Chapter 24: Gross!

309 5 2
                                    

Okay guys, ang tagal bago ko maupdate to and I'm sorry. Huhubels. Ang tagal ng net at hindi ako makaporma. Medyo nabibiyak na ang ulo ko. haha. Kaya pasensya na kung hindi kagandahan. Hindi talaga ako masyadong tiwala sa mga pinagsusulat ko eh, to tell you the truth. Boring writer here.. Haha. So next update about the ball will be tomorrow. Hopefully maiabot ko pa.

So, how's your holidays? I hope you are happy and safe wherever you are. ;)

-L

----------------------

"Red meron ka?" tanong ko. Mukha namang nahimasmasan at agad tumingin sa akin mula dun sa bear na yakap yakap niya.

Actually pareho kami ng hawak na bears. Yun lang magkaiba ng kulay ng suot na shirt. Yung akin green yung kanya red. Parehas pang ang laki laki. Pinagtitinginan tuloy kami dito. Hindi niya ako sinagot pero mas namula ang loko.

Umiling na lang ako at hinawakan siya sa braso. "Tara?" tapos yun tumango lang siya.

Naninibago ako ngayon kay Red ah. Anong kayang klaseng magic ang meron ang teddy bears na to para magkaganyan siya?

Umakyat na kami ng 2nd floor ayun sa pinagkasunduan kanina at nakita naman namin sila Timmi agad na papasok sa isang panibagong boutique. Sumunod na rin kami doon ni Red habang yakap pa rin niya yung teddy bear.

"Oy, Tim, hindi pa ba kayo nakabili?" tanong ko at nung una niya kaming lingunin ay nakakunot noo siya pero eventually ay nanlaki ang mga mata niya at biglang kuminang ang mga iyon.

"O my gosh! Para sa amin ba yan?" tanong niya agad at napatingin naman ako dun sa bear.

Dahil naman sa sigaw niyang yun ay napatingin din sa amin ang dalawa pa.

"Where did you get those?" tanong ni Pen na mukha pang may iniisip na kalokohan at parang sinasabi ng utak niya na may kinita kami kaya nagpaalam kaming umalis kanina.

Paano ko nasabi? Obvious naman kasi sa mukha niya na ganun ang iniisip niya.

"Dream on Tim, pero hindi namin to binili para ibigay sa inyo." napatingin ako kay Red at mukhang bumalik na siya sa dati at ngayon ay nakaipit na lang ang teddy bear sa kili kili niya.

"Akala ko pa man din." hindi ko na siya pinatapos magdrama at tinanong ko ulit kung nakabili na sila dahil gusto ko na talagang umuwi at matulog. Medyo hapon na rin kaya tinatamad na akong maglalakad lakad o di kaya'y hintayin silang magsusukat.

"Ronnie, hindi mo ba alam na sinusuyod muna ang buong mall bago pumili?" pagkarinig ko nun ay agad na nagsalubong ang kilay ko at binigyan siya ng tingin na talaga bang seryoso siya sa sinasabi niya?

"Yeah, masakit sa paa pero enjoy naman." pagsang-ayon ni Pen at nakanganga akong tumingin sa kanya.

"Seriously Pen, ikaw nag-eenjoy?" pagkatanong ko ay inosente pa itong nangibit balikat. Napasapo na lang ako sa aking noo nang makita ko ang reaksyon niya.

"Mag-eend of the world na nga talaga." napailing na lang ako. "Pero guys, gusto ko na talagang umuwi. Bye!" sabi ko at tatalikod na sana ng may humigit sa akin pabalik.

Napatingin ako kay Tim na siyang nakahawak sa braso ko at napansin kong nakayuko siya.

"Walang aalis hanggang hindi pa nakakabili ng ball gown." bulong niya at nung tumunghay siya ay shet lang nakakatakot ang ngiti niya. 

"Ah, eh.. Ano ka ba. Mayroon na akong isusuot." Napamulagat naman siya at mukhang nagulat sa sinabi ko.

"Oh really? Great!" mentally ay napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Okay, kita na lang tayo tomorrow okay!" tuwang tuwa niyang sabi pero bago pa niya ako bitiwan ay mas hinigit niya ako at inilapit ang bibig niya sa tapat ng tenga ko.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon