Chapter 11

29 2 0
                                    

Chapter 11

(Jackie's Pov)

"N-napatawag ka?" nauutal ko na namang tanon sa kanya.

Maghahating-gabi na, gising pa rin siya? Katulad ko? Ano kayang iniisip niya?

(Pwede ba tayong mag-usap? Ngayon lang?)

LANG lang talaga? Aish..

At... Ano naman pag-uusapan namin? Yung dati?

"Anong pa pag-uusapan natin? Mamaya niyan, may makakita pa sa atin at baka magalit yang GF mo." sarcastic kong sabi.

Narinig ko ang pagbuntong-hinga nya sa kabilang linya, kaya napailing ako.

(Please.... Kahit ngayon lang, at pagkatapos. Magkalimutan na tayo, gusto ko lang kasi intin--)

"Magkalimutan? Siguro tama ka... Dapat ngayon pa lang, kaya wag na tayong mag-usap pa. Baka lalo lang ako mahirapan na kalimutan ka."

Sabi ko at binaba ko na yung tawag.

Napailing na lang ulit ako.

Tatayo na sana ako nang bigla akong nakarinig ng kalampag sa baba kaya agad akong lumabas.

Nakita ko si James na nakahiga na sa sahig.

Sabi na nga ba eh, magiinom siya ngayong gabi. Yan! Lasing na naman. :3

Napansin ko lang... Simula noong nagbreak kami ni Hiro, wala na akong nakikitang dala-dala siyang babae. :3

Nagbabago na kaya siya? Eh bakit nag-iinom pa?

Pumunta ako sa kwarto ng dalawa at ginising ito.

At ang dalawa...

Sabihin ba naman sa akin...

"Hayaan mo na siya!" sabi ni Kathryn.

"Aish! Hayaan mo siyang nakahiga sa sahig. Bukas na natin tulungan." sabi naman ni Kurt.

Kaya lumabas ako sa kwarto ni Kathryn at ni Kurt.

Tiningnan ko si James ulit.

Sa sofa na lang kaya? Ang bigat naman kasi nang lalaking yan! Hayaan na nga lamang diyan!

Mabait naman ako eh... >:)

***

~Kinabukasan...

"Jackieeeeee!!!!!!"

~_~

Ilan bang microphone ang nakain ni Kathryn at laging malakas boses? Takte! Puyat ako ha!

Bwisit!

Lumabas ako ng kwarto na masama ang aura.

Sinamaan ko sila ng tingin, pero hindi sila nagpatalo.

"ANO NA NAMAN BA?!?!" galit kong tanong at nagkamot sa ulo.

"Bakit di mo kami ginising kagabi ha?! Dito na tuloy natulog si James!" sabi ni Kurt kaya lalo akong nainis.

Tinignan ko kung saan nakahiga kagabi si James na wala na ngayon doon, siguro nailipat na nila.

"WOW! WOW NA WOW! AKO PA SINISI? Alam niyo ba kung anong sinabi niyo sa akin kagabi? Ha! Bwsit!" sabi ko at pumasok ulit sa kwarto saka dumiretso sa banyo.

Ayoko nang makasama ang tatlong ito!!! Badtrip lagi araw ko eh.. :'(

Miss ko na si Mama at Papa, di pa nila alam ang tungkol sa amin ni Hiro.

They are too busy sa company nila.

Naghilamos ako at saka nagbihis ng pang-alis. Di ako papasok! Mag-gagala muna ako!

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon