Chapter 17

19 2 0
                                    

Chapter 17

(Jackie's Pov)

Wednesday na, bat ba ang bilis ng panahon noh? Haha!

"Omg! Malapit na ang valentines!!!"

"Sino kayang magbibigay sa akin?"

March na ngayon eh.. (Bittermode: on)

Pero serious, february na..

Si Ajay pa rin kasama ko. Wala pa rin pagbabago.

"Jackie, mamaya. Punta tayo sa mall." sabi ni Ajay sa akin at umakbay.

Hinayaan ko na lang yun dahil sanay na ako, at the same time, parang feel ko, safe na safe ako sa kanya. :)

"Kung hindi busy." sabi ko at nginitan siya, kinurot naman niya pisngi ko.

"Sige. Hoy, una ka na. May pupuntahan lang ako." sabi niya at tinap ako sa balikat saka umalis na siya.

Maaga panaman, kaya doon muna ako sa rooftop ulit.

Pumunta na ako sa rooftop, at pupunta na sana doon sa may bench kaso nagulat ako sa taong nakaupo doon.

"Buti naisipan mong pumunta rito." sabi niya at ngumiti ng pagkapait.

Tumayo siya at lumapit sa akin saka hinawakan ang kamay ko.

*DubDubDub*

Ito na naman, yung puso ko. Tumitibok kapag siya na talaga katabi ko.

Namiss ko ang mainit at malambot niyang kamay. Pwede bang maging kami ulit?

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya, baka kung sino pa ang makakita.

"Bakit ka nandito?" sabi ko at umiwas ng tingin.

"Mag-usap tayo." sabi niya at hinila ako papunta sa bench pero hindi masakit.

Hayss.. Para matapos na itong pangungulit niya sa akin, siguro, kailan ko na talagang kausaoin siya.

Umupo ako at umupo rin siya pero hawak pa rin niya kamay ko.

"Ackie... Sana makinig ka sa explanation ko, please..." pagmamakaawa niya.

Tumingin ako sa kanya at nginitian siya ng mapait.

"Go." sabi ko at nag-ready ng makinig.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsimula na.

"Sorry. Ang totoo niyan.... Hindi dapat magiging kami ni Kristine. Dapat tayo pa rin, kung hindi ka lamang bumitaw. Tayo pa rin dapat. At oo, tama sila na nag-gagala ako kasama si Kristine, pero may reason yun. Kaya naging kami ni Kristine gawa ng mga magulang namin. Pinilit kami na pumayag alang-alang sa kompanya. Alam mo namang bumabagsak na company nina Dad diba? Tapos that time. Pinapili ako ni Dad kung ikaw ba o si Kristine. Kung ikaw raw ang pipiliin ko, paaalisin ka raw dito sa pilipinas at dadalhin sa malayo sa akin. At, yung pamilya mo, babagsak. Kaya si Kristine na lang pinili ko. Ayaw ko naman yun mangyari sayo eh, pati kina Tita. Mahal ko kasi kayo, lalo na ikaw." explain niya at tumulo ang traydor kong luha.

Pinunasan niya ito at hinarap niya ang mukha ko sa kanya.

"Sorry. Gets mo ba?" sabi niya ulit at dinikit ang noo ko sa noo niya.

Tumango ako kahit masakit.

Tanga pala ako... Tangang-tanga.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong niya at ngumiti ako saka tumango.

"Eh..... Bakit magkasama kayo ni Ajay araw-araw?" tanong niya at alam kong sa boses niya ay nagseselos siya.

Lumayo ako sa kanya at tumingin sa langit.

"Tinutulungan niya lang ako maging masaya." sabi ko at ngumiti.

"Ackie..." sabi niya at hinawakan ulit kamay ko kaya tumingin ako sa kanya.

"Pwede bang maging tayo ulit? Kahit yung palihim? Tayong dalawa lamang ang may alam..." pagpapaalam niya.

***
A/N: Vote and comment. Thanks :)

You Melt My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon