Chapter 18

42 3 0
                                    

Chapter 18

(Jackie's Pov)

Anong klaseng tanong yun? Papayag ba ako? Ito na ang pagkakataon eh...

"Bibigyan kita ng time pag-isipan mo. Mahal kita, Ackie. Mahal na mahal. Kung alam mo lang ang lahat ng nangyari sa akin, noong nawala ka sa akin." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Tumayo na siya at niyakap ako ng pagkahigpit.

"I love you.... And..... I miss you." sabi niya at bumitaw na siya saka umalis na.

Naiwan akong nakatayo doon.

Papayag ba ako?

Bakit ganun?

Gusto ko na ayaw ko...

***

~Canteen

"Kamusta naman ang JayKie?" panimula ni Kurt.

Break time kasi namin, at sama-sama kami ni Kathryn, Kurt, James at Ajay.

Yeah, simula noong pumayag ako. Lagi na kaming magkakasabay.

Ngumisi si Ajay at kumain na. At ang tatlo, di pa nakain at naaabang lamang sa akin kaya tinaasab ko sila ng isa kong kilay, tapos sila naman tinaas-baba nila ang mga kilay nila na may kahulugan na 'Ano na?'.

"Guys. We're just friends, okay? Walang malisya. Tinutulungan lang ako ni Ajay na maging masaya." sabi ko at inirapan sila.

"Taray!!!" parinig ni Kathryn.

"Yung totoo, Jackie?" pilit ni Kurt.

"Kung si Ajay ba naman tinatanong niyo!" siit ni James.

Lumipat lahat ang tingin kay Ajay kaya tumingin na rin ako sa kanya, pero siya tahimik lamang.

"Like Jackie said... Magkaibigan lang kami, pero ngayon lang... Soon, kami na." ayan na naman ang bulong na yan! Laging pabulong. Tsk tsk. Nakakainis na ha.

"Aruyyy!!!! Lumelevel up ah.." sabu ni Kurt.

What?! Narinig nila yung sinabi ni Ajay?

"Ayiee... May pa-soon soon pang nalalaman eh..." sabi naman ni Kathryn.

"Bagal mo Ajay, maya-maya maunahan ka pa." sabi naman ni James.

Seriously?! Narinig yun nilang tatlo? Ako? Bat di ko narinig? Katabi pa ako ni Ajay ha! ABA....

Bingi ba talaga ako, o... Mali lang ang ihip ng hangin? ~_~

"Nah... Di ko yun sisiguraduhin.." sabi ni Ajay at ngumisi.

OP na naman ako! Lagi na lang ganun eh.. Kapag kasama ko ang tatlo. :(

Nagtatampo na ako. Parang isa lang akong hangin dito eh na hindi nakikita.

***

~Mall

"Uhmm... Ajay, ano yung sinabi mo kanina? Noong break time?" tanong ko pero syempre yung aking boses pacute. Wahahaha! >:)

Para sabihin niya. Para-paraan lang! Para lang yung kanta ni Nadine. :)

"Ah.. Di ko tanda." sabi niya at ngumisi.

Aray naman! Di niya sinabi? Di tumabla? Aish, kaani! Bat kay Hiro nagana?
Malamang Ackie, mahal ka nun eh. Di ka nun matitiis. Tanga lang?

Pati sarili kong isip, kinakausap ako, at tinatanga pa.

Oo nga naman, tama naman siya eh, kasi mahal ako ni Hiro. Eh si Ajay? Ako? Magustuhan niyan? Tsk. Wag na lang. Thank you!

"February na noh? Ang bilis..." sabi ko, dahil napakatahimik ng aura sa pagitan namin, para ba akong binibingi, kahit maraming tao rito at ang iingay.

"Oo nga eh. Malapit na naman ang VALENTINE. Kamusta naman yun? Maglalabasan na naman ang mga bitter. Baka nga isa ka na doon."

Yung totoo? Ano bang problema? Ako o siya? Lagi kasi kung magsasalita sa huli pabulong na lang eh, tapos yung ihip pa ng hangin, hindi papunta sa akin, maingay pa. Paano ko yun maririnig? O sadya lamang, ayaw niyang iparinig sa akin? O ako ay bingi lang talaga? Dahil naririnig nina Kathryn, Kurt at James eh.

Pumunta kami sa isang ship na accesories at tumingin siya doon.

"Bibili ka?" tanong ko at tiningnan ang letter 'A' na kwintas.

Di ako sanay na hindi niya ako kinukulit. Bat ba parang anng kapoy niya ngayon?

"Yeah.. Para sayo." sabi niya at ngumisi.

"H-hoy! Sira ka ba? O adik lang? Ang mahal kaya dito." sabi ko at nag-pout.

"Mahal nga ba talaga? O yung puso ko?" tanong nito at tumingin sa akin at ngumisi na naman.

Di niya naman siguro habit na ngumisi noh?

Teka, balik tayo sa sinabi niya.

Puso niya? Anong kinalaman ng puso niya doon.

"Tsk. Slow ka talaga kahit kailan." sabi niya at lumapit sa akin at tinuktukan ang noo ko kaya napa-'aw' na lang ako at sinamaan siya ng tingin.

"Ako slow? WOW!" sabi ko at napaface-palm.

Tumawa siya at kinuha niya yung letter 'A' na kwintas.

"Iyo yan?" tanong ko at tinuro yung kwintas.

"Nope. Para sayo yan." sabi niya at inakbayan ako.

Para sa akin? At bakit 'A'?

"Ackie for short. Diba ayun yung nickname mo?" sabi niya na para bang sinagot niya ang tanong sa isip ko.

"Mind reader ka ba?" tanong ko at umalis sa akbay niya.

"Di ako mind reader. Ayoko lang kasing problemahin mo pa yung mga bagay na ganyan lalo na at slow ka. At higit sa lahat ayokong nahihirapan ang... (Lumapit siya sa tenga ko) mahal ko." sabi niya at hinalikan ang pisngi ko.

*DubDubDub*

The heck?!?! Ano yun? Bat....

Bat ganito tumibok puso ko? Parang takbo ng kabayo.. >_<

Anong nangyayari? T.T

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon