Chapter 4: She's the President *edited*

1K 29 12
                                    

“Oh ano nang gagawin natin ngayon? Bakit kasi hindi mo pa ibigay yung anklet ko?” sabi ko at ibinaling ang tingin sa kanya. “----Whoah te-teka anong balak mong gawin?? Lumayo ka nga!”

 

“Just stay still will you?” mahinahon niyang bulong hanggang sa unti unti ko nang nararamdaman ang bawat hininga niya. >__<

5 inches

4..

3..

2..

*POGSH!!

“Aray! Bakit mo ko hinead bat ha!? Aray ko! Tss” lumayo na siya mula sa akin habang hinihimas himas niya yung noo niya.

Inumpog ko kasi yung ulo ko sa ulo niya. Aba!? Ano siya? Sinuswerte? Ngayon ko pa lang siya nakilala tapos ganyan na siya kung umasta?

 

“Tss yan ang makukuha mo kung lalapit ka pa ulit sa akin tulad nun! Anong binabalak mo huh!? Hahalikan mo ko nohh!?”

“Tanga ka ba? Pupunasan ko yang dumi mo sa may mukha! Kung makakain kasi ng ice cream akala mo hindi nakakakain.”

“Aba’t ikaw pala yung tanga ehh. Malamang ganun ko kakainin yun? Nakakita ka na ba ng eating contest na pasexy dapat ang pagkain??”

Napatingin naman ako agad sa may side mirror. Tss.. Ang dungis dungis ko na tuloy. No wonder kung bakit pinagtitinginan ako ng mga tao kanina. Tss.

Pinunasan ko yung baba ko gamit yung yung braso ko.

“Tss akin na nga. Kababaeng tao walang panyo?” kumuha siya ng panyo sa may bulsa niya at saka bahagyang kinuha yung baba ko para punasan.

“Dapat kasi ang mga babae, hindi narurumihan *punas* dapat lagi silang maganda *punas* at dapat lagi din presentable tignan.” Sinasabi niya yun habang pinupunasan yung sa may gilid ng labi ko gamit yung panyo niya.

Ang bango naman. Ngayon ko lang napansin tong amoy niya. Hindi ko maipaliwanag yun bang para akong hinihila palapit? Napapapikit na yung mga mata ko at tanging yung amoy na lang ang natitira sa isipan ko

“So in love ka na ba sa akin?” napadilat ako agad.

“A-ano? Asa ka pa nohh! Lumayo ka nga!?” tinulak ko siya palayo at pinunasan ko yung parte na kanina pa niya hindi matapos tapos punasan.

“Uyy nauutal. Tinamaan ka na sa akin nohh? Hahaha!”

“Tss. Ang kupal mo! Akin na kasi yang anklet ko! Grrrr!” sabay hablot ko sana dun sa anklet ko kaya lang nakaiwas agad siya.

“Easy ka nga. Makukuha mo din to. Pag nagawa mo yung ipapagawa ko sayo”

Ms. MVP vs Mr. PLAYERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon