When he comes all the way to fight for the love that you two have shared, doesn't it flatter you that he's willing to cross all the differences and status that separate you? He even took his life just to prove that love still exists in the afterlife and because you were too inlove with him you followed him in the realm of the dead....and that's bullshit! Who on their right mind would do such idiotic decision? Defying destiny, is just talk shit.
"Pst.."
This just proved that love kills and how do you say happily ever after when the two of you are dead? You only proved nothing. You were such a coward you chose death to escape from this cruel world instead of fighting head on.
"Psssstt." napahigpit ang hawak ko sa ballpen.
"Tigilan mo nga ako Mervin!" napatigil ako nang malingon ko yung katabi kong upuan. Walang tao.
"Ah eh, Ronnie... P-pahiram ng eraser?" huminga ako ng malalim. Oo nga pala absent ang mokong. Well, pangalawang araw niya na itong absent simula nung insidente sa bahay nila. I haven't seen him around campus and that only meant absent siya dahil kung pumasok siya paniguradong makikita ko siya dahil pakalat kalat lang naman yun.
"Yiih! Miss niya si Mervin!" pang-aasar nung mga kaklase kong lalaki. Napa-irap na lang ako habang kinukuha ko yung eraser sa bag ko para maiabot dun sa humihiram sa likuran. Kung makakalabit kasi, nagcoconcentrate pa naman ako sa essay na sinusulat ko.
Pang-asar naman kasing prof to, ano bang pakialam ko sa Romeo and Juliet Effect na yan at sa epekto niya sa mga couples sa modernong panahon? Marami pa rin bang suicidal dahil sa pagmamahal na yan? Akala ko ang latest issue ngayon ay suicidal attempts ng mga bullying victims? Para sa akin mas karapat dapat na pag-ukulan ng pansin yung mga ganung topics kesa rito sa pinapagawa sa amin.
"Thanks." sabi niya pagkaabot ko sa eraser at binalik ko na ang atensyon ko sa papel na sinusulatan ko.
Ano ba kasing nangyari sa lalaking yun at panay naman ata ngayon ang absent? Sabagay kanila naman ang school na to pero bakit ko ba siya iniisip? May sira na ata tong utak ko. Tsk.
Sino ba kasi yung magandang babaeng dumating? Hindi ko na kasi masyadong pinagtuonan ng pansin at umalis na agad. I just felt that I should be out of the picture sa mga oras na yun. Mukha kasi silang nagrereunion na dalawa sa itsura nila. Tapos mukha namang nakuha niya na lahat ng attention ni Mervin. Mabuti na siguro ito. Sana wag na siyang pumasok. Bwahaha!
"Hey Ronnie, gusto mo ipagbake kita ng cheesecake?" inangat ko ang tingin ko mula sa mga papel na pinipirmahan ko."No thanks, kailangan ko nang tapusin ang mga to. Next week kasi baka hindi ko na maharap dahil sa practice ng basketball team."
"Take it easy, I don't want you getting sick." I just smiled at him bago bumalik sa ginagawa ko.
"Prez, you need to sign these for the safety measures for the incoming event." napatitig ako sa ipinatong ni Danna sa mesa. "You should also lead the inspection for the construction of the ferris wheel." napabuntong hininga ako.
Nakakapagod talaga pag papalapit na ang buwan ng November. Ito na ata ang pinakapinaghahandaan ng buong school besides foundation day.
"Kelangan bang ako talaga ang gumawa niyan?" I massaged my forehead as I lean on the arm chair.
"Yeah?" hindi ba pwedeng magpadala ng tao instead of me?
"I can do it?" tumayo si Tommy at kinuha yung papel at mukhang binasa pa ito.
"Talaga?" I hopefully asked. I was really hopeful that I could lay this off my hands kahit na ito lang. Three months na lang at Year End Tournament na, I couldn't afford to slack off lalong lalo na at may pinanghahawakan kaming championship. Hindi ko matatanggap na ipahiya ko ang school ko by losing.
![](https://img.wattpad.com/cover/7158323-288-k82990.jpg)