Chapter 23: Unexpected players

284 3 2
                                    

Super pasensya na at natagalan ang update!!! :3

I really did my best here. Sa una talaga walang laman ang utak ko. Haha.. Pero sana magustuhan niyo itong update! Mwah!

If you do, pwede niyong sabihin sa akin by typing a comment. :P

I'LL DO MY BEST TO UPDATE SOONER!

-L

--------------------------------------------------------------------

Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone. Medyo malabo pa yung paningin ko at nahihirapan pa akong makakita dahil masakit ang mga mata ko na normal na ata sa akin. Hmm.


Kinapa kapa ko yung paligid ko hanggang sa makaramdam ako ng parectangle sa may ibabaw sa may kaliwa ko.


Minulat ko ng kaunti yung mata ko at tinignan yung screen. Ang nabasa ko nga lang eh calling. Kaya wala sa wisyo kong inislide yung answer. Ang alam ko kasi sa ilalim na part yun kaya habang nakadapa eh tinutok ko yun sa tenga ko.


"OMEGEE!!! Ronnie!!!!!" halos maibato ko na yug cellphone sa pagkakahawak ko sa sobrang lakas ng sigaw sa kabilang linya. Para nga akong lumaklak ng kape pagkarinig ko pa lang at nabuhay kaagad ang dugo ko at nawala na lahat ng bahid ng antok sa sistema ko. "O em gee! O em gee!"


"Ano?!" iritable kong tanong, sabi ko na nga ba napakawrong move na ibigay ang number ko eh.


"Hintayin ka namin dito sa mall! Bilis! Bilis! Emergency to!!!" napatingin na lang ako dun sa cellphone nang bigla akong babaan ng tawag. Kung hindi lang talaga to kambal ni Tommy iisipin kong nakatakas na to sa mental eh.


Napakamot na lang ako sa ulo ko habang humihikab. Tinignan ko ang paligid ko at awtomatikong namulagat ang mga mata ko.


"Teka asan ako??" Napatayo ako agad at tinignan ang paligid. May malaking kama na may kulay puting bed sheets. Study table, laptop? Kelan pa ako nagkarun niyan? Hinanap agad ng mata ko yung pintuan at agad na lumabas mula doon.


Napabuntong hininga na lang ako nung matandaan ko yung sala kahapon. Nasa condo pa pala ako. Tss. Nakalimutan ko agad pero paano naman ako napunta sa kwarto eh wala naman akong natatandaang pumunta ako dun? Hayy...


Dumeretso ako sa maliit na kitchen para sana kumuha ng tubig na maiinum ng makita ko yung sticky note sa may labas ng ref. Napatigil ako sandali nung mabasa ko ang nakalagay dun.


'Kumain ka ng madamiang gaan mo.'
-M


Kinuha ko agad yung note at tinitigan iyong mabuti. Baka mali lang ako ng pagkakabasa. Pero kahit na anong gawin ko ganung ganun pa rin ang nakalagay. Napasabunot na lang ako sa buhok habang iniisip ang mga nangari kahapon.


"Ano bang nangyari??" muntik na akong matumba dahil biglang sumakit yung ulo ko sa kakaisip. Tss, tatanungin ko na lang yung mokong na yun pag nagkita kami.


Matapso kong maligo at magbihis ay nagtungona ako sa mall. Wala naman kasing ibang gagawin ngayon dahil suspended ang classes ngayon para daw mapaghandaan ang ball bukas. Pwe ang damo talaga nilang arte.


Hindi naman ako nahirapang makita sila dahil may isang babaeng kung makakaway ay parang aakalain mong siya yung pumapara ng mga naglalanding na eroplano sa airport.


I just rolled my eyes nung makita ko siyang may pagkalapad lapad na ngiti sa labi samantalang yung isang kasama nila eh parang nawalan ata ng kaluluwa.


"Naman Tim, ang balak ko eh matutulog ako buong araw." sinamaan ng tingin ni Red si Tim pero nagpucker lang naman ng lips ang babaeng excited na tinubuan ng mukha.


"Sobrang beauty sleep na yun Red," sagot nito at mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Red.


Kinuha ko yung isang upuan at dun umupo nang pagtaasan ako ni Tim ng kilay. "Anong ginagawa mo?" tanong pa nito. Medyo nataasan ko din siya ng kilay dahil sa tanong niyang yun.


"Uupo di ba halata?" sagot ko at bago pa man ako umupo ay tumayo na silang tatlo. Si Tim, Pen at Ken. Hinila ako bigla ni Tim kaya muntikan pa akong matumba.


"There's no time for that! It's shopping galore!" napatingin naman ako kay Red at malakas lang siyang bumuntong hininga pagkatapos umirap. Natatawa talaga ako pag umiirap na yan akala mo eh parang mahahati sa dalawa yung iniirapan.


Ginulo niya yung maiksi niyang buhok at pagkatapos eh tuluyan nang tumayo habang nakapamulsa pa sa baggy shorts niya. Di ko lang namalayan na may dala dala pala siyang sobrero at once na isuot na niya yung cap niyang may big bold font na KING ay wew, mukha talaga siyang lalaki. Nakamedyo loose pa din kasi syang shirt at hindi mo mahahalata ang dibdib niya.


"Ano?" iritable niyang tanong sa akin pero inilingan ko lang at saka naman ako hinila nitong si Tim.


Pucha lang pinagtitinginan kami ng mga babae pati nung ibang partner nila. Nakacap din kasi ako ngayon at di nalalayo ang itsura kay Red samantalang itong dalawang kasama namin na sina Pen at Tim eh nakablouse at simpleng jeans kay Pen at skirt naman ang kay Tim. Si Ken? Wag na pansinin yan parang lost in the world of her lollipop ang loko. Nakajumpers lang siya at nakaponytail ang buhok. Mukhang tomboy.


Yun nga lang kami talaga ni Red ay mukhang lalaki. Basically alam na siguro kung ano ang umiikot sa ulo nitong mga taong napapatingin sa amin.


"Dito tayo!" halos madapa ako sa panghihila ni Tim sa akin sa loob ng isang boutique hindi ko naman na pinapansin kung anong pangalan ng mga pinapasukan namin ang mahalaga itong tinitinda nila. Puro dress at kung ano ano. May mga maskara pang nakasabit kung saan. Mukhang goth nga eh.


"Good morning po. Ako po si Bree. Personal sales lady niyo po. kung may gusto po kayo---" hindi na natapos yung babae sa sasabihin niya ahil nagwave na si Tim.


"Kaya na namin to." sabi niya pa at kinaladkad ako patungo sa isang mannequin na may suot na cocktail dress. Kulay yellow. Ang sakit sa mata. Tss..


Di din nagtagal at tinanggal ni Tim ang pagkakahawak sa kamay ko at dumeretso doon at pinaglawayan yung dress. Ewan ko sa babaeng to ang galawgaw.


"Ano?" tanong ko kay Red na mukhang nayayamot na sa kinauupuan niya. Tinabihan ko na lang siya habang pinapanood sila Tim na pinipilian si Pen ng damit.


"Tss. Ayoko talaga sa mga ganito." sagot niya at mas ibinaba ang sombrero nito para na rin siguro iwasan yung tingin nung saleslady.


Gusto ko sanang matawa eh coz I can sense that the saleslady is checking her out. Hahaha. Di naman kasi to tomboy, ganito lang talaga ang sense of fashion niya, namin.


"Gusto mo lumabas muna?" tanong ko at yung mismong time na umangat ang tingin niya sa akin ay napansin kong kuminang yung mata niya. Hindi ko na tuloy napigilan at napatawa na lang ako. "Sige paalam muna tayo sa tatlo."


Pagkasabi ko nun ay sabay na kaming tumayo at pinuntahan nga namin sila Tim.


"Hmm," napatingin ako kay Red. "Titingin muna kami sa labas." katulad ni Red ay para ding kuminang ang mga mata ni Tim.


"Ohhh! Mabuti naman at nagkainteres kayo!" tinago ko na lang yung ngiti ko sa pamamagitan ng pag-iwas ng tingin. Akalain mo naniwala agad. Haha. "Kita na lang tayo sa second floor mamaya ha!"


So bale nung makaalis na nga kami eh ang ginawa lang namin ay kumain sa isang fast food. Hindi pa kasi ako nakakain ng almusal at saka ito namang kasama ko ay ayos lang daw kahit saan basta daw huwag sa tulad ng pinasukan namin kanina.


Habang umiinom ako ng coke eh tinitigan ako ni Red na para bang nang-aakusa siya sa isang bagay pero wala naman siyang sinasabi.


"Seryoso na ba kayo sa ligaw na yan?" kumunot naman yung noo ko sa tanong niya. "Seryoso ba si Mervin sa panliligaw niya sayo?" gaya kanina ay gusto ko siyang tawanan. Hindi naman kasi totoo yung sinasabi niyang ligaw eh. Kung pwede lang sanang iklaro sa kanya pero hindi naman pwede dahil magmemenopause na naman ang mokong.


Kaya nangibit balikat na lang ako pero hindi pa pala dun natatapos ang lahat.


"You know that you're like a sister to me." napatigil ako sa pagkuha ng french fries sa sinabi niya. A sister? Me? Tama ba ako ng narinig. "Kaya sabihin mo sa akin kung ginago ka nung Princeton na yun at ako mismo ang reresbak sa kanya." pagpapatuloy niya.


I popped the french fries in my mouth at nginisian siya. "Subukan niya magakakamatayan kaming dalawa."


I didn't mean that tulad na lang sa isang relasyon. Ang ibig kong sabihin ay pag ginago niya ako sa bayaran pati na rin sa pinangako niyang magiging akin yung condo na yun.


Pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami sa quantum at nagpakarga lang si Red ng card niya at yun umarangkada na kami sa paglalaro ng basketball. Ito lang naman ang inienjoy kong laro eh. Padamihan kami sa loob ng 60 seconds.


Habang tumatagal eh, dumadami na yung nanonood. Hindi naman tumitigil yung pagpaglabas ng bola kasi pagkatapos ng 1 minute eh bago na naman. Nawalan ng hustisya yung padamihan sa loob ng 60 seconds dahil nakalimutan ko nga palang inubos na ni Red ang laman ng card niya sa larong to.


Tss. Makakalamang siya tapos matatabunan ko din naman. Ganun naman lagi. Para nga lang kaming nagwawarm up dito eh. Naririnig ko na ngang nagsisigawan yung mga tao sa paligid tuwing makakashoot kaming dalawa which is in every attempt nangyayari. Nakasalalay lang talaga sa bilis magshoot kung makakalamang.


Di nagtagal ay ngalay na ngalay na yung kamay ko sa sobrang dami ba naman nun. Tapos eksakto din namang tumigil yung time after ilang shots at hayun ang daming tickets ang lumabas. Pshh.


Haharap na sana ako kay Red para makipaghigh five ng biglang may humarang sa akin.


Babae. Pssh..


Nanlaki lang naman yung mata ko nung una dahil hindi ko inaasahan yun pati din kay Red may mga nakapalibot na babae. Mas matangkad talaga siya at tindig lalaki pa. Kaya di imposible.


Pansin ko namang para na naman siyang iritable at panay baba ng suot suot niyang sumbrero. Hinawi ko naman yung mga babaeng nagha-hi at nagsasabi ng kung ano ano sa akin para makarating sa kanya. Kukuhanin ko na sana ang kamay niya ng biglang may umubo.


