Chapter 44: That thing called DUDUG

239 4 1
                                    

Okay! Here's an update! Hihi. Thanks kay @amodernlove for wishing me to get well soon. I am now well.. hehe. So heto na ang bunga ng kabaliwan ko.. haha. This story feels like taking forever. Feel niyo rin? xD

--------

I could go on forever with my rantings pero set that aside for now. Asa campus circle kasi ako para i-lead ang inspection sa ginagawang ferris wheel dito and since wala naman akong kaalam alam ay nananahimik ako habang ipinapaliwanag ng engineer ang mga gagawing safety measures kung saka sakaling magloko ito. Psh, ano namang nalalaman ko rito?


"Mas mabuti siguro kung maglagay tayo ng mga bantay na may alam sa mga ganitong bagay so in case na mangyari po yung sinasabi niyo ay hindi magpapanic ang council dahil pinapangunahan ko na po kayo na wala kaming alam sa mga ganitong technical na bagay." pagsasaboses ko which earned me a warm smile from the engineer.

"Magandang ideya yan. Pero sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama sa foundation day niyo." ani nito na tinanguan ko lang naman.

Hinawakan ko ang hard hat na suot ko nang tingalain ko ang ginagawa nilang ferris wheel. It's huge alright at kung ikukumpara ko ito sa mga huling ginawang ferris wheel nila dito ay masasabi kong it's like three times bigger. Mas maliit nga lang siguro kung ikukumpara sa ferris wheel nila sa London pero ang masasabi ko, mas mataas ito kumpara sa six floor building dito.

"Aasahan po namin yan." nginitian ko ang engineer at nakipagkamay sa kanya hudyat ng pagtatapos ng pag-uusap namin.

Tumalikod na ako at doon ko nakita ang nakayukong si Mervin. Hawak niya ang magkabila niyang tuhod habang hinahabol ang kanyang hininga.

"I came here as fast as I could." sabi nito bago humigop ng hangin at tumayo hawak ang kanyang balakang.

Nilagpasan ko siya noon. Hindi kasi nakapunta ang presidente ng St. Celestine so sino pa bang aasahan na pumunta dito kundi ang nag-iisang anak niyang lalaki hindi ba? Pero hindi na ako umasa. In fact, inaasahan kong hindi talaga siya darating dito pero ano namang kinaibahan nun kung late naman siya. Kung sa klase, it's as good as being absent.

Napaharap ako sa kanya nung hindi ko inaasahang higitin niya ako sa braso.

"I'm here," tinaasan ko siya ng kilay at nakita kong lumingon siya sa likuran niya bago ibalik sa akin ang kanyang tingin. "Tapos na pala kayo." he smiled sweat dripping on his temple down the side of his fair cheek. Kumurap ako at nilunok ang kung ano mang asa aking lalamunan.

"Oo, kakatapos lang. Now, I have a class to catch up." sinasabi ko yun habang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Tinalikuran ko siya at tinanggal ang suot kong hard hat at inabot yun sa napadaang lalaking naka construction uniform.


Nakarating ako sa tapat ng building ko. Hindi ako usually tumitigil para lang tingalain ang building na to dahil dumederetso agad ako sa loob ng elevator sa loob. Pero just this once, ay tumingala ako ngayon at hindi nga ko nagkamali. Someone's waving on the third floor. Hanggang chest niya lang yung sementadong railing kaya naman kitang kita ko ang paglabas ng dibdib niya habang sobrang lapad ng ngiti niya. He then mouthed the word sorry at napangiti na lang ako.

I really need to go to my class dahil late na ako dahil sa meeting ko kanina sa engineer. Kaya minabuti ko na lang na tawagan siya. Nakatingala pa rin ako nun at nakita kong ilabas niya yung phone niya habang turo turo ito. 'It's you!' he mouthed.

"Hey." I muttered walking the three stairs.

"About earlier, I'm really sorry." sabi nito na may diin sa salitang really.

"Okay lang yun ano ka ba."

"Uhm, babawi ako sayo okay?"

Napatawa ako. "Pano?"

"I'll buy you a cheese flavored ice cream."  I can sense that he's already smiling.

"You know, I have a class right? After that, I still have to go and train." sobrang jam-packed kasi ng schedule ko. I study as well as research for my thesis, I'm supervising the Hallooween preparation, I'm training for the year end tournament for basketball, I'm working as someone's fake girlfriend. Halos wala na nga akong oras para kumain at magpahinga.

"Basta, ako na bahala." he said and ended the call.


Ang dami talagang nalalaman ni Tommy. Hindi ko alam kung bakit siya nag-eeffort para magsorry eh hindi naman talaga niya ako kailangang samahan sa inspection kanina sa ferris wheel. Ang totoo niyan ay nagpresenta siya na samahan ako, pero nagkataon naman na parehong oras yung presentation nila ng project sa panel. I find it sweet actually, pero sweet is really not my thing. So~ I don't know why he's going through all this at napakabig deal ng hindi niya pagsama sa akin. It's like a mortal sin or some sorts and he needs to make-up for it.


Pagkatapos ng klase ay dumeretso agad ako sa locker room para magpalit ng damit. Pumunta na ako sa court at nadatnan kong nagstretching na sila Red at Pen habang sila Ken at Timmi ay nakaupo sa bench with the other trainees.

"Asan si coach?" tanong ko at binagsak ang duffel bag ko sa bench katabi nila Ken.

Tumunghay sa akin si Timmi. "Baka nakikipagblind date? I heard it's the new thing right now. You know coach doesn't want to be an old maid right?" 

My jaw actually hung on mid air nang marinig ko yun. "So mas importante na ngayon ang paghahanap ng mapapangasawa kesa sa tournament?"

"Maybe." sabay na tugon nila Ken at Timmi sabay kibit balikat.

"Huwag kang mag-alala, nag-iwan naman siya ng mga drills na gagawin natin eh." sabi ni Red habang naglalakad. May kung anong kinuha siya sa bulsa ng bag niya at inabot sa akin ang isang papel.

Nakakunot noo ko siyang tinignan at tinanguan naman niya ako as if saying na I should look for myself.

Lahat ng nakasulat dun ay mga drills para iimprove ang stamina namin. Twenty laps sa buong campus. Fifty push ups everyday. Squat hopping. Dribbling for 30 minutes. Ball passing for 20 minutes. Shooting practices: 1 Style of shooting at a time for 100 attempts. One fall out, repeat from the start.

Note: Red does the jump ball.

"What? Anong nakasulat?" tanong ni Timmi. "And what's with the face?"

"Pinapatay niya na tayo." I murmured habang tumatango.

"Let me see." inagaw agad sa akin ni Timmi yung papel at maging siya unti unting lumalaki ang uwang sa bibig habang nagbabasa.

"Is she planning to kill us before the actual game!?" tanong nito.

"It's probably not that bad." tugon naman ni Pen at kinuha ang papel. After a while her expression didn't even change a bit. Pero sabi niya, "Great she's a monster."

"Sinabi mo pa." matawa tawang saad ni Red.

"So are we gonna do the drill or what?" tuon ko sa kanila. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan nila.

"Papayag ba tayong matalo?!" sigaw ko.

"Hindi!" pasigaw naman din nilang tugon at ipinatong ang kani kanilang kamay sa ibabaw ng kamay ko.

"Anong ginagawa niyo?" tuon ko sa mga bench players at inudyukan silang makisali. Hindi naman pwedeng tutunganga lang sila rito. Paano na lang kung may ma-injure sa amin? Huwag naman sana. Andyan sila para bumack up kung saka sakali.

Ngumiti sila at nakisali sa amin.

"Red Harpers for the championship! Red Harpers for the win!" we tossed our hands up and cheered.

"Now give me twenty laps!" Pinangunahan ko sila sa pagtakbo palabas ng court.

We started slow and ran fast when I blew my whistle. Ganun ang ginawa kong pacing namin. Alam ko namang hindi kami basta bastang mahihirapan dahil sanay na kami sa pagtakbo, yun nga lang ang inaalala ko ay yung mga novice ng team.

I blew the whistle again and we slowed down as we jog.

Naramdaman kong may tumabi bigla sa akin kaya napatingin ako doon.

"Umalis ka dito." I said under my breath as I fix my eyes in front of me.

"Pano kung ayoko?" I felt him grin and I don't know how that happened.

I blew the whistle and I quickly increased my pace. Akala ko naiwan na siya pero nagulat ako nung wala siyang hirap na sumasabay sa akin. Hinipan ko ulit ang sipol at unti unti kong binagalan ang pagtakbo ko.

He jogged back para makatapat akong muli. "Hindi ka ba napapagod?" tanong niya.

"No." I exhaled.

"Ah, balak ko pa naman sanang dito ka pagpahingahin sa puso ko." parang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. I even heard a few snickers behind me.

I blew the whistle again and our pace quicken. Ano bang trip nitong lalaking ito at ginagawa niya to?

"Bat mo ba ko hinahabol?" rinig kong tanong niyang muli at nakita kong nangunguna na siya sa pagtakbo. Seriously? Ako pa ang nasabihang naghahabol ha?

I gasped for air before I answer.

"Ikaw nga tong humaha--"

"Eh pwede naman kitang sabayan?" and with that tinabihan niya akong muli sa pagtakbo.

Tinignan ko siya. "Ano bang trip mo?" nagsisimula na akong mairita sa ginagawa niya. Yung mga asa likuran ko puro mga nagpipigil ng tawa. Nakakabwesit.

"Trip ko?"

Mas lalo akong nairita nung magdrama siyang parang nag iisip habang tumatakbo. Tsk.

"Trip kong maging trip mo rin ako." he grinned. 

Dudug..

Teka, ano naman yun?

"Pwede ba?" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil nagsalita agad siya.

"Maging tayo?" nangunot ang noo ko.

"Ano bang--" tulad kanina ay pinutol na naman niya yung sasabihin ko. Aba magaling. Pisti.

"Dapat mong gawin para mapatawad kita sa pag-iwan mo sa akin kanina?" ANO??

Tungkol ba to sa nangyari sa campus circle kanina? Eh siya nga itong biglang nawala kasama ni Hana dun sa mall eh!

"Eh ikaw nga yung--"

"Babaeng cool at ngayon girlfriend ko na?"

Dudug! What the fuck was that!? Anong dudug dudug yan? Peste. I gritted my teeth. This is getting into my nerves isabay pa na napapagod na ako sa pagtakbo!
 
"Bakit di--"

"Na lang totohanin ang lahat?"

Dududug... My heart was doing drum rolls at alam kong dahil na ito sa pagod. What else could be the reason?

I was about to say, bakit di ka na tumigil!? Pero ano daw ang sabi niya?

"Puta Mervin tumigil ka na--"

"Sa pag-iwas sa akin.." Napatitig ako sa kanya at unti unting bumagal ang pagtakbo ko.

"Anong--"

"Sinasabi ko?"

"Tigilan mo nga-"

"Ang pagdugtong sa sentences mo?"

"Bakit mo ba to ginagawa?" tanong ko at hindi ko inaasahan ang pagsagot niya agad. Lalong lalo na sa sinagot niya mismo.

"I need you Veronica."

"Ayiih!" sabi ng mga teammates ko pero hindi ko na lang sila pinansin. Tumigil ako sa pagtakbo.

"You guys go on without me." sabi ko sa kanila.

Timmi looked back. "Basta huwag kayong magtatagal." at ngumiti pa ito ng malisyoso. Napailing na lang ako.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Mervin. "Anong pinagsasabi mo?" Hinawakan niya ako nun sa magkabilang braso at nilapit ang mukha niya sa akin. Napalunok ako.

"I need you so Hana will like me." he said directly into my face.

"So yun ang dahilan ng kontrata." I said more to myself than him pero mukhang hindi naman niya iyon napansin at lumapad ang ngiti nito sabay tango.

Alam ko namang ito talaga ang purpose nito eh pero hindi ko pa rin magawang paniwalaan.

"Bakit?" anas ko. Kumunot yung noo niya bago tumayo ng tuwid.

"Why what? Bakit? Nahuhulog ka na sa akin no?" he smirked.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tanga. Bakit mo pa kailangang gumastos sa akin kung pwede mo naman siyang ligawan ng harap harapan."

"Sa tingin mo ba hindi ko na yun ginawa? I've done everything but she always says that I'm just like a little brother for her."

"Hindi ko naman siya masisisi. Isip bata ka nga naman talaga." Napailing ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Whatever, you're comments aren't that important anyways." he said under his breath and I can't deny the fact that his words sting. So hindi pala importante ang mga sinasabi ko para sa kanya.

"Then why are you settling on me." tinanggal ko ang mga kamay niya sa braso ko at humakbang palayo.

But like what he said, he doesn't seem to care. "Tulad ng sinabi ko dati. You're like Hana." Ano namang pagkakapareho naming dalawa? Ang layo layo namin. She's something fresh, I'm bad news. She's lively and energetic and everyone seemed to love her and I'm nothing like that. And as if answering my unspoken question he says, "Both of you doesn't like me that way. Right?"

Tinignan ko siya ng mabuti. I snorted. "Psh, bat naman kita magugustuhan?" napailing ako bago tumingin sa ibang direksyon.

"See? Just my point! That's why I chose you. I won't worry about someone else's feelings. I just have to focus on Hana."

"Akala ko classified information ang lahat ng to?" I said just to shoot the topic on the trash bin.

"Coz, I feel like you should know. Hindi ka naman siguro maiinlove sa akin di ba?"

Lumipat yung tingin ko sa kanya. "Asa ka pa dude!"

He grinned. "That's my girl." I'm not your girl, I wanted to tell him. "So, can I trust you with this?"

Without thinking I said, "Yeah sure. I'd need some money anyways."

"Sabi ko na nga ba eh." he slap a hand lightly on my upper arm before running away.

Napatunghay ako at kung sa buong akala ko ay wala na siya, that's when he run towards me.

"I forgot something."

"Ano naman --" hindi ako napatigil sa pagsasalita dahil sa pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagdugtong ng mga walang kwentang salita rito.

I stopped because of the hand that cupped my face when he leant towards me to plant a soft kiss on my cheek.

"Thanks" he whispered before turning his back away from me.

Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib and I kept telling myself, "Pagod lang ako."  

(c) lyra_shin

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon