Chapter 40

20 2 0
                                    

Chapter 40

(Jackie's Pov)

"Ajay? Anong ginagawa mo rito?"

Umiwas siya ng tingin sa akin at nanatiling tumahimik.

"Ayaw magsalita ng BOYFRIEND ko. Pasensiya na ha... Nahiya ata." Sabi ntong babaeng nasa harapan ko.

The heck?! Dito ba talaga ako dinala ng tatlong iyon? Anong nakain nila?! Bakit....

At itong babaeng ito... BOYFRIEND? Nice one... Mayroon na palang girlfriend si Ajay, at nanliligaw pa sa akin.

"Ilang month na kayo?" Malakas kong loob ma tanong.

Ewan ko ba? Pero bakit nasasaktan ako?

"Actually... Hindi month. One year and a half months na kami." Sabi niya at ngumiti ng nakaka-asar.

Kaya pala napaka-bitch ng suot niya. -_-

"Edi wow!!" Sabi ko at ngumisi.

Tumingin ako kay Ajay at nakita kong umiwas na naman siya ng tingin.

Lumapit ako kahit alam kong wala akong karapatan na maglakad sa malinis na sahig ng bahay na ito. Nakakarumi naman kasi yung may-ari kaya pwede lang rin dumihan.

Tinanggal ko yung kwintas na sinuot sa akin niya kagabi at kinuha ko yung kamay niya.

"Ang galing mo. Napaniwala mo akong mahal mo ako. Tsk. Hindi pala yun totoo. Well, salamat pa rin dahil ikaw ang pumalit sa pwesto ni Hiro noong nawala na siya sa akin. Haha! Magiging official na sana yun. Kung hindi ko lang nalaman ito. Oh, sinasauli ko na. Hindi ito karapat-dapat na suotin ko. Lalo na at galing sa taong manloloko." Sabi ko ng hindi man lamang pumipiyok at habang pinipigilan ko ang mga luha ko na gusto ng pumatak.

Ngayon ko lang narealized.. Mahal ko na pala ito. Oo, ang bilis ano? Kaka-break lamang namin ni Hiro pero napalitan ko na agad siya. How poor...

Ngayon ko lang nalaman, gusto ko na pala siyang sagutin. Hays... Muntik na pala! Kung naging kami pa siguro noong matagal na, mas lalo lamang siguro akong masasaktan ngayon.

Binigay ko na sa kanya yung kwintas na binigay niya sa akin at ngumiti ng ngiting never ko pang pinakita sa kanya, at saka tumalikod na.

Nakangiti naman ang babaeng akala mo maganda, yung labas lang pala.

"Oo nga pala, Ajay. Salamat ulit." Sabi ko at tuluyan ng lumabas.

Bahala na kung saan ako makapunta. Basta gusto ko. Ako lamang munang mag-isa. Walang kasama, walang kausap. Ako lamang, habang pumapatak ang mga luha ko na ngayo'y kay Ajay na umiiyak.

Manhid pala talaga ako. Tsk.

***

(Ajay's Pov)

"Ang galing mo. Napaniwala mo akong mahal mo ako. Tsk. Hindi pala yun totoo. Well, salamat pa rin dahil ikaw ang pumalit sa pwesto ni Hiro noong nawala na siya sa akin. Haha! Magiging official na sana yun. Kung hindi ko lang nalaman ito. Oh, sinasauli ko na. Hindi ito karapat-dapat na suotin ko. Lalo na at galing sa taong manloloko." Sabi niya at binalik sa akin ang kwintas na binigay ko sa kanya kagabi.

Pinigilan kong lumuha. Pinigilan ko ang sarili kong magalit. Dahil baka lalo lamang ituloy ni Geana na patalsikin si Jackie sa bansang ito.

Bina-lock mail kasi ako ng babaeng ito. Wala eh... Ginagawa ko lamang ito para kay Jackie. Ang protektahan siya. Pero pino-protektahan nga ba? Parang lalo ko lamang siya sinasaktan eh.

"Magiging official na sana yun."

Di ko maiwasan masaktan. Magiging kami na sana ng babaeng pinapangarap ko. Pero dumating lamang ang isang demoyita sa buhay namin.

Aish...

Lumabas na siya sa bahay na ito, kaya agad akong tumingin ng masama kay Geana.

"One year and a half month?!?!" Galit kong sabi sa kanya at ngumisi.

Ngumisi rin siya pero agad ko ito binawi.

"Hanggang pangarap ka lang talaga, Geana." Sabi ko at tinago ko sa bulsa yung kwintas na sinauli sa akin ng babaeng mahal ko na sinaktan ko.

"Oh come on. Ajay! Pangarap? Eh ito na nga. Mag-sisimula na tayo. Nasa akin na ang aking pangarap ngayon. Wala na akong kaagaw." Sabi niya na tuwang-tuwa.

"Wala pa. Oo, kasama mo na ako ngayon. Pero kailan man. Hindi kita mamahalin. Isang katulad mo? Masama ang ugali? Tsk. Wala talagang magmamahal sayo." Sabi ko at lumabas na sa bahay na iyon.

Sinubukan kong tingnan ang paligid kung makikita ko si Jackie kahit anino man lang. Pero wala.

Bakit ba kasi bigla na lamang nakapunta doon si Jackie? Gawa ng tatlo? Bino-lock mail niya din ata ang tatlo.

Siya kasi yung tipong kayang patalsikin ang mga tao dito sa Pilipinas, kaya lahat ata eh takot sa kanya. Tsk.

Hindi alo takot. Patalsikin niya ang taong mahal ko, sasama ako. Ayoko lang mabuhay dito sa babaeng ito.

"Oh come on! Hindi mo siya mahahanap. Nasaktan mo na siya, Ajay!" Narinig kong sabi ni Geana.

"Kug mahal mo ang isang tao, Geana. Mahahanap at mahahanap mo siya. Dahil pagtatagpuin kayo ni tadhana." Sabi ko at umalis na ng tuluyan sa tapat ng bahay na iyon.

Kailangan kong mahanap si Jackie.
Kailangan pa ba talaga namin dumating sa punto na ganito?

Mahal ko si Jackie. Get it guys? Matagal na! Nag-hihintay lamang ako ng chance.

Pero sinayang ko yung chance. Bumigay ako dahil lang sa takot. Bakit di ko yun naisip? Na si Geana ang takutin ko?

Nasa huli talaga ang pagsisisi.

***

A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon