I'm on fire today! Well, not literally but you know what I mean. xD
Three updates in a day? Wut?
Okay, chill guys, hinahabol ko na kasi to. Haha, mag to-two years na at hindi pa rin tapos kaya bibilisan ko na talaga.. XD
Saka, isang week din akong hindi nakaupdate kaya bumabawi ako sa inyo. See? That's how much I'm in love with you. xD
Kayyy, so much for my gooey message. Read on!
--------
I found myself gulping a large amount of juice from the punch bowl while sitting just in front of it. Naalala kong nanghila ako ng isang upuan sa malapit upang hindi na ako magpagod na magrefill ng inumin.
Napahawak ako sa aking pisngi habang nagpipigil ng tawa. Pakiramdam ko ang init ng mukha ko sa hindi malamang dahilan. Napahagikhik ako ng bigla kong maalala ang lahat ng nangyari kanina. They're taking too long up there at wala pa akong napababa ni isa sa kanila. I stopped giggling in the middle of my thought nung pumasok sa isipan ko yung mukha ni Mervin kanina. Bakit ko nga ba siya iniisip?
I remember how pissed he was, how empty his eyes were when he looked at me and how he spat those words in my face--that he will never care for a Veronica Jimenez. Should I be worried? Should I even be affected?
Nah. Not in any way.
I hiccuped when I glugged my last fill of the bloody juice.
"Oh God! What did you do?" napatingala ako sa pinanggalingan ng boses and immediately felt my head spin. Bat ako nahihilo?? "Inubos mo ba lahat ng laman nito?" Napatitig ako sa malaking crystal na bowl at binigyan ng malapad na ngiti si Red.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya naghihysterical bigla. "We have to take you home fast."
"Bakit ba?" Did I say the right words? Para kasing mali yung pagkakarinig ko eh.
"Mayroon ba sa inyong nakakaalam ng bahay ni Ronnie?" oh yeah! Nobody knows where I live. Err.. Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong kumirot.
"How come you don't know where your friend lives?"
"Shut up Troy."
"I know where she lives." napatitig ako kay Ven at nginitian siya.
"Ven!" I raised my hand at akmang tatayo pero muntik na akong madapa kung walang nakasalo agad sa akin.
Tommy's POV
Tumigil agad ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Ronnie. Dapat nga kaming dalawa ang magkasama ngayon dahil siya ang presidente at siya ang dapat na nag-aayos ng closing ng student ball.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses niya at napansing may isang lalaking nakaakap sa kanya. Kinagat ko na lang ang loob ng pisngi ko upang mapigilan ang mapamura. I didn't thought that this night could hurt even more like hell. Tatalikod na sana ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Hindi ko na iyon pinansin hanggang sa makilala ko kung kanino nanggaling ang tinig na yun.
"Tommy Garcia! Don't you take another step or I'll kick your butt back to our house." bahagya akong lumingon at sinamaan ng tingin ang kakambal ko. Kahit kelan talaga napaka bossy ng babaeng to.
"Ano na naman ba?" sigaw ko dahil asa kabila pa akong parte ng auditorium.
"Halika dito dali!" she commanded and I can't help but groan and just deal with her. Ano na naman ba kasing gusto nito? Aasarin na naman ba niya ako dahil may boyfriend na si Ronnie at naunahan ako ng Mervin na yun?
"Bakit?" iritable kong tanong nung sa wakas ay makalapit na ako sa kanila. Dun ko lang nalaman na hindi pala si Mervin ang umakap kay Ronnie kanina.
"Tnx Ven," boses ni Ronnie at dun ko lang napansing mukhang wala sa sarili nito si Ronnie. "Oh hi Tommy!" kumaway siya sa akin at nginitian ako. Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pwede ba, tumahimik ka muna. Nginitian ka lang nagrarambol ka na dyan.
"Hoy Tommy, ihatid mo nga tong si Ronnie sa condo niya." Condo? Sa pagkakaalam ko ay sa apartment siya nakatira. "I'm sorry Ven, I know you're nice and all but I'd rather have my twin take her home." ngumiti si Timmi sa akin ng makahulugan. She knows I haven't had time with Ronnie the whole night, but I don't like this idea.
I feel like I'm taking advantage of Ronnie's state and I'm not like that.
"That's cool." tugon naman nung Ven habang nakatitig pa rin kay Ronnie. I know that look and I don't like it.
"Sure." pagsasang-ayon ko na lang. I know Ronnie's safe with me. Wala akong gagawing masama sa kanya dahil ma--
"Tommy! Leggo home k?" napatigil ako nang maramdaman kong kumapit sa braso ko si Ronnie. She's so cute..
"You know what sweets do to her. Laklakin ba naman buong punch bowl." naiiling na saad ni Red. "If only I can drive her home myself." tinignan niya si Ronnie nun at agad na napasimangot ito. "But my stupid driver is not here yet."
Napatango na lang ako sa sinabi niya. Masyado talagang protective si Red sa kanya. Napapansin ko yun simula pa nung una ko silang nakilala. Iba na talaga ang pakikitungo ni Red kay Ronnie. Maybe because she'd treated her like a real sister.
Sabay sabay na kaming lumabas nun.
"Take care of her." sabay sabay nilang sabi at saka naman sila kanya kanyang sakay sa mga kotse nila.
Pinagbuksan ko na lang si Ronnie at dun siya napunta sa backseat habang kami naman ni Timz ay magkatabi sa harapan. We've decided to drive home para maibaba ko siya sa bahay at saka dederetso na lang ako sa condo ni Ronnie na on the way rin naman sa sarili kong building.
"Tom, mahal mo si Ronnie?" mabuti na lang talaga at hindi ko pa napapandar itong kotse dahil baka naibangga ko na to ng hindi ko namamalayan.
"Ano ba namang klaseng tanong yan? Baka marinig ka niya." napansin kong lingunin niya ang backseat bago mangibit balikat.
"She's asleep. She can't hear us. So you love her or not?" inilingan ko lang siya bago iswitch yung engine ng sasakyan.
"Alam mo puyat lang yan sis." tumawa ako bago ko ilabas sa kalsada ang kotse. Narinig ko pang maghmp si Timz at ayun sa peripheral vision ko nakatingin na siya sa labas ng bintana. Akala ko nga lang na mananahimik na siya. Yun pala hindi.
"You know Tom, I've known you since we're kids. We've been together for eighteen years!" nanatili akong tahimik habang nakafocus ang mga mata ko sa kalsada. "...And I know if not love, you really like our Ronnie. Who wouldn't? I like her."
Humalakhak ako matapos niyang sabihin yun. "Don't tell me you're lesbian." sinulyapan ko siya bago muling ibalik ang paningin sa labas. I saw her roll her eyes heavenwards.
"I was just saying na gusto ko siya as a friend. I would kill to have her as a sister. And what's a way for me to have that?"
"H-What?" I smirked nang mailabas ko na yung sasakyan sa mismong highway.
"You two marrying each other." nailing na lang ako. Mabuti na lang talaga at wala nang masyadong sasakyan ngayon.
"Timz, she has a boyfriend. If you can't rememeber, let me remind you she's with Mervin now." kahit namang alam kong ganun hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng panghihinayang. Nanghihinayang ako dahil sa mga oras na pinaglagpas ko kasama si Ronnie na hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman.
"Yeah, did you know about what happened with Ronnie? Those pigs!" sa panahong yun itinabi ko na yung kotse at pinatay ang makina.
"What pigs?" tinitigan ko ng mataimtim si Timz at agad siyang napasapo sa kanyang bibig. "Naumpisahan mo na wag mo nang ipagkaila." Nakita ko siyang magpout at yun nga kinuwento niya na lahat sa akin.
Agad kong naikuyom ang aking kamay at kung maaari ay gusto kong suntukin ang manibela pero ayokong makita iyon ni Timz kaya pigil na pigil ako sa sarili ko sa mga panahong ito.
"Uy Tom, ayos ka lang?" nanumbalik ang paningin ko sa kanya at nilingon si Ronnie na mahimbing na natutulog sa likod.
"Uhuh." I shook my head to clear my mind. Those bastards. May mabuti rin palang naidudulot ang Mervin na yun.
"Kung ako sayo Tom, habang maaga pa, unti untiin mong pormahan si Ronnie bago pa yan tuluyang mahulog sa ibang lalaki." sinulyapan ako ni Timz at alam ko ang ibig niyang sabihin.
Ginulo ko ang buhok ko at napasandal sa upuan bago muling paandarin ang kotse.
"Don't you think I'd come off as the bad guy?" pailing iling kong tanong.
"You're only the bad guy if you do something that will hurt the one you love and I know you'll only do good to Ronnie. So my answer would be no. "
"I'd really kiss you if I'm not driving sis." I snickered and I saw how her face turned sour.
"Yuck!"
Napangiti ako sa sarili ko sa ginawa niyang reaksyon. I'm sweet o'ryt but she doesn't like it when I say things like that.
Sinusuportahan niya pala ako sa nararamdaman ko kay Ronnie. That's good to hear. At least may isang boto sa akin para kay Ronnie.
Nakarating kami sa bahay pero hindi agad lumabas si Timz.
"Alagaan mo si Ronnie. Huwag mo siyang pagsamantalahan okay!?"
"Asa ka naman!" patawa patawa kong saad. Never in my wildest dreams that would happen.
"Just checking." she smiled at binuksan na yung pinto pero binalikan niya ako ng tingin. "Don't you have anything to say to the 'rents?"
Napaisip ako sandali. "Tell them to be okay." tinanguan naman ako ni Timz bago isara ang pinto.
Tinignan ko muna nun si Ronnie at napangiti na lang ako nung magkamot siya ng ilong. She does that when she's asleep. Paano ko nalaman? Ilang beses ko na rin kasi siyang napanood matulog. Idagdag pa na minsan ay natulog na rin siya sa bahay namin para tulungan si Timz sa isang project nung second year college pa lang sila.
That time they feel asleep on the sala. Kukumutan ko na sana siya nun dahil malamig pa naman doon pag gabi kaso bigla siyang nagkamot ng ilong. Ang cute niya nga eh pag ginagawa niya yun.
Ugh! Snap out of it Tommy! Kailangan mo na siyang maihatid sa condo niya.
Di nagtagal ay narating ko na rin yung condo na sinasabi kanina nila Timz. Medyo naiinis nga ako nung malamang mas naunahan ako nung Ven na malaman ang tungkol dito. Ayokong masamain yun pero paano nagkaroon ng condo dito si Ronnie kung sa totoo nga ay hindi niya naman afford ito? Hindi ko maiwasang maisip na baka pakana ito ni Mervin. He's rich. Hindi imposibleng bilhan niya ng unit si Ronnie. But, Ronnie allowing this to happen? Not very like her.
Pinuntahan ko si Ronnie sa likod at binuhat siya papasok sa building. Yung mga iba nga eh napapatingin sa amin. Pero wala na akong pakialam dun. We're decent people for crying out loud.
Narating ko na sa wakas yung 10th floor at may nakita akong lalaking nakasandal sa isang pinto.
1001, 1002,.. Napahinto ako sa harapan nung lalaki at kitang kita ko ang titig niya kay Ronnie na siyang lumipat agad sa akin. Di ko mabasa ang tumatakbo sa utak niya pero nakaharang siya sa daan.
"Pre, excuse nga. Nakaharang ka kasi." saad ko pero hindi pa rin siya umalis. Tumayo lang siya ng deretso mula sa pagkakasandal at hindi ko mapigilang ibaling sa kabilang kamay ang bigat ni Ronnie dahil kanina ko pa siya buhat simula sa first floor. Ayoko namang ilapag na lang siya dahil baka magising.
Nagalaw ng unti ang ulo nito at di ko na napigilan nang maalimpungatan siya. Nagpalipat lipat ang mga mata niya bago nito galugarin ng tingin ang mukha ko. Kita ko ang kinang doon na para siyang nakainum at ang pula sa kanyang pisngi.
"Tommy!" she beamed at me and I can't help myself but to smile too. Nagulat na lang ako nung bigla niyang ibalot ang kanyang mga kamay sa aking leeg at hilahin ako palapit.
Hinalikan niya ako sa pisngi at pakiramdam ko mapapalundag ako sa saya. Pero naalala kong normal lang pala sa kanya ang nanghahalik pag naparami ang kain niya ng sweets. Nakakainis lang dahil kinaumagahan makakalimutan niyang nangyari to tulad na lang nung mga ibang oras na ginawa niya ito sa akin.
Sa totoo lang panglima na to at mabuti na lang dahil naiiwas ko agad ang mukha ko pag manghahalik na siya. Ayoko namang maging first kiss niya tapos hindi man lang niya maaalala.
Napahiwalay siya sa akin nung may biglang umubo sa harapan namin. Napansin kong mangunot ang noo ni Ronnie at tumingin sa lalaki sa aming harapan.
"Yuu?" Mula sa akin ay bumaba ang tingin nito kay Ronnie at agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.
"Hey Nica." sabi nito at hindi ko na napigil nang lumundag siya mula sa pagkakabuhat ko at yumakap sa lalaking asa harapan namin. "Whoah." mukhang nagulat pa ito pero tinapik tapik naman niya ng mahina ang ibabaw ng ulo ni Ronnie.
Magkakilala ba sila? Oo, kitang kita mo na nga di ba? Tinatanong mo pa.
Kahit kasi wala siya sa sarili niya at nagiging isip bata, nakakakilala pa naman siya ng mga tao. Kaya naman hindi na lang ako umepal sa nangyayari.
"What took you so long?" tanong nung lalaki at nakita ko ang lapad ng ngiti ni Ronnie. Sino ba kasi to?
"Umm, I can't remember."
"Okay, enough Ronnie. You need to rest." Hinila ko siya sa isang kamay pero napatingin lang siya sa akin.
"Gusto ko laro tayong tatlo." she pouted and I almost awww-ed with cuteness.
Napatingin ako dun sa lalaki at tumango lang siya. I think we'll be babysitting tonight.
--
Di niyo inexpect na may POV si Tommy no? :P
(c) lyra_shin
![](https://img.wattpad.com/cover/7158323-288-k82990.jpg)