Chapter 28: You and me, here

220 4 5
                                    

Oh di ba!? Back to back update! Dahil mahal na mahal ko kayo! Ajujuju. xD

Enjoy reading guys!

---------------------

Palihim akong napangiti habang napapailing. Ayos na yan. Mabuti at hallucination ko lang ang paglapit sa akin nitong lalaking ito kundi ay hindi ko alam ang gagawin ko, baka lang tumunganga ako habang nakanganga at nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

Masyado naman siyang matamis at talagang naggatecrash pa sila ng mga kaibigan niya para lang makantahan si Pen. Masasabi kong habang nakikita ko siyang halos mangiyak sa aking tabi ay masaya ako dahil alam kong kinikilig na yan kahit wala ito sa bukabularyo namin. Medyo natuwa nga ako kasi nakikita kong masaya si Pen kahit na umiiyak na siya sa likod ng maskara niya.

Ang alam ko lang ay talagang dumagundong ang buong auditorium nang tumango si Pen at akapin siya nung lalaking may gitara sa likod.

"I will, I would love to be your girlfriend." sabi nito. Napailing na lang ako. Pag ba talaga mahal mo makikilala mo kahit pa nakasuot ito ng maskara? Sabagay nga, sa tingin ko naman ay makikilala pa rin nila ang isa't isa kahit pa nakapikit silang dalawa kung may bond nang nagdudugtong sa mga puso nila.

Holy sh.t. Ano ba itong sinasabi ko? Napangiti na lang ako at tinignan ko sila sa huling pagkakataon bago ako magdesisyong tumalikod at hanapin na ang iba naming kasama dahil mukhang nagkahiwahiwalay kami. Saka isa pa, I have to clarify things out with Tommy. He's really boggling my mind with the words he's said these past few days.

Muling nagsitilian ang mga tao pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil abala ako sa paghahanap ng butas na malulusutan upang makalayo dito. Baka mamaya ay masira ko pa ang tinatawag nilang 'moment'. Mamaya ko na lang siguro lolokohin si Pen tungkol sa malafairy tale niyang gabi.

Nung makatalikod na ako ay agad din akong napaatras nang may mabunggo ako. Napahawak ako sa may tapat ng maskara ko dahil naramdaman kong umisod ito ng lagay sa mukha ko. Matapos ko itong ayusin ay tiningala ko ang taong nabunggo ko. Sinipat ko ng paningin ang suot niyang itim na suit at ang loose na puting polo sa loob nito. Nakabukas ang tatlong butones noon sa taas at ang supposed to be na black ribbon ay hindi tapos at nakalaylay lang sa magkabila ng leeg nito. Bago pa man dumapo ang paningin ko sa kanyang mukha ay napansin ko ang pagtaas nito ng mic at dun ko na lang napagtuunan ng pansin ang suot nito sa kanyang pulso.

Nangunot ang noo ko at tuluyang tumingin sa mukha ng lalaking asa aking harapan na siya ring nakasuot ng itim na maskara katulad na lamang ng mga kasama niya sa stage na kumanta kanina. Siya yung lalaking vocalist na halos yukuan ako kanina habang kumakanta.

"Pshh." turan ko at umiwas ng tingin.

"What's with the look?" wika nito at nanlaki ang mga mata ko.

"Ibaba mo nga yang mic. Naririnig ka ng mga tao." pasimple akong lumingon sa paligid at napansin ko ngang ang iba ay nakatingin na sa amin at mukhang inaantabayanan ang mga susunod na mangyayari.

"No. I can't." sabi nito sabay ngisi.

"Ibaba mo sabi." usal ko at sinubukang agawin ang hawak nitong mic pero naiwas agad niya. Curse him and his irritating jokes.

Nangibit balikat na lang ako at hayun humakbang ako patalikod at aalis na sana. Kung ayaw niya ibaba eh di ako na lang aalis. Ayokong mapahiya dito.

"Ano ba," rinig kong usal nito pero hindi na ito nakatapat sa mic kaya medyo mahina pa iyon. Naramdaman kong humawak ito sa braso ko at pinilit pa akong hilahin pabalik.

Pagkatingin ko sa kanya ay nakangiti ito. "Ano bang gusto mo?" tanong ko at nangibit balikat lang din siya. Next thing I knew ay kinabig niya na lang ako papalapit kung kaya ay muntikan pa akong masubsob sa dibdib niya. Nakayuko itong nakatingin sa akin habang ako naman ay nakatingala sa mga mata niya.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon