Chapter 47: First LQ

109 4 1
                                    

Hi guys! May nakamiss ba sa update? Wala? Ganun? :( Okay Bye.. Charuut!

Kahit anong mangyari tatapusin ko to. Walang makakapigil sa akin! xD

Sana okay lang yung mga dinaanan ni Ka Lando. Ingat kayo guys!

-L

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Mervin. Nung higitin kasi ako nitong mga babae ay siya ring pagdating ni Hana sa tabi niya.

"Isuot mo to." inabot ko yung binigay sa aking kulay puting damit. Halos pareho lamang siya dun sa suot ni Hana. Ang pinagkaiba lang siguro ay ang disenyo.

Pumasok ako dun sa tent na pinasadya pa siguro para pagbihisan ng mga modelo. Panandalian akong napatigil dahil hindi ko maitatangging nagugulumihanan ako kung bakit ba ako pumayag na gawin ito. I don't like dressing up. Aminado ako sa sarili kong hindi ako sanay na humaharap sa camera, and posing in front of many people is pure madness.

"Paano ba ako nakasali rito?" I asked more to myself. Kung ano anong kolorete ang pinaglalagay nila sa mukha ko. Hindi ko na masyadong napapansin sa sobrang bilis ng galawan nila.

"Ano hindi pa ba kayo tapos!?" maarteng pasigaw na tanong nung bakla. Siya pala yung manager ng photoshoot.

"Malapit na bossing." sabi naman nung isang babaeng umaayos sa buhok ko. May nilalagay siyang kung ano sa magkabilang parte ng ulo ko sa ibabaw lang ng aking tenga. Mukhang maliliit na puting pakpak. Natapos niya nang itirintas yung buhok ko at gawing parang headband. May pagkadark yung make up ko marahil dahil sa madilim ang setting ng shooting nila.

"Okay everyone ready?? On your positions now." rinig kong utos ng photographer. Tumayo na ako matapos akong malagyan ng kung anong burloloy sa katawan. Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay ang gold arm and leg bracelet na pinasuot sa akin. Nakapatipot ito sa kabuuan ng aking braso at binti.

Above the knee kasi yung dress na pinasuot sa akin. Gold ang nangingibabaw na kulay ng damit ko. Halter pa ang likuran kaya ramdam na ramdam ko ang lamig ng paligid. Pakiramdam ko nga sisipunin ako dito e.

Lumabas ako mula sa booth at pagkatuntong ko sa bukana ng platform ay napatitig sa akin yung manager. "Ano pang hinihintay mo? Tanggalin mo na yang robe mo teh!" utos nito. Sumulyap ako kay Avi, yung salarin at siyang kaisa isang dahilan kung bakit ako nasangkot dito. Tumango ito at kinuha ko na iyong signal para hubarin yung nakapatong sa suot ko.

Agad akong napahila pababa sa palda ng suot ko. Sobrang dyahe naman kasi sabayan pa ng malakas na hangin.

"Sabi sayo eh." sabi ni Avi dun sa manager habang naglilean pa rito at nakaakap sa sarili sa isang bruskong paraan.

"So? Ano pang hinihintay niyo? Magpose na dali!" sabi naman nung manager at nagpakawala pa ito ng dalawang malakas na palakpak.

"Ang taray naman ng manager niyo." ani ko rito at lumakad palapit sa kinatatayuan niya.

"Huwag mong pansinin. Ganyan lang yan pag may nakitang pera." sagot nito.

"Pera?" naguguluhan kong tanong.

"Ready!" sigaw nung photographer. Nagulat na lang ako nung higitin ako ni Avi at hawakan ako nito sa aking tagiliran. Ang isang kamay nito ay sakop ang aking panga hanggang sa mailapit nito ang kanyang mukha sa akin at dumampi ang kanyang ilong sa aking pisngi.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa gulat. Para kasing biglang nagbago ang aura nito at biglang sumeryoso.

Nakarinig ako ng sunod sunod na click ng camera.

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon