Chapter 7: Customer ko siya *edited*

956 22 6
                                    

"Anong inorder mo baby?"

"Uhm siyempre yung favorite mo! (^__^)a"

"Wow naman! Talaga!? (*Q*)"

"Sir, heto na po order niyo (++ -__-)"

"Miss, pwede bang ngumiti ka naman kahit konti pag nagseserve? Nakakasira ka ng view ehh"

"Tsk. Kung ayaw mong nasisira ang view mo pumikit ka na lang. O kaya lumayas ka dito" 

"Anong sabi mo??"

"Ah, Baby huminahon ka huh.. (^__^) "Huy anong problema mo? (?^?)" 

"Wala Min. Asikasuhin mo na lang yang customer mong kulot"

Tsk. Ang yabang talaga ng mga lalaki kala mo kung sila ang nagmamay-ari ng mundo.

"Uy Nene-chan, anong nangyari dun?"

"Wala manager, hindi nagustuhan yung pagmumukha ko eh"

"Haha. Imposible naman ata yan! Kaw kaya best girlfriend of the month nung nakaraang buwan?"

"Ah manager, pwedeng off limits muna sa pagiging gf for the night? Kitchen duty na lang ako pwede?"

Ayoko talaga muna mag-asikaso ng mga customers ngayon eh..Kung pwede nga lang ayoko din makakita ng lalaki. Nagdidilim kasi ang paningin ko pag nakakakita ako eh. Buti nga nasaway pa ako ni Min kanina kung hindi natuwid ko yung buhok ng kulot na yun. Tsk.

"Hindi pwede!" 

"Hindi rin mukhang ayaw niyo kung patungtungin dun ahh."

"Hindi! Hindi naman! " umiling iling lang siya ng sobrang bilis habang winawagayway sa pagmumukha ko yung dalawang kamay niya. ?__? "Kung gusto mo mag-off ka na lang muna. Oh kaya tambay ka na lang dito sa ngayon!"

Wow! Pwede pala yun?

"Pero nakakahiya naman yun. Wala man lang akong gagawin?" 

"Okay lang yun kaw pa!"

So hayun nga, ako na ang dakilang tambay dito sa gf cafe at kasalukuyang lumalagok ng mainit na gatas dito sa counter. 

"Hehe"

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?"

"Wala (^___^)"picture this. Nakapatong ang dalawang siko ni Ren sa may counter table habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang pisngi at sobra kung makangisi. Weird niya no?

"Nene-chan! May customer! Asikasuhin mo."

"Ehhh!? Akala ko ba off ko ngayon?"

"Off mo nga, nakacostume ka pa naman eh. Saka kulang na tayo"

"Aish!" Ano pa ngang magagawa ko? Kesa naman nga tumunganga ako dito. Saka hindi ko naman maiiwasan ang tumingin o makakita ng mga lalaki ehh. Tsk.

Tinulak ko yung sarili ko mula dun sa counter table at bumaba sa kinauupuan kong bar stool. Nga pala. Hindi ko pa naubos tong gatas. Sayang, may bayad pa man din to. 

Tinagay ko na yung natitirang gatas at nung pagkababa ko nung baso todo ngisi pa din si Ren. Ano ba ang meron sa babaeng to at kanina pa siya nagkakaganyan?? Hindi ba sya nangangawit sa ginagawa niya?

Sheesh.. Tuluyan na akong umalis at naglakad papuntang dating section kung saan naruroon ang mga nakaayos na mesa na para lang talaga sa dalawa. Though meron din yung mga L-shaped couch na nakalagay sa dalawang corners ng room. Nakadikit yun sa pader at sa mismong malalaking salamin sa tabi ng entrance. Bale yung harap ng gfcafe gawa talaga siya sa salamin. Ok, clear na siguro?

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon