguro binuhay talaga ako ng walang makakasama ng matagalan.

Ang boring siguro ng buhay ko noh? Ay hindi pala. Masarap nga palang manloko. >:)

***
(Jackie's Pov)

Lintek na FP na yan! Ano ba yun ha?! Tinanong ko yan kay Kristine, at ang loka ang sagot ay 'Feeling Pogi'! At si Hiro naman ang sagot 'Forever Pogi', at nag-away pa talaga sila doon. Lugar pala yun? Ano ba kasi yung FP?

Ang laki talaga ng galit sa akin ng lalaking iyon.

Wahhh!!! Di ko na kaya! Ano bang meron si Ajay at ganito niya ako masyadong pahirapan. Wow! Di ko akalain na meron palang short term itong si Ajay eh.. FP?! Masama pa, hindi pa yan masyadong uso.

"Oh?! Si Ackie pala eh..." sabi ni Hayley.

"Hello. May tatanong lang sana ako, kung alam mo yung meaning ng FP?" mabilis kong pagtatanong.

Napataas naman siya ng isang kilay at nagpameywang.

"Hoy, di porket ako'y nag-advice sayo noon, ay marami na akong alam. Di ako mahihilig sa short term!!" inis na sabi ni Hayley.

Haha, kahit papaano, may natira pa rin palang pag-uugali si Hayley sa pambu-bully niya sa akin.

Namiss ko yun kahit papaano.

"Ah ganun ba?! Okay!" sabi ko at kumaripas  na sa pagpasok sa kotse ko at saka pinaandar ito.

Si Kuya Kien na lang at si Ate Samora..

Pumunta ako sa bahay nina Kuya at Ate..

Arggg!!!! Sobrang malas ba ng araw ko ngayon?!

Wala pa silang dalawa dito sa bahay nila! T.T

End slash dead of the world naaaa... >_

Umalis na ako doon at pumunta sa dagat.

Makapag-palipas muna dito ng init ng ulo.

Huuu!!! Hot na nga ako, lalo pang pinapa-hot.. Ehems..

"Ineng, kapag kasi umiibig, hindi maiiwasan masaktan. Kaya tanggapin mo yan pagkakamali mo." narinig ko sa katabi kong lola na may kausap na babaeng umiiyak.

Wow! Si lola, uma-advice. Pasado na yan!!! Haha!

"At.... Wag kang ngumiti o tumawa kung alam mong hirap ka na. Niloloko ka na nga ng iba, niloloko mo pa sarili mo."

Aray ko bhe! Natamaan ako doon ah...

Hindi pa naman ako hirap eh..
Anong hindi? Eh kanina nga sabi mo, end slash dead of the world na. Oh? Di pa ba obvious? Hirap ka na doon, kahit alam mong sa sarili mo marami ka pang matatanungan!

Shet na isip na yan! Sesermonan na nga lamang ako, mali pa ang ginawang dahilan. ~_~

Hmm... Baka may alam si lola kung ano ang FP.

"Ahh.. Excuse po. Lola, alam niyo po ba yung FP?" tanong ko at kinalbit ko talaga si lola.

"FP? Ineng, maraming meaning yan. Pero ang pinaka-gusto kong meaning ay yung FOREVER PROUD." sabi niya at tumawa. Napaface-palm naman ako.

May kagalgalan din pala si lola eh..

"Uhm.. Lugar po? May alam po kayo?" tanong ko.

"Abay oo naman! Ang dami kong alam na lugar. Dagat, palengke, simbahan, mall, school." sabi niya at inisa-isa talaga sa kanyang mga daliri, at muli napaface-palm ako.

Yung totoo? Naglolokohan o nagjojoke? XD

"Uhmm... Ibig sabihin ko po, kung alam niyo po ang meaning ng FP sa lugar?" pagaayos kong tanong.

"Ahhh... Oo! Favorite place. Hihi, naalala ko tuloy asawa ko. Sinabi niya din yun sa akin, at hirap na hirap ako doon. At hinding-hindi ko yun makakalimutan!" sabi niya at tumawa.

Favorite place... Ngayon alam ko na... Pero...

What the F?! Ano banng favorite place ng lalaking iyon?!?!

Wahhhh. T.T

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon