Chapter 18: You're like fresh meat and they're bunch of stupid hyenas

622 11 6
                                    

Wahhh! Ang aga ko mag-update ngayon ah! Hahaha. Mahaba ito. As in. 4 pages siguro. Wahahaha! Drunk update to kasi may hang-over pa. Haha. Kaya papasensyahan niyo na po plith? hihi

Mga batang nagbabasa nito wag niyo po akong gagayahin. haha

I want song suggestions. Love songs/cool songs na pwedeng gamitin sa student ball nila Ronnie. Haha. Ipupush ko ito. xD

Oo nga pala! Seriously? Ang bilis ng tinaas ng reads nitong story and that is because of the awesome people reading this. Oo ikaw po! hahaha! So seriously guys! Thank you!

Oo nga pala, pagpasensyahan niyo na po kung may errors, babalikan ko na lang po sooner rather than later. haha..

Ang haba na po nito! Yeah! Pasensya na po may baliw dito, xD ... Nga pala pansin ko lang ilang beses ko palang naendorse ang coke at royal sa last chapter. So alam niyo na ha.. haha..

Tama na nga! Okay babush na! Don't forget to give me a piece of your mind after. ;)

Happy Reading!

-L

--------------------------------------------------------------------------------------------

Panibagong umaga.


Panibagong simula.


Sabi nila, ang pagsikat ng araw ay nagsisilbing pag-asa para mag-umpisang muli dahil ang sinag ng araw ay pwedeng impluwensyahan ang tingin mo sa buhay. Dahil ito ay nagtataglay ng kakaibang ganda at init na mararamdaman ng katawan. Init na masarap sa pakiramdam.


Panibagong umaga...


Panibagong umagang kailangan kong kaharapin.


Batid ko mang ito ay tanda ng panibagong pahina sa buhay ng isang tao, pero paano ka mabubuhay ng maayos kung sirang sira ka na?


Tumunghay ako at dinama ang lagaslas ng tubig sa aking katawan, nananaginip na mabubura nito ang lahat ng marka na naiwan.


Nilingon ko ang pintuan ng makarinig ng kaunting ingay mula sa labasan, hindi ko iyon masyadong pinansin at pinanatili ko ang tingin sa itaas ng kisame. Tuliro.


Masarap ang pakiramdam ng pag-iisa, nakakapag-isip ka ng mabuti at napapansin mo ang kahit na maliliit na detalye ng paligid. Pero minsan nakakasawa na rin.


Sa sobrang pag-iisip ay kung ano ano na ang pumapasok sa utak. Pati mga detalyeng hindi na dapat pinapansin ay makakadagdag pa sa bigat ng pakiramdam. Nasasaktan ka na pero walang nakakaalam. Tanging mga kamay mo lang ang pwedeng yumakap sa iyo at umalalay sayo para tumayo mula sa pagbagsak.


Biglang lumakas ang mga kalabog. Napapitlag ako at agad na kinuha ang twalyang ibinalot sa aking katawan.


Binilisan ko ang pagkilos hanggang sa mapunasan ko ang aking sarili at makapagsuot ng damit pambahay. Nagpatuloy ang mga katok sa may pintuan at dali dali naman din akong pumaroon.


Wala naman akong inaasahang bisita ngayong sabado at wala naman talagang bumibisita sa akin dito dahil walang nakakaalam kung saan ako nakatira at iniiwasan kong may ibang makaalam, pwera lang si Tommy na naghatid sa akin dito kagabi.


Ano na naman kayang kailangan nitong lalaking ito?


Suot suot ang nakakainis na ekspresyon sa aking mukha para tuksuhin si Tommy ay sabay ng pagbukas ko ng pintuan.


Unang kita ko pa lang sa taong asa labas ay nabura na agad ang ismid na pumorma sa aking mga labi.


Kusang tumaas ang tingin niya sa akin habang nakasandal ang isang braso niya sa poste ng pintuan.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon