Chapter 40: Lost in a sea of emotions

311 4 3
                                    

Hello guys! Kumusta naman ang pagbabasa niyo nitong story? Is it getting better? Or is it getting boring to read? Ummm, comments? Feedbacks? :)

Sorry for the typos.

Okay enjoy reading!

---------

Pinagsalit ko ang tingin mula sa suot ko papunta kay Mervin.

"Are you kidding me?" pinagtaasan ko siya ng kilay habang pinapanood ko yung ekspresyon ng kanyang mukha. Nakatakip siya sa bibig niya habang mukhang sinusuri ang suot suot ko.

"What?" tanong nito at napatawa ng kaunti. "Ano namang mali sa suot mo?"

Itinuro ko ang suot kong damit. "Tinatanong mo ako kung anong mali? Itong lahat!" I exclaimed at babalik na sana ng banyo pero napabalik ako sa kanya ng hilahin niya ako sa kamay.

Kinaladkad niya na ako palabas ng guest room pababa ng hagdan kung kaya ay hindi ako makapalag dahil kung hindi ay baka magpagulong gulong kaming dalawa dito.

"Bitiwan mo nga ako." Tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. "Bat pa kasi kailangan magganito?" naasar kong tanong habang ibinababa ko yung skirt ng dress na suot ko.

"You didn't have any problem wearing a cocktail at the ball right?"

"Iba naman kasi yun no. May tinatawag po tayong 'compulsary outfit'." sabi ko habang ginagawan ng quotation marks yung paligid nung compulsary outfit.

"Well based from the contract, you'll do whatever I want you to do and it's not affecting any of your rights." he reasoned out na agad kong ikinatalo. Pag talaga inilalabas niya na yang kontrata na yan eh wala na akong maisagot dahil nakasulat nga sa napagkasunduan yung ekstaktong sinabi niya. Nakakaasar eh no? "At saka ano bang pinoproblema mo, eh bagay mo naman?" Mas pinili kong hindi pansinin yung sinabi niya na bagay ko daw eh kasi naman no yung mukha niya habang sinasabi niya yun, mukhang hindi nagsasabi ng totoo.

"Uhm, eh di ba, mangongopya ka ng notes?" tanong ko sa kanya.

"Sila manang na ang bahala dun, halika na." sabi niya at saka hinila akong muli. Ngayon naman ay palabas na kami ng bahay nila. Nakita kong nakapark na yung kotse niya sa labas ng gate.

"Pasalamat ka talaga at flip flops ang pinasuot mo." bulong ko bago ako pumasok sa loob ng kotse. "San ba tayo pupunta?" tanong ko nung inumpisahan niya nang paandarin yung kotse.

"Sa school." walang tinginan nitong sagot na siyang nakapagpaalma sa akin.

"Sa school? Akala ko ba sabi mo eh hindi ka papasok tapos ngayon eh sa school naman pala tayo pupulutin?" hindi makapaniwala kong tanong. "Eh di dapat uniform na lang pala yung isinuot natin!"

Sinulyapan niya ako bago muling ibalik ang tingin sa kalsada. "Chill and just relax will you?" nakangisi nitong sabi.

"Last time na sinabihan mo ako ng chill ay may nanabunot sa akin." I said more like to myself na obvious na mukhang hindi niya narinig dahil hindi siya umimik at nagconcentrate na lang sa pagddrive.

Ilang minuto ang nagdaan hanggang sa patayin niya na yung engine. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid pero walang kahit na anong bahid ng St. Celestine.

"Wala naman tayo sa St. Celestine." nagtataka ko tanong at dun lang siya tumingin sa akin. Kumunot yung noo niya.

"Wala naman akong sinabing dun tayo pupunta. Lumabas ka na." sabi pa nito. Oo nga naman pero natural lang naman na i-assume kong dun kami pupunta pag sinabing school di ba? Pinagbuksan ko ang sarili ko dahil natural na hindi gentleman itong kasama ko. Hindi ko naman hinihingi na maging gentleman siya dahil kapag man mangyari yun paniguradong katapusan na ng mundo.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon