Nagshower muna ako sa may likod ng cafe. May connected kasing banyo doon para sa mga staffs para naman hindi kami nakikishare sa mga customers namin since lahat sila lalaki. Kaya nga tinatawag na gf cafe di ba? Tho, I guess may ibang tibong nagpupunta dito minsan.
Nung matapos akong maligo, dito na ako naligo kasi nawalan na ako ng oras sa school at late na nga ako kaya mas inuna ko na lang ang magpunta dito dahil alam ko namang may banyo at kompleto naman ako sa gamit sa bag, kaya pagkalabas ko sa cubicle, kinuha ko na yung binigay na costume ni manager sa akin. Goth ang theme namin ngayon. Ahy naku, yung uniform ko puro lace at hapit sa may tiyan at paballoon naman yung skirt. Sinama na rin pala niya yung mga gagamitin kong accessories, na yung parang belt bag na may cross bilang lock pati yung cuffs na gawa din naman sa telang itim tapos may mga ruffles pa magkabilaan. Sa buhok ko naman isuot ko na lang daw tong headband na may bungo na padding. Mukha naman akong tanga dito.
Buti na lang hindi ko binasa yung buhok ko. Ang hirap pa naman magpatuyo tapos every 5 minutes ata kinakalampag ni Manager yung pinto sa labas at tinatawag ako. Sa bawat kalampag, lalong lumalakas dahil nawawalan na kami ng customer sa bagal kong kumilos.
Nung marinig kong muling kumalampag iyong pinto halos tunog na ng tambol yung ginawang ingay kaya paniguradong nawawalan na ng pasensiya si Ririn. Alam ko anghel siya pero tao din na nawawalan ng pasensya pag nasagad kaya sumigaw na lang ako at sinabing lalabas na ako.
Isinuot ko na ang pinakahuling dapat suotin at yun ay ang leather boots na may lace ulit dun sa part na kumakagat sa may binti ko. Di ko alam kung saan nakukuha tong mga to ni manager.
Pagkatapos ko dun lumabas na agad ako at saka dumeretso ng locker para ilagay yung gamit ko. Nakasalubong ko dun si Ren at nakatingin siya sa akin. May suot siyang itim na headband na may maliit na sumbrero at feathers na kulay itim din. Saka nakaeyeliner siya na may glitters at itim yung kulay ng labi niya. Bat kaya hindi na lang sila maglagay ng design na pang halloween? Malapit na kaya.
Nginitian niya ako at nagulat ako sa sinabi niya.
"Nahanap mo na siya." deretsahan niyang sabi tapos yung mukha niya mukhang nasapian ng masamang espiritu. Ang ibig kong sabihin, parang hindi si Ren yung asa tapat ko ngayon at nagsasalita. May maliit na ngiti na gumuhit sa kanyang itim na labi at napansin niya atang nagtataka ako sa kinikilos niya.
"Ano-" tatanungin ko sana kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya pero bigla siyang pumalakpak at parang biglang nawala yung maitim na fog na bumabalot sa kanya at bigla siyang napatalon papalapit sa akin at saka ipinatong yung mga kamay niya sa magkabila kong balikat.
"Nene-chan, madami tayong customer. Bilisan natin okay?" kinindatan niya ako at patalon siyang umalis lagpas sa akin habang kumakanta ng lalalalalalala~ at hindi ko alam kung anong tuno yung ginagamit niya.
Napailing na lang ako at saka bumalik sa dapat kong ginagawa. Weird talaga yun kahit kelan.
Nung makalabas ako ng locker pinagtulakan agad ako ni Manager sa dating section at doon nakita ko ang isang buong grupo ng mga kalalakihan.
"Teka," napatigil ako at napatingin kay manager na nakatayo sa tabi ko at todo ngiting nakaharap sa mga grupo ng lalaking nakapamilog sa pinakamalaking mesa dito sa loob ng cafe. Kelan pa nagkaroon ng ganitong mesa dito? Sa tingin ko nga eh mga 6 silang nakaupo eh. Tapos may reserba pang isa. "Anong meron? Bat ang dami nila?" bulong ko ke Ririn pero dahil sa sobrang ngiti niya, naningkit na yung mga mata niya at saka niya ko sinagot. Halos hindi gumagalaw yung labi niya pero naiintindihan ko yung sinasabi niya.
"Isang grupo sila ng college students at gusto nilang lahat na ikaw ang maging girlfriend. Kanina pa sila naghihintay dito. At gusto nilang makipaglaro sayo." hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o nagpapatawa. Magkapaiba ba yun?
![](https://img.wattpad.com/cover/7158323-288-k82990.jpg)