Kadiri lang. Napatingin ako dun at nakita ang tatlong lalaking nakalokog ngisi sa amin.


"Laro tayo." sabi nung asa gitna at saka biglang ngumiti. Nagsigawan naman yung mga babae sa paligid. Mukhang tanga lang?


"Pasensya na pare pero katatapos lang namin." sabi ko at tumabi kay Red para makuha ko yung braso niya.


Paalis na sana kami nung biglang iniharang nila yung katawan nila sa daraanan namin. Napatingala na lang ako dahil ang tangkad nilang tatlo.


"Oh, kahit isang laro lang?" tanong nito habang nakatingin sa katabi ko. Kay Red.
Narinig ko na lang na magtss si Red habang nakaiwas ng tingin. Nararamdaman ko na na mas dumudoble ang bad trip nito eh. Tho, hindi ko alam, sanay naman to sa mataong lugar. Baka pangit lang ang gising.


"Hindi nga pwede, kailangan na naming umalis." sabi ko at tinulak sila.


"Sige." lumipat agad ang tingin ko kay Red at ang talas ng pagkakatingin niya dun sa lalaking asa gitna.


Ngumisi naman yung lalaking asa gitna ng malapad at siyang nagswipe sila ng kani kanyang card. Sinagot na din nila ata yung amin.


Kung titignan ng mabuti medyo pamilyar sa akin ang pagkasingkit nito. Napansin ata nitong nakatingin ako sa kanya kaya lumipat sa akin ang tingin nito.


Ngayon, actual game na ito. Paramihan daw ng puntos. Hindi na sumali yung isa dahil unfair daw. Tss. kaya bale kaming apat lang ang maglalaro.


Nag-umpisa ang pagshoshoot at naririnig kong tilian nung mga babae eh sinisigaw nila ang pangalang Troy at Chris. Baka itong mga lalaking to yung tinutukoy nila?


Sh.t. Napamura ako nang hindi pumasok ang isa kong tira. Dapat kasi hindi ko na lang pinapansin eh.


Matapos ang ilang minuto well five minutes to be exact. Partida, ngalay na ngalay na yung kamay ko kakashoot ng bola. Napansin kong humarap sila sa amin at nakakuntodong ngisi pa rin yung singkit pati na yung kasama niya.


"325, Kayo?" tanong niya at napatingin naman ako sa scores namin.


"289." bulong ni Red.


"O nanalo tayo pare!" Sigaw nung nakalaro namin na lalaki na katabi nung singkit.


"Yeah." kinuha lang nung kasama nila yung tickets, tapos naglakad na sila palayo. Yung ibang babae nakasunod lang sa kanila.


"Ganun ganun na lang yun?" tanong ko sa sarili ko na may halong pagkairita. Natalo nila kami? Ugh!


"Tss. Partida. Lika na nga." rinig kong sabi ni Red bago tumalikod. Nararamdaman kong masama talaga ang gising ng isang to.


"May sinabi ba kaming umalis na kayo?" Aba't ang tigas ng mukha nito ah! Napaharap ako sa kanya at nagulat sa tumambad sa akin. Actually hindi lang ata ako kundi pati na rin itong si Red eh nagulat at nanlalaki pa ang mga mata nila.


"Thank you. That was a good game." sabi nung singkit kay Red. Tapos tama ba itong nakikita ko? Namumula si Red?


Ughh! Magugunaw na ata ng mundo!


"Ang cute mo talaga!"


"Ughh! Bitaw!" naiinis kong sigaw dahil pinisil ba naman ang magkabilang pisngi ko!?


"Okay bye girls! See you next time!" pamamaalam pa nung singkit na may kasama pang kindat. Paano kaya yun? Haixt. Tapos yung nagpisil pa sa akin ang taas ng energy at kung makakaway wagas masyado.


"Oh anong gagawin natin ngayon dito sa teddy bears?" napatingin ako kay Red at ang dalaginding ang higpit kung makayakap sa teddy bear!


Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